Final Chapter

307 24 0
                                        

FINAL
CHAPTER

Sa tagal nang nabubuhay ni Veronica ay marami na siyang napagdaanan. Hindi perpekto ang naging buhay niya. Hindi rin palaging nakukuha niya ang gusto niya. Marami na rin ang nawala sa kanya, hindi lamang materyal na mga bagay kundi mga tao ring mahahalaga sa kanya. Marami na rin siyang naisakripisyo. Mga bagay na binitawan dahil kinakailangan.

Sa huli, masasabi niyang sa daming bagay na pinagdaanan niya ay kuntento na siya sa buhay na tinatamasa niya.

Limang taon silang nanirahan ni Simon sa dati nilang tahanan. Pagkatapos noon ay nagpunta silang Amerika para roon makapag-aral ang binata. Nagtagal sila nang halos anim na taon doon. Nasaksihan ni Veronica ang mga naging pagbabago sa kanyang anak.

Ni minsan hindi nito hinanap ang ama. Hindi rin naman pinaramdam ni Veronica sa anak na kailangan nitong hanapin si Sinco.

Bumalik sila sa Pilipinas dahil magpapakasal na ang pinsan nitong si Ysabelle. Hindi pa rin makapaniwala si Veronica na pinayagan ni Susanna at Scott na magpakasal ang nag-iisang anak sa murang edad nito. Hindi naman siya nagsasalita tungkol doon at masaya naman siya para sa pamangkin.

"Naunahan ka pa ni Ysabella, ah.." pang-aasar niya kay Feliciah nang makita niya itong nakatayo sa ilalim ng puno malapit sa swimming pool. Nagmumukha itong multo dahil sa itim na bestida at boots. Mahaba pa ang buhok nitong itim na itim din.

"Hindi ka pa rin naman nagpapakasal," agad nitong tugon kaya napangiwi siya.

"Nakita mo na ba ang mapapang-asawa niya?" Kuryosong tanong niya. Dalawang araw na kasi siya sa kanilang bahay ay hindi man lang niya nakikita ang lalaki.

Umiling naman si Feliciah. "Ang balita ko ay isang hamak na Sorcerer lamang."

Ngumisi siya sabay iling. Kung makapagsalita kasi ng hamak ang kapatid niya ay para bang napakababang uri ng isang Sorcerer. Biglang pumasok sa isip niya si Rosalinda. Sa loob nang halos labing-isang taon ay wala siyang balita sa kanilang kapatid. 

Nilingon niya si Feliciah na seryoso lamang na nakatingin sa kanilang bahay. Hindi siya sigurado kung anong tinitingnan nito. Nagdadalawang-isip siya kung dapat ba niyang tanungin ito tungkol kay Rosalinda.

"Buhay pa siya."

"Ha?"

"Si Rose." Hinawi nito ang mahabang buhok nang hindi siya nililingon. "Iyon lamang ang alam ko."

Napatango siya. Buhay pa si Rosalinda. Hindi niya alam kung magiging masaya siya o dapat bang mag-alala dahil ibig lamang sabihin noon ay buhay pa rin si Ronan. Naalala niya ang sinabi noon nang pinuno ng mga Dead ones, na magiging napakalakas ni Simon. Naniniwala siya sa sinabi nito, ngunit hindi niya lubos akalain kung gaano iyon katototoo.

Natanaw niya si Simon sa loob ng bahay. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa pinsan nitong si Ysabella. Wala sa sariling napangiti rin siya.

Simon was really a prodigy. He proved that numerous times. Hindi lamang sa mahika, kundi sa napakaraming bagay. Ngunit gaano man kalakas ang kapangyarihan ng kanyang anak ay pinili nitong mamuhay na tila ba isang ordinaryong tao lamang.

He fell in love with music.

He became famous with his songs and compositions. Hindi niya lubos akalain na iyon ang tatahaking landas ng kanyang anak. Piano ang paborito nitong tugtugin, kaya naman sa kasal ng pinsan ay si Simon ang tutugtog.

"Everything was worth it," she told Feliciah. "Pwede na nga akong mamatay kung sakali. Alam kong masaya na ang anak ko."

"Gusto mo nang mamatay?" Nagulat si Veronica nang bigla siyang lingunin nito.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon