CHAPTER 13: Room

403 39 2
                                        

CHAPTER
THIRTEEN

Room

Veronica already imagined the worst. Ang akala niya hindi na siya magigising kahit kailan. Inakala niya ring kung magigising man siya ay nasa impyerno na siya, kung totoo man ang lugar na iyon. In short, she thought she was already dead. Alam niyang gusto siyang patayin ni Chad at dahil nga nawalan siya ng malay, lahat ng pwedeng paraan ng pagpatay ay magagawa sa kanya ng lalaki. Kaya naman, laking gulat niya nang sa pagmulat ng kanyang mga mata ay humihinga pa naman siya.

Hindi nga lamang siya makagalaw dahil nakatali ang mga kamay at paa niya. Inangat niya ang kanyang ulo at napagtantong mayroong tape ang kanyang bibig.

Nahihilo siya.

Tiningnan niya ang paligid at nakita ang pamilyar na maruming dingding. Para siyang bumalik sa nakaraan. Iyon nga lang nasa upuan siya ngayon.

Nasusuka na siya.

She was about to lower her head again and maybe act like she was dead when her eye caught something. Her eyes immediately widened when she saw a guy beside her. Nakatali ito katulad niya. Hindi naman siya ganoong katanga para hindi makilala ang lalaking ito.

Sinubukan niyang sumigaw. Siguro para lang makuha ang atensyon ng lalaki pero hindi niya magawa. Hindi rin siya makakilos.

Tumigil na siya. Napapagod na agad siya at hindi magandang ideya na mapagod ngayon.

Kanina, handa na siyang mamatay.

Wala na siyang kaplano-planong tumakas pero noong makita niya si Sinco, parang hindi kakayanin ng konsensya niya na mamatay ito dito kasama niya.

Wala naman itong kinalaman sa kanila ng pamilya ni Chad. They just wanted her because of gold. Sinco had nothing to do with this.

She should think of a plan for him to escape!

"Hindi ko yata nakikita si Veronica?" Nagtatakang tanong ni Susanna sa mga kapatid.

Kanina pa siyang nakauwi galing kay Christina at kanina pa rin niya hindi napapansin si Veronica. Malaki man ang bahay nila ay may mga lugar pa rin na alam na alam niyang dapat nakitaan man lang niya sa kapatid.

"Umalis siya," tipid na sagot ni Rosalinda na kasalukuyang nakatitig sa laptop na kaharap.

"Umalis?" Kumunot ang noo ni Susanna. "Saan nagpunta?"

Nagkibit balikat naman si Rosalinda. Lumipat naman ang tingin ni Susanna kay Feliciah na tahimik lamang na pinaglalaruan ang isang asul na rosas.

"Saan galing 'yan?" Kuryosong tanong niya. Wala naman kasing tanim na asul na rosas sa kanilang hardin. Pero ni hindi man lang siya tiningnan ng kapatid.

Napailing siya bago umakyat na papunta sa kanyang kwarto. Wala si Scott ngayon at nagpaiwan kay Christina dahil sa mahalaga raw nilang ginagawa upang mahanap ang pinuno ng Dead One na nakatakas noon.

Veronica slowly breathed in through her nose. Unti-unti ay naigalaw niya ang kanyang inuupuan palapit kay Sinco. Masakit na kanyang mga paa at hita. Medyo hinihingal na rin siya at pawis na pawis na. Pero hindi siya pwedeng tumigil ngayon.

She continued slowly moving her chair. Kailangan niya lang magising ang lalaking 'to. And then, maybe he could help himself out of that dungeon.

"Wala pa rin." Pagod na umupo si Giselle sa tabi ng kanyang boyfriend.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon