CHAPTER
NINE
Departure
"Bukas mga pre ha.." Lumingon si Sin sa mga ka-team sa basketball. "Pasensya na talaga."
"Bakit ka ba kasi nagpaulan?" Tanong ni Denzel ngunit naglalaro ang mapanlokong ngisi sa labi. "At bakit parang hindi kayo nagpapansinan ni Veronica? Nag-away kayo?"
"Tumigil ka nga." Sinamaan ng tingin ang kaibigan pero tumawa lang ito nang malakas.
"'Yun ba bagong chix ni Sin?" Pang-aasar ni Trey, isa pang ka-team nila. "Ganda pre."
Ngumisi lang si Sin. Of course maganda si Veronica. Kahit hindi niya naman talaga chix ang dalaga ay hindi na siya nagkumento para iwasto ang kung ano mang iniisip ng teammates nila.
Nagawi naman ang kanyang tingin sa kanina pang tahimik nilang kasama. Si Chad. Kanina, noong pababa siya ng hagdanan ay nakita niya ang reaksyon nito nang makita ang dalaga. Maging ang reaksyon ni Veronica ay hindi nakaligtas sa kanya.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at kumunot ang noo. Nangunot rin tuloy ang noo niya bago siya nag-iwas ng tingin.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Giselle matapos ang ilang minuto na nila sa harap ng mga pagkain nila.
Nakatulala lang kasi si Veronica at hindi man lang nagagalaw ang kanin at adobo sa harapan niya. Malalim ang kanyang iniisip. Pero nangingibabaw doon ang itsura ni Chad kanina.
Ang gulat na ekpresyon nito at ang pag-aapoy ng galit at pagkatataka sa mga mata nito.
Nangininginig ang kamay niya kaya't ikinuyom niya iyon. Ang lalaking iyon ang nagtraydor sa kanya. Para saan? Para sa ginto! Para sa walang kwentang kayamanan.
Pilit siyang ngumiti. Maging ang mga mata niya ay nanliit sa kanyang ngiti. Hindi siya sumagot bagkus ay ginalaw na ang kanyang pagkain.
"Nasa'n na si Veronica?" Sandaling natigilan si Susanna sa kanyang pagkain sa tanong na iyon ni Christina.
Nag-angat siya ng tingin saka nagkibit-balikat. "She doesn't like to go home yet."
Christina might not be their real mother but she loved them like a real one did. Hindi nito kailanman pinaramdam na iba sila dito, kaya naman hindi na kataka-takang nag-aalala na ito sa mahigit dalawang buwan nang pagkawala ni Veronica.
"Bakit daw?" Nakakunot ang noong tanong ni Rosalinda. "Ang tagal na niyang wala! Ano ba kasing nangyari sa kanya ha? Ang sabi niya magbabakasyon lang siya kasama si Chad. Tapos ano nang nangyari?"
Napatingin siya sa kapatid. Rosalinda, their hot tempered sister was always like this. Si Feliciah ang pinakabata sa kanila ay tahimik lang na nakaupo kasama nila sa hapag. Nakikinig at nanonood sa kanila pero kita rin ni Susanna sa mga mata nito ang pag-alala.
Lahat naman sila nag-aalala. Pero nang makita niya ang kalagayan ni Veronica ay hindi niya mapigilang magalit. Her sister was not only bruised. She was powerless. Ang dating makapangyarihan niyang kapatid ay para na ring mahinang tao ngayon. But she could still feel it. The fire in her veins. The hunger for revenge. She was still Veronica, the Alchemist.
At hindi siya makakapayag na hindi mapagbabayaran ng lalaking 'yun ang ginawa nito sa kapatid nila.
"She will kill him."
"What?"
"You know she can't do that," mariing wika ni Christina. "Labag 'yun sa batas natin. We can't harm humans, Susanna."
"Mommy.." seryosong saad niya. "Veronica will kill that human."
Natahimik silang lahat. The way Susanna said those words was something. Tila ba isang pangakong hindi maaaring baliin.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasíaIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
