CHAPTER
THIRTY-SIX
Fishes
Veronica got easily used to living again in her old house. Malayo sila sa bayan kaya naman napagpasyahan niyang mag-alaga ng mga hayop at magtanim ng mga gulay para may makain sila at hindi na kailangang sumadya pa sa bayan para mamili. Tinutulungan naman siya ni Simon sa lahat ng kailangang gawin. Siya na rin nagtuturo sa bata ng mga dapat nitong matutunan dahil napagpasyahan niyang huwag nang pag-aralin muna ang anak sa eskwelahan, tutal ay napakarami pa namang oportunidad para makapag-aral ito balang araw.
Hindi rin lang mga bagay na natutunan ng mga tao ang itinuturo niya sa anak. Ganoon din ang tamang pagkontrol at paggamit sa kapanyarihan nila bilang isang Alcehmist.
Simon was born to be a great prodigy. Humahanga siya sa bilis nitong matuto, hindi lamang dahil anak niya ito kundi dahil talagang hindi maikakaila ang akin nitong talento. She remembered her young days. Hindi siya iyong tipong mabilis matuto. Halos nagtatagal siya nang ilang buwan sa pag-aaral lamang ng isang kasanayan. Hindi dahil nahihirapan siya, kundi dahil ayaw lang niyang iwan ang isang bagay na hindi niya pa nama-master. She was indeed a perfectionist.
"I think I can already teleport to the nearest market," Simon suddenly said after their training and Veronica's immediately shot up.
She grinned knowingly. "Why? May gusto kang bilhin 'no?"
"I am just thinking if we can buy some fishes."
"Fishes?" Nagulat siya roon. "Anong klase?"
"For our pond.." Itinuro nito ang pond na nasa gilid lamang ng bahay nila.
"Ah, fish.." Napangiti siya at ginulo ang buhok ng anak. "We'll buy fishes, but we won't be teleporting."
"Why?"
"Just to be safe."
Naalala niya noong nag-teleport siya. Kung kailan sobrang desperada na siyang mabuhay. She remembered what was she feeling that time. Was she really desperate to live? Some would think that. The fact that she was dying, but she really didn't care if that would be her last moment. What she wanted was to go home . . to feel the warmth of home.
"May specific ka bang isda na gusto?" Tanong niya sa anak habang nakasakay na sila sa kotse papuntang bayan.
"Wala naman po."
Medyo malayo sa kanila ang bayan at inabot din sila nang ilangg minuto bago makarating doon. Pinarada niya ang kotse ilang metro ang layo sa bayan at bumaba kasama ang anak.
"Plaza yata 'yun 'nak oh.." Turo niya sa malawak na field kung saan maraming mga kabataan ang naglalakad o 'di kaya naman ay nakatambay. Sa gilid naman nito ay ang mga nagtitinda ng iba't ibang pagkain.
Hinawakan niya ang kamay ng anak at naglakad papunta sa plaza. Kita niya ang kuryosong paglibot ng tingin ni Simon. Dinala niya ito sa nagtitinda ng mga fishball, kikiam at kwek-kwek. Hindi naman maarte ang anak niya sa mga pagkain at excited pa nga ito na matikman ang lahat ng naroroon. Hindi naman niya binigo ang anak. Halos lahat ng tindahan na naroroon ay binilhan nila. Umupo sila sa gilid kung saan naroroon ang mga sementadong upuan at doon kumain.
May mga kabataang naghahabulan sa malawak na damuhan. Nag-aagaw na ang kadiliman at kahel sa kalangitan kasama ng makakapal na ulap kaya naman may iilan na ring mga ilaw sa mga poste ang nagbubukas. Maingay ang mga jeep na dumadaan, maging ang mga magtitindang tumatawag sa pansin ng mga mamimili.
Gumala ang tingin ni Veronica sa paligid. Napapangiti siya. Kahit pa maingay ang kapaligiran ay nararamdaman niya ang buhay at kasiyahan ng mga tao sa paligid niya. Lalo na ang mga bata.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantastikIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
