CHAPTER 11: Power

782 56 10
                                        

CHAPTER
ELEVEN

Power

He expected too much, he thought.

He was quite expecting that they would be eating with her family, pero wala ni isang tao sa loob ng dining area ng bahay nila. Mismong si Veronica pa ang naghanda ng mga pagkain nila. Pork steak, itlog na maalat, kamatis, inihaw na tilapia, munggo, orange juice at tubig ang inihanda nito. Napakarami para sa kanilang dalawa. Umupo ito sa kabisera at napili niyang sa kanan nito siya.

"Huwag kang mahihiya.." alok nito sa kanya sa mga pagkain. Tumayo pa ito ulit dahil nakalimutan ang kanin.

"Ang dami naman," puna na niya.

Inilapag ni Veronica ang kanin sa lamesa at naupo na ulit. "Talaga?"

"Dalawa lang tayo."

Hindi naman sumagot ang dalaga dahil nagsisimula na itong kumain. Ganoon na rin ang ginawa niya.

Tahimik lamang ang dalawa at tanging mga kubyertos lamang ang maririnig sa silid kaya naman agad na naagaw ng ingay mula sa sala ang atensyon ni Sinco. Hindi niya mapigilang mapalingon nang pumasok ang dalagita kanina na may kasamang batang lalaki. Agad na tumingin sa kanya ang bata nang kuryoso.

"Kakain rin kayo?" Tanong ni Veronica sa dalawa.

"Hindi," tipid na tugon ng dalagita. Naalala niyang Feliciah ang pangalan nito.

Ni hindi man lang siya nito nilingon. Dire-diretso ito papunta sa kusina. Ang batang lalaki ang hindi maalis ang tingin sa kanya hanggang makaliko ang mga ito. Nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito kaya naman nagulat siya nang pagbalik ng tingin niya ay nakatitig na pala sa kanya ang dalagang kasama.

"Maganda ba si Feliciah?" Biglang tanong nito na ikinagulat niya. "'Yung kapatid kong 'yun. Maganda ba siya?"

"A-Ano ba naman klaseng tanong 'yan?" Ikinunot niya ang kanyang noo.

"Maganda ba ako?" Palit nito ng tanong na mas ikinagulat niya. Kumalabog ang kanyang dibdib at agad siyang napaiwas ng tingin.

Gusto niyang bumuntong-hininga. How could she do this to him?

Veronica was certain that Sinco was just attracted to her just because she was beautiful. Alam naman niya iyon at sa totoo lamang ay naiinis siya sa isiping iyon. Being beautiful was something natural to someone like them. They used it to bewitch people, and to think that he was bewitched to her beauty was quite disappointing.

"Oo.." Nagulat pa rin siya sa naging sagot nito. "Maganda ka. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko."

Liar. Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang mga mata sa kanyang kinakain.

"You shouldn't be trusting me just because I am beautiful."

"Who told you that I trust you?" Napaangat siya muli ng tingin sa sinabi nito. His face was neutral. It looked calm and without hesitation he said, "I don't trust you Veronica."

"Good," awtomatikong lumabas sa kanyang bibig. "I might kill you right now."

"Why?"

"What?"

"You always say that. Na papatayin mo ako o kung sino mang tao. How could you say those words easily na para bang isang pitik mo lamang ay magagawa mo na 'yun? Kahit sa harap ng pagkain."

"Because I could really kill you."

"Liar."

"Did you just accuse me as a liar?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon