CHAPTER 29: Bastard

332 34 12
                                        

CHAPTER
TWENTY-NINE

Bastard

Veronica was like a statue, sitting on the far end corner of the cafe almost three tables from her son and Sinco. Lumayo talaga siya sa mag-ama dahil alam niyang may posibilidad na 'di niya mapigilan ang sarili niya sa pagsabat sa usapan ng dalawa. So, she sat there patiently sipping her coffee every now and then.

Iginala niya ang tingin sa paligid. Walang masyadong tao sa cafe. Siguro mga apat lang bukod pa ang dalawang table na inookupa nila ang may laman. Hinawakan niya ang tasa at agad na nabitin sa ere ang iyon nang makita niya si Rosalinda sa labas.

Palingon-lingon ito sa likuran nito kaya naman gumawi rin ang niya roon. Doon niya nakita ang isang pamilyar na lalaki. He had a scar on his face. Kahit sa distansya nila sa isa't isa ay pansin niya iyon. His eyes were focused on Rosalinda, and her sister looked . . scared.

Tumayo siya para puntahan ang kapatid.

"Tamara!"

Natigil siya at napalingon agad sa table ng kanyang mag-ama. Nakita niya agad ang galit na si Sinco at ang buntis na si Tamara. Si Simon naman ay nakatingin sa babae.

Nakalimutan na niya ang tungkol kay Rosalinda. Pinuntahan niya ang kanyang anak na hinawakan niya ang likuran nang makalapit siya.

"At nandito ka rin!" Galit na bulalas ni Tamara at tiningnan nang mapang-akusa si Sinco. "You postponed a very important operation just for this."

"Calm down. Let's go. Bumalik na tayo sa ospital."

"Hindi ka pa tapos makipag-usap sa anak mo, hindi ba?" May diin ang salita nito.

Binalingan ni Veronica ang anak. "Simon, let's go home na."

"Bakit? Hindi ba't may father and son date sila? Bakit mo papauwiin ang anak mo?"

"Dahil ako ang kanyang ina." Binalingan niya ang babae. "Now, please excuse us.."

Kinuha niya ang bagpack na maliit ni Simon at isinuot ito sa likuran nito. She gently kissed the top of his head. He looked up at her and she smiled gently.

"Let's go.." Hinawakan niya ang kamay nito at handa nang umalis pero talagang pinaglihi sa sama ng loob ang babae ni Sinco.

"Ang kapal din talaga ng mukha niyo ano.." she said through gritted teeth. "Do you really think uubra itong paggamit mo sa bastardo mong - "

At doon naputol ang kanyang pasensya. Mabilis niyang nalapitan ang babae na tila isang kidlat. May hawak na siyang patalim at nakatutok iyon sa bibig ng babae. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat at takot.

"Kung ako sa'yo, pag-iisipan ko muna ang sunod kong sasabihin.." she said deadly. Her eyes were glowing blue.

"Veronica.." Sinco softly called her name as if that would calm her down.

No. Nanginginig siya sa galit at gusto niyang putulin ang dila ni Tamara.

"You can insult me once or twice or maybe thrice. I can let that pass.." mas inilapit pa niya sa bibig nito ang patalim. "But not my son."

"Veronica, I think she really didn't mean that.."

"You're defending her," she accused him. "This fucking woman called your son a bastard, and you're defending her!"

"Veronica - " he couldn't finish his sentence when Tamara suddenly groaned.

She was bleeding.

Umatras si Veronica at pinanood ito. Her eyes were cold. Mabilis namang nilapitan ni Sinco ang babae. Sinamaan nito siya ng tingin.

"Look what you've done!" He yelled angrily.

Nagtiim ang panga ni Veronica at inihagis ang patalim. Muntik na iyong tumama kay Sinco ngunit dumiretso naman iyon sa pader.

Bringing her son there was a mistake. Sinco wouldn't choose him over that woman. Yes. She wanted him to choose dahil alam niyang hindi sila mabubuhay nang tahimik kung parehas na nasa buhay ni Sinco.

Gumawa pa siya ng isang patalim. She wanted to kill Sinco. She wanted so badly. Ngunit hindi niya magawa. Kaya naman hinawakan na lamang niya nang mahigpit ang patalim nang napakahigpit.

Tumalikod siya at binitawan ang patalim. Ngumiti siya sa anak niya na naroon lang. Nagsimula siyang maglakad palapit dito.

Mabilis ang naging pangyayari. One second Veronica was walking towards her son smiling, then next the place went into a disaster. Nabasag ang lahat ng babasagin kasama na ang salaming pader ng cafe nang sumigaw si Simon.

"No!"

There was force behind her. She thought someone stabbed her or what. And yes, someone did try to stab her.

Lumingon siya sa kanyang likuran at nakitang muli sa kanyang harapan ang pinakamasakit na pagtatraydor sa buhay niya.

Sinco was holding the knife she made earlier.

He froze. Maybe because of Simon. He was powerful.

Mapait siyang napangiti at kinuha ang patalim sa kamay ni Sinco. Sa isang iglap ay gumalaw ito.

Napaatras ito. Nakakunot ang noo na tila naguguluhan. He looked at his hands and then to Veronica. When he saw that she was holding the knife, he stepped backwards one more time.

"I - "

"Bastard," sabi niya at tinunaw sa kanyang mga kamay ang patalim. "I'll kill you."

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon