CHAPTER 2: Help

805 58 6
                                        

CHAPTER
TWO

Help

Sobrang sakit ng katawan ni Veronica. Pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao at pinasagasaan sa ten-wheeler truck. Halos hindi rin niya maigalaw ang kanyang mga mata para magmulat. Dahan-dahan niya iyong ginawa. Bahagya pa siyang nagulat nang isang mata lang niya ang nagmulat. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at kinapa ang kanyang kaliwang mata. Nagulat siya nang maramdamang may band-aid iyon.

Noon siya napabalikwas ng bangon na agad din niyang pinagsisihan. Muntik na siyang mapahiyaw sa sakit ng katawan niya. Tiningnan niya ang kabuuan niya at nag-igting ang panga niya nang makitang nakabalot ang halos buong katawan niya ng benda. Bukod doon ay boxers lang ang suot niyang damit. Napakurap-kurap siya at tatawagin na sana ang kapatid niyang si Susanna nang may matanto.

Hindi ganito kasikip ang kwarto niya. Walang sandamakmak na librong patas-patas sa tabi ng kama. Wala ring puting lab gown ang nakasabit sa labas ng cabinet. Lalong hindi ganoon ang itsura ng cabinet niya.

At noon niya napagtanto. Wala siya sa bahay nila!

Sandali siyang nag-panic pero agad ding kumalma. She just needed to teleport back to her home. Isinara niya ang kanyang mga mata. Nag-concentrate pa siya para lumabas ang mahika sa kanya.

Hanggang sa makalipas ang ilang minuto at hinihingal na siya pero wala pa ring mahika ang lumalabas sa kanyang katawan. Naiiyak niyang inilibot ang kanyang paningin sa paligid. Nasaan ba kasi siya?

Hanggang sa napatili na siya.

Agad namang napabangon ang lalaking nakita niyang nakahubad na nakahiga sa sahig na sumigaw rin. Halatang nagulat niya ito dahil hindi ito magkaintindihan kung saan lilingon habang sumisigaw pa rin. Nakasuot lang din ito ng boxers na kaparehas na kaparehas ng suot niya ngayon.

Bago pa man siya nakapagsalita ay nagulat na siya nang biglang bumukas ang pintuan. Napasinghap siya at agad na kinuha ang kumot at itinakip sa kanyang katawan.

"Puta! Anong ginawa mo dito?" Galit na tanong ng isa sa mga lalaking pumasok.

Paano siya napunta sa lugar na 'to?

"Wala!" Tanggi agad ng lalaking kasama niya sa kwarto. "Nagising na lang ako bigla sa tili niya!"

"Pwede ba huwag kayong magsigawan?" Bumuntong-hininga ang isa pa sa mga lalaki saka siya nilingon.

Tumaas ang kanyang kilay pero hindi siya nagsalita. Ngumiti ang lalaki. Maputi ito at halatang mayaman base na rin sa kutis nito. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, medyo singkit ang mga mata, mahahaba ang pilik-mata sa taas at baba pa, makinis ang mukha, mapanga, manipis at mapupula ang mga labi, matipuno rin ang pangangatawan nito at kung susumahin niya ay ito ang pangalawa sa pinakamatangkad sa kanilang lima.

"Hi, Miss.." Kumaway-kaway pa ito na para bang isa siyang bata. "Ako si Lloyd. Pasensya ka na sa kaibigan namin ha. Banasin talaga kasi 'to kaya - "

"Nasa'n ako?" Putol niya na sa walang katuturan na sinasabi nito.

Sa totoo lang, sa tagal na niyang nabubuhay ay wala na siyang pakialam sa mga hubad na katawan. Ilang beses na siyang nakakita noon kaya wala na iyon sa kanya.

"At sino kayo?"

"Ako si Pitt!" Tumaas ang kamay ng lalaki na galing pa sa likuran. Ito ang pinakatamatangkad sa lima.

Kapansin-pansin rin dito balbas nito sa buong panga nito. Hindi naman iyon ganoon kakapal pero halatang may lahi ang lalaki dahil sa ganoong klase ng itsura. Itim na itim ang mga buhok nitong medyo kulot. Kahit pa ang mga mata nitong tila nangungusap dahil sa kinang at sa mga makakapal at mahahabang pilik-mata nito.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon