CHAPTER 12: Sunset

461 40 2
                                        

CHAPTER
TWELVE

Sunset

Kill Sinco? How could she do that? Alam niyang ilang beses na niyang pinagbantaan ang buhay nito. Pero ang totoo'y ni hindi niya ma-imagine na pinapatay o sinasaktan man lang ang binata. She was brutal, but hurting Sinco was another thing. She knew that she couldn't do it.

"I'm just kidding."

Bumagsak ang balikat ni Veronica sa narinig. Tumaas ang dugo niya sa mukha at nanlamig ang buong katawan. She didn't know how to react properly. All her thoughts went out of the window. This bitch sister of her really had the nerve to joke about killing Sinco.

"Tangina ka!" Sigaw niya sa poker face pa ring si Feliciah. "Kidding? Totoo?"

"Hindi mo naman siya kailangang patayin."

"Walang hiya ka."

Nagkibit balikat ito bago nawala ang karit na hawak nito. Lumingon ulit ito sa kawalan.

"You don't have to kill the one you love."

"At sinong may sabing mahal ko siya?" She crossed her arms over her chest and smirked. Hindi naman siya pinansin ng kapatid. "Pero totoong may dugo siyang Alchemist?"

"Hm.."

"Sagutin mo naman kasi! Hindi magandang biro 'yan."

"It's true."

"Paano naman ako maniniwala sa'yo ha?" Mapang-akusang tanong niya. Imbis na sagutin siya ay nagkibit-balikat ang Necromancer.

Umalis na lamang si Veronica at pumasok sa loob ng mansion. Sandali siyang natulala sa pader ng kanyang kwarto.

If Sinco was really an Alchemist then one of the members of his family might be one too. It was hard to tell. Sa tingin din niya ay wala na siyang pagkakataon pa para malaman ang katotohanan.

Hindi na sila magkikita kahit kailan.

Wala na siyang nagawa kung hindi isantabi ang ideyang iyon. All she could think about was to bring back her powers. Kung si Sinco nga ang susi sa bagay na iyon, mukhang kailangan na niyang masanay sa buhay na mayroon siya ngayon.

Mahina. Walang kapangyarihan. Ordinaryo.

"Saan ka pupunta?"

Natigil siya sa paglalakad nang marining si Rosalinda. Nilingon niya ang kapatid na nakaupo sa sofa at hawak ang isang magazine. Nakatingin ito sa kanya at tila naghihintay.

"Sa mall."

"Mall?" Kumunot ang noo nito kasabay nang pagtuwid sa pagkakaupo. "Ano namang gagawin mo doon?"

"I just want to buy things."

"Like what?"

"Ewan. Paint?" Nagkibit-balikat siya. Hindi siya sigurado.

"Pwede namang magpa-deliver ka na lang."

"I want to see them personally before buying."

"Kung ganoon, sasamahan kita.." Akmang tatayo na ito.

"Hindi. Huwag na." Mukhang wala itong balak makinig. Bumuntong-hininga siya. "Rose, I'm serious."

Saka lamang ito natigilan at tiningnan siya. Hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Gusto ko lang munang mapag-isa. Please."

She went outside after that. She walked and walked — and walked. She didn't bring a car, because she wasn't even sure if she could drive. Hindi niya na maalala. O marahil wala na rin siyang pakialam.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon