CHAPTER
TWENTY-FOUR
Veronica
Kauuwi lamang ni Sinco sa unit niya. Naiinis pa rin siya sa nangyaring pagtatalo nila ni Tamara. Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong sabihin na kamukhang-kamukha niya ang anak ni Veronica na para ba siyang ang ama nito. At iyon pa ang sa tingin niya'y nais nitong ipunto. Imposible iyon! He didn't even know Veronica before. Paano niya naman iyon mabubuntis?
Kahapon pa nila huling nakita ang mag-ina pero kahapon pa rin siya kinukulit ni Tamara.
Napailing siya at dumiretso na lamang sa banyo para mag-shower. The imagine of the young boy was randomly flashing in his mind, and he wasn't sure what to feel. Hindi siya dapat mainis sa bata. He was just a boy.
Huminga siya nang malalim sa unang pagtama ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Umuulan pa rin hanggang ngayon kaya naman saktong-sakto lang ang temperatura ng tubig. Nakapikit siya habang tumatama ang tubig sa kanyang mukha.
Agad nga lamang siyang napamulat nang tila may umilaw mula kung saan sa loob ng banyo at halos mapasigaw siya nang makita ang pigura ng isang babae.
Basang-basa si Veronica. Natagpuan niya ang sariling nakatayo sa harapan ng shower kung nasaan si Sinco. They couldn't see each other because of the smoked shower screen.
Maya-maya pa nga ay lumitaw na ang ulo ni Sinco mula sa shower panel at nanlaki agad ang mga mata nito nang makita si Veronica. Sandali silang nagkatinginan nang ang unang gumalaw ay si Veronica.
Sinco was beyond shocked by her next move. She literally flew to get to him. Wala na siyang oras para mag-react nang inatake siya ng halik ng babae.
"Sandali.." Sinco tried to stop her as he held her wrists. "How did you get here?"
But the woman didn't stop. She attacked his lips again, now snaking her hands around his nape. She jumped a bit and hugged his waist with her legs.
And they both got lost.
Tumama sa pader ang likuran ni Sinco at inalis na ang suot na blouse ni Veronica. He immediately cupped her breast before removing her bra.
"Sandali!" Natigilan si Sinco.
Agad niyang binitawan si Veronica. Sinapo niya ang kanyang ulo bago pinihit ang switch ng shower. Huminga siya nang malalim bago tingnan ang babaeng kasama niya. Basang-basa ito at wala nang saplot na pang-itaas.
"Putangina naman," gigil na mura niya at sinabunutan ang sarili. Huminga ulit siya nang malalim at tiningnan babae. Keeping his eyes on her beautiful face, avoiding to look down. "H-How did you get here?"
"Sinco.." That was when Veronica's tears started to fall until she started sobbing.
Lumakas ang hikbi niya hanggang sa mapahagulhol na. Now, Sinco didn't know what to do. Hindi siya sigurado kung dapat niya itong yakapin o ano.
Sa huli, kinuha niya ang tuwalya at iniyakap sa babae. Inakay niya ito palabas ng banyo, ngunit bumibigay ang tuhod nito kaya naman binuhat niya na ito.
Pagdating sa kama niya ay ibababa na sana na lamang niya para makaalis na siya nang humigpit ang yakap sa kanya ni Veronica.
Nakahiga ito at nakayakap sa kanyang katawan kaya naman humiga na rin siya. Now, Sinco didn't know how could he dress himself. Maybe he would just wait for her to calm down.
Napatanong na naman siya sa sarili kung paano nakapunta ang babae sa kanyang unit. Basang-basa ito. Siguradong hindi ito papapasukin ng guard kung sakali.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasíaIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
