CHAPTER 14: Shot

392 36 1
                                        

CHAPTER
FOURTEEN

Shot

"Nawawala si Veronica."

Napairap si Rosalinda. "You know what, you should relax!"

"Relax?" Kumunot ang noo ni Susanna. "Dalawang araw na siyang hindi umuuwi!"

"Noon naman ilang buwan siyang hindi umuwi."

"And look what happened to her!"

"You're overreacting."

"Iharap mo siya sa akin kung ganoon!" Gigil na wika ni Susanna. Nag-aalala siya.

Hindi na niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa kapatid nila. Ni wala man lang itong cellphone na dala. Hindi niya na alam kung paano ito hahanapin.

"Sasabihin ko na ito kay Christina," sabi niya bago tumalikod at pumunta sa kwarto.

Tumingin naman si Rosalinda kay Feliciah na kumakain ngayon ng chocolate chips. "Sa tingin mo ba nawawala talaga si Veronica?"

Hindi lumilingon ay tumango ang Necromancer. Kumunot ang noo ni Rosalinda. Ang totoo, kahit siya ay kinakabahan na. Ayaw lang niyang manghawa ng iba, ngunit tama si Susanna. Maybe they should search for her already.

Veronica licker her chapped lips. Halos wala na rin siyang laway. Nanghihina na siya at pakiramdam niya wala na rin siyang tiyan. Ilang beses na siyang nalipasan ng gutom. Pakiramdam niya pati bituka niya ay iniwan na siya.

It had been two days since she got there. Ang huling punta naman doon ni Chad ay noong timulak nito si Sinco. Mula noon, hindi na ito bumalik. Ni wala man lang nagpapakain sa kanila. Wala rin miski tubig.

Sinco was still on the floor. Pero hindi katulad noon na nakatagilid ito ay nakatahiya na ito. Hindi niya ito nakikita.

"Sinco.." she called him. Her voice was groggy. "Ayos ka lang ba dyan?"

"Yes," tipid nitong tugon.

Paano ba sila makakatakas? Veronica thought of it several times. She breathed in, closing her eyes. She must think again. This wasn't about her. It was Sinco.

She wasn't aware that her eyes started glowing blue. Nakakunot ang kanyang noo dahil sa konsentrasyon. She was trying again. She was trying to use her power again.

"Veronica?" Kumunot ang noo ni Sinco at sinubukang makita nang mas maayos ang babaeng kasama.

Hindi niya ganoong nakikita nito at likuran lang din ang nakaharap sa kanya, ngunit kitang-kita niya ang asul na liwanag na nanggagaling dito. This must not be an imagination. Hindi naman siguro 'to dahil sa gutom na gutom na siya.

"Veronica, what's happening there? Are you okay? Veronica!"

Nagmulat muli ang nga mata ng dalaga. They were not blue already. Napangisi siya dahil sa kanyang bibi ay nakaipit ang isang patalim. Mukhang mayroon pa rin naman palang kakarampo na kapangyarihan sa kanya.

Ibinagsak niya ang kutsilyo malapit kung nasaan si Sinco. "Use that!"

"Saan 'to galing?" Sinco asked, moving closer to the knife. It was hard to move, but he had no choice.

"Basta. Gamitin mo na lang."

Huminga nang malalim si Veronica. She felt dizzy. Ramdam niya rin ang likidong tumutulo galing sa kanyang ilong. Sa tingin niya ay dugo iyon.

"Hey.." Maya-maya ay lumuhod sa kanyang harapan si Sinco. He looked really handsome, she thought. Kahit pa nanlalabo ang kanyang mga mata ay nagawa niyang panoorin ang binata. "Veronica.."

"Will you let me love you?"

"Ha?" Kumunot ang noo ni Sinco bago pumunta sa likuran ng dalaga para kalagan ito. "Makakalabas na tayo dito. Everything will be alright."

"Sinco.."

"Come on Veronica. Get up." Hinawakan niya ang kamay nito para subukang itayo.

Pinunit niya ang laylayan ng kanyang suot at pinunasan ang dugo sa ilong ng dalaga.

"Do you like me?"

"C'mon. I'll help you get up.." Inilagay niya ang braso nito sa kanyang balikat bago sila nagsimulang maglakad.

Hindi naman naka-lock ang pintuan na ipinagtaka ni Sinco. Ganoon pa man, kailangan na nilang makaalis agad. Veronica was not okay. She seemed fine earlier, pero ngayon ay para na itong lantang gulay.

"I'm tired.." he heard her as they got close to what Sinco thought was the exit.

"Malapit na tayo. Kaunti na lang."

Madilim sa buong lugar. Sa tingin ni Sinco ay isa itong abandonadong building. Mukhang wala namang bantay kaya't nakahinga siya nang maluwag.

Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang paglabas nila ng gusali ay bumungad sa kanila si Chad. Mukha rin itong nagulat at hindi nakagalaw agad. Sinamantala naman ni Sinco ang pagkakataon at halos kaladkarin na si Veronica para lang makalayo.

"Hoy!" Sigaw ni Chad sa kanila.

"C'mon Veronica!"

It was now or never.

Tumakbo sila at nakailang beses na muntik nang madapa si Veronica. She was not okay. Her sight was blurry. Para bang nawalan na rin siya ng lakas. Halos kinakaladkad na nga lamang niya ang kanyang sarili makahabol lang sa bilis ni Sinco.

Sadyang wala nga siya sa kanyang sarili. Kahit pa noong makarinig siya ng malakas na putok. Kasabay noon ang pagtigil nilang dalawa sa pagtakbo.

May naramdaman siyang masakit sa likod ng kanyang kaliwanag dibdib. She collapsed.

Naririnig niya ang sigaw ni Sinco. Pero hindi na niya maramdaman ang sariling mga hita. Hindi na niya magawang tumayo.

"Veronica!" Sinco cried.

Hindi na niya alam ang gagawin. Nanlalamig ang kanyang nanginginig na kamay habang niyuyugyog ang katawan ng dalaga.

"Veronica!"

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon