CHAPTER 4: Blue

698 48 8
                                        

CHAPTER
FOUR

Blue

"Sigurado ka bang ayaw mong magpuntang ospital?" Pang-limang beses na yatang tanong ni Macy kay Veronica.

Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Katatapos lang nitong palitan ang mga benda niya. Napakaraming dugo ang nawala sa kanya pero hindi naman na siya ganoong nahihilo. Iyon nga lang parang bumalik na naman siya sa kalagayan niya kahapon. Sobrang hina niya at halos hindi niya maramdaman ang binti at hita niya.

"Ayos lang ako." Ngumiti siya para maibsan ang pag-aalala nito pero kumunot lang ang noo nito at nagngalit.

"Bwisit talaga 'yung Martha na 'yun, eh!"

"Minsan 'di ko malaman kung may sapi ba 'yun o ano," naiiling naman na wika ni Heather na pinupulot ang mga bendang nagkalat sa sahig.

Basang-basa iyon ng dugo pero mukha wala lang naman iyon sa dalaga. Kalmado lang ito at medyo inis rin sa ginawa ni Martha.

"Baka akala lang talaga niya ay babae ako ni Sinco," pagdadahilan niya.

Sabay napalingon sa kanya ang dalawang babaeng kasama niya. Unang ngumiwi si Heather at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Ngumiti naman si Veronica kahit pa ang totoo'y kumukulo ang lahat ng dugo niya sa katawan. Kung meron pa bang natira. Gustong-gusto niya nang saksakin ang babae kanina. Malamang kung may kapangyarihan siya ngayon ay hindi na aabutin ng umaga ang babaeng 'yun.

"Sige!" Biglang sabi ni Macy. "Nandoon na tayo, eh. 'Yung akala niya babae ka ni Sinco pero hindi pa rin makatwiran 'yung ginawa niya! Muntik ka nang mamatay! Sana man lang kinausap ka lang muna niya. Inalam ang totoo!"

"Gano'n din ba ang gagawin mo kapag nahuli mong may isang babae na suot ang damit ni Pitt sa kwarto niya?" Tanong niya sa babae at agad itong natigilan. "Kakausapin mo rin muna?"

"Oo!" Proud nitong sagot. "Alam mo Veronica, mukha lang mahal na mahal ako ni Pitt. Pero kung tutuusin, siya ang pinakababaero sa kanilang magkakaibigan. Sa loob ng dalawang taon na magkarelasyon kami ay hindi lang bente ang nahuli kong babae ni Pitt. And I handled them calmly."

"Bakit kayo pa rin?"

"Eh, kasi tanga siya," singit ni Heather sa usapan. "Obvious ba?"

"Hoy!" Saway ni Macy. "Excuse me lang ha sa babaeng ilang beses nang iniyakan si Ted dahil walang time sa kanya at hindi daw gumagawa ng effort."

"Noon 'yun."

"Still counted." Ngumiti si Macy saka muling tiningnan si Veronica. "Okay. Tanga na kung tanga pero gano'n naman talaga kasi kapag mahal mo ang isang tao. Iintindihin mo at tatanggapin ang mga pagkakamali niya habang umaasa ka na hindi na siya uulit. Kahit ganoon si Pitt, alam kong mahal niya ako. At kung ako lang ang tatanungin, sapat na na mahal ako ni Pitt para huwag siyang sukuan. Saka isa pa, kaya ko pa naman. Bakit ako bibitaw? Edi nagkaroon ako ng what if! No way."

"Paano kung ang what if na matira sa'yo ay what if sumuko ka na lang noong una pa lang edi sana hindi ka na ganoong nasaktan?"

"Ay!" Tumawa si Macy. "Love is about taking risks baby girl!"

"Bakit Veronica?" Lumingon sila kay Heather na tapos na sa ginagawa nitong pagliligpit. "May ganoon ka bang what if? What if sumuko ka na agad?"

"Wala." Umiling siya nang nakangiti.

"May boyfriend ka ba?" Kuryosong tanong ni Macy at umiling naman siya ulit. "Pero nagkaro'n na? Alam mo sa ganda mong 'yan, malamang. Pero sabagay hindi naman lahat ng maganda, may jowa. Tanda mo si Kiara, Heat? Grabeng ganda no'n, walang jowa."

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon