CHAPTER 18: Decision

392 32 1
                                        

CHAPTER
EIGHTEEN

Decision

A small smile crept on Veronica's lips when she woke up that morning. Agad nga lang din 'yung nawala nang maramdaman niyang wala siyang katabi. Bumangon siya agad at halos mapasigaw nang makita kung sino ang nakaupo sa kanyang harapan.

"Hi," bati nito sa kanya.

Napahawak sa kanyang dibdib at napairap. Saka niya napansing wala man lang siyang suot na damit. Nakapatong lang sa kanya ang damit niya at damit ni Sinco.

"Nasaan si Sinco?" Gulat na tanong niya.

Nagulat siya nang ihagis nito sa kanya ang kanyang panty. Sinamaan niya ng tingin ang kapatid.

"Nasaan nga si Sinco?"

"Pinatay ko na siya."

Kumalabog ang puso ni Veronica. "Ano?"

Sumikip ang kanyang dibdib at tila nagdilim ang kanyang paningin. Naging asul ang kanyang aura at mga mata. Napatayo siya. Handa nang ipaghiganti si Sinco.

"Veronica?" Natigilan siya nang marinig ang boses na iyon.

Lumingon siya agad at kusang nawala ang asul na aura sa kanya. Maging ang mga mata niya ay bumalik sa kulay nito.

"Anong ginagawa mo?" Lumapit ito sa kanya habang dala ang mga prutas na hindi niya alam kung saan nito nahagilap.

Kinuha nito ang mga damit niya saka lumapit sa kanya. "Hindi ka pa nagbibihis."

Saka niya naalala. Wala pa siyang saplot. Sinamaan niya muna ng tingin si Feliciah bago kinuha ang mga damit niya at nagbihis sa harapan ng mga ito. Napakamot naman sa kanyang batok si Sinco.

"May dala akong mga prutas. Kumain muna tayo bago umuwi.." sabi nito at inayos ang pagkakalatag ng mga dalang prutas.

Umupo sila habang masama pa rin ang tingin ni Veronica kay Feliciah na kasalukuyang ngumunguya ng saging.

"Paano mo kami nahanap?" Mapang-akusang tanong niya. Hindi naman ito sumagot na tila ba walang narinig. "Ikaw lang mag-isa?"

"Hindi," sagot nito at tumingin sa kanya.

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong na niya sa wakas. Kanina pa kasi niya napansin. "Agad-agad talaga ay bumalik ka sa ganyang katawan mo ha."

"Galing kasi ako roon.." Tumuro ito sa taas. "Hindi kakayanin ng batang katawan."

"You look . . weird."

Hindi naman siya nito pinansin.

"May balak ka pa bang umuwi?" Nagulat siya sa naging tanong nito. "Everything is a mess. Kung ako sa'yo, hindi na ako uuwi."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Ngumiwi siya.

"I know how to bring back your powers.." Feliciah said. "Actually, nabalik na nga iyon."

"Ano?" Hindi naniniwala si Veronica kaya naman sinubukan niyang magpalabas ng isang patalim sa kanyang kamay.

Nanlaki ang mga mata niya nang magawa niya. Napatayo pa tayo at ngiting-ngiting tiningnan si Sinco na namamangha rin.

"Tingnan mo! Bumalik na ang kapangyarihan ko!" Tuwang-tuwang balita niya. Tiningnan niya ulit ang kapatid. "Paano nangyari 'to?"

Hindi agad sumagot si Feliciah. Nagtagal ang titig nito kay Sinco. "Siya ang dahilan."

"Si Sinco?" Saka pumasok sa isip niya ang tungkol sa mga sugat nito. "Bakit? Teka, Sin . . umamin ka nga. May dugo ka bang Alchemist?"

"Ha?" Nagulat doon ang binata.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon