CHAPTER 27: Sandra

374 41 5
                                        

CHAPTER
TWENTY-SEVEN

Sandra

Veronica watched Sinco walked towards her. She wasn't even sure how possible it was. Nakikita niya ang galit sa mga mata ng binata pero ganoon din ang napakaganda nitong tindig, ang buhok nitong bahagyang nawawala sa ayos dahil sa hangin at paglalakad nito, ang makapal nitong mga kilay na halos tumuwid na dahil sa pagkakakunot, ang matangos nitong ilong, ang napakakinis nitong mukha at syempre ang mga labi nitong bahagyang nakaawang.

Kumalabog ang puso niya at napabuntong-hininga siya saka napangiti. Her Sinco. He became a grown man after those years na wala siya sa tabi nito. Katulad noon, she still liked making him angry. Kung kailan nasa kanya lamang ang atensyon nito.

Paglapit nito ay agad nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya. She almost laughed.

"What the fuck do you want?" Puno ng galit na tanong nito.

She smiled sweetly. Sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak nito sa mga balikat niya pero mas lalo lang itong humigpit. Binasa ni Veronica ang kanyang mga labi bago itinulak ang dibdib ng lalaki gamit ang kanyang hintuturo. Kita ang gulat ng lalaki nang mabitawan siya.

"I am just giving you what you want," she said. Kumunot ang noo ng lalaki. "You want my son? Then, don't marry that woman and be with me."

"You're crazy." Tumawa nang sarkastiko ang lalaki saka napailing.

"You are crazier if you really think na ibibigay ko sa'yo ang anak ko."

"He's my son too."

"Your son?" Umakto siyang nagulat. "How can he be your son when all the time he was growing, you were not there."

"Sa tingin mo bakit?"

"Bakit nga ba?" Hinawakan niya ang pisngi ng lalaki. "Kinalimutan mo kami."

"Bakit nga ba?" Hinawakan ni Sinco ang kamay niya at marahas na nilayo sa pisngi nito. "Iniwan mo ako."

"So, you're mad because I left right? Here I am now. Be with me then."

"Will you be happy with that?"

"I will be delighted." Mas lumawak ang ngiti niya.

"Magiging masaya ka habang kinamumuhian kita."

"Don't worry Sinco. Sanay na ako dyan," she said lightly. "People loathed me for who I am, but my son loves me. Tapos kukunin mo siya at inaasahan mong ibibigay ko siya sa'yo? Tanga ka ba?"

Nagtiim ang panga ni Sinco sa pang-aasar niya kaya lalong natawa si Veronica. Nilingon niya si Tamara na umiiyak pa rin hanggang ngayon habang nakatingin sa kanila. Tiningnan niya ang tyan nito.

"Alam mo bang pwede pang magkaroon ng miscarriage ang — " Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay hinawakan na ni Sinco ang kanyang braso.

"Don't you fucking dare."

Nagkunwaring nagulat si Veronica. "So, you still remember what kind of being I am?"

Tumaas ang kilay niya sabay bawi ng kanyang braso. Hinawi niya ang kanyang buhok at tinitigan si Sinco.

"Don't you fucking dare," she said. "I love playing games Sinco but I get bored easily."

Tumalikod na siya. Nilingon niya ulit nang isa pang beses si Tamara saka naglakad paalis. Hindi pa man siya nakakalayo nang tuluyan at hindi na siya nakikita ni Tamara ay naglaho na siya. Tila pinakita talaga kay Sinco kung anong klaseng nilalang siya.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon