CHAPTER 5: Interest

776 54 7
                                        

CHAPTER
FIVE

Interest

Everyone woke up a little earlier than usual that day. Kailangan kasi nilang maghanda para sa plano sa anniversary nina Ted at Heather bukas. May pasok naman sina Pitt at Sin. Nasa kusina naman na si Giselle na hindi na nakauwi kagabi dahil sa ipapasa nilang report ni Ted. Kasama niya doon ang boyfriend na si Denzel na nanonood sa pagluluto niya.

"Kakain ba kayo lahat?" Tanong niya dito at hinarap ang lalaking nakahilig pa sa kitchen island. Kumunot ang noo niya. "Hoy!"

"Hindi ako sigurado kung makakakain pa si Pitt at Sin. Anong oras na ba? Seven-thirty klase nila, ah. Ba't naman kaya 'di pa sila bumababa?" Tumayo ito at hindi na lang pinansin ng dalaga.

Nagpunta na nga si Denzel sa kwarto ni Pitt. Naabutan niyang bukas ang pintuan noon at nagkalat ang mga gamit ng kaibigan. Hindi rin ito magkaintindihan sa paglalagay ng mga gamit sa loob ng bag.

"Nasa baba na ba si Sinco?" Tanong nito nang hindi siya nililingon.

"Wala pa."

"Ano?" Tumayo ito at ginulo ang basang buhok. "Nasa'n naman kaya 'yun! Sinabi naman kasing pigilan na sa pag-inom, eh. Umuwi ba 'yun kagabi?"

"Ang alam ko. Hindi naka-lock ang pintuan kanina sabi ni Lloyd, eh."

"Iiwan ko talaga 'yung bwisit na 'yun!" Inis na asik nito bago lumabas ng kwarto. "Sinco!"

"Huwag ka ngang sumigaw. Tulog pa si Veronica.." saway niya. "Ay, dapat pala ginigising na natin siya 'no. Baka si Giselle na lang magpalit ng benda niya."

"Kailangan ba talaga araw-araw 'yun pinapalitan?"

"Ang alam ko.."

Tumigil sila sa tapat ng kwarto ni Sin kung saan nga natutulog si Veronica saka kumatok.

"Veronica.." tawag nilang dalawa.

"Baka tulog pa," sambit ni Pitt bago maingat na pinihit ang doorknob.

"Teka.." saway ni Denzel. "Baka pagalitan tayo ni Sin."

"Ano?" Kumunot agad ang noo nito. "At bakit naman?"

"Isipin niya binabatos natin si Veronica."

"Sira ka ba? Anong binabastos? Para papasok lang tayo sa kwarto para gisingin siya."

"Pero 'di ba late ka na? Ba't kaya 'di muna tayo  bumaba at si Giselle na lang ang papuntahin ko dito?"

"Alam mo para kang tanga. Napaghahalata kang type mo si Veronica, eh."

"At bakit naman aber?"

"Halatang may malisya ka sa kanya."

"Edi tara.." walang kagatol-gatol na sabi ni Denzel sabay tulak ng pinto.

Pero imbis na sa natutulog na si Veronica dumapo una ang kanilang mga mata ay sa lalaking nakaupo sa sahig at nakahilig ang ulo sa gilid ng kama sila unang napatingin. Nagkatinginan silang dalawa bago lumapit si Pitt hawak ang kanyang cellphone at tahimik na pinicturan ang kaibigan.

"Tangina 'to.." Iiling-iling siyang bumalik sa tabi ni Denzel. "Ang daming satsat. Halata namang may gusto kay Veronica."

"Ano naman kayang trip niyan?" Nagtatakang tanong ng kaibigan niya habang nakatingin sa kamay ni Veronica na ginawang unan ng pisngi ni Sin.

"Ewan ko dyan." Tinapik ni Pitt ang balikat nito. "Una na ako sa'yo ha."

Sandaling napatitig si Denzel sa kaibigan niya bago tumingin sa tulog na babae. Aaminin niyang maganda ito. She was one of the most beautiful girls he'd ever met. Mukha rin naman itong mabait. Maaaring marami itong tinatagong sikreto sa kanila. Pero sino ba naman kasi ang walang tinatagong sikreto? She was way better than Martha.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon