CHAPTER 10: House

861 63 11
                                        

CHAPTER
TEN

House

Bumuntong-hininga si Sinco at marahang naglakad papunta sa parke na sinasabi ni Giselle sa kanya. Alam niyang hindi maganda ang ipinakita niya kay Veronica. Gusto na niyang humingi ng tawad sana muna.

Iyon nga lamang ay hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang umabante si Veronica habang may patalim na nakatutok sa leeg nito na kasalukuyang hawak ni Chad. Hindi niya alam ang nangyayari pero ang una niya dapat gawin ay pigilan si Chad. Iyon nga lamang ay hindi niya magawa. Nabato siya sa kanyang kinatatayuan.

Nakita niyang umatras ang binata. Tila ba mas takot pa ito sa babaeng kaharap. Lumawak lalo ang ngisi ni Veronica habang nanlalamig ang mga mata. Unti-unti itinaas nito ang kamay at hinawakan ang patalim.

Nanlaki ang mga mata ni Sinco nang magsimulang dumugo ang kamay ng dalaga.

"Kaya ba akong patayin nito?" Gigil na tanong ni Veronica bago marahas na inagaw ang kutsilyo sa kamay ng binata.

Itinapon niya iyon sa lupa. Dumudugo pa ang kanyang kanang palad nang isinampal niya iyon kay Chad. Napaatras ang binata.

Pero hindi pa tapos si Veronica. Sunod-sunod niyang sinampal ang lalaki at sinipa pa ito hanggang sa matumba ito.

"Putangina ka!" Galit na sigaw niya.

Namalayan niya ang mga luha niyang nag-uunahan sa pag-alpas. Kinuha niya ang kutsilyong nasa lupa bago iyon itinutok iyon sa kanyang puso.

"Dito.." mahinang bigkas niya. "Dito mo dapat itutok kung gusto mo talaga na patayin ako."

"V-Veronica.."

Napangisi siya bago umigting ang panga. Dahan-dahan niya nang ibabaon ang kutsilyo nang may biglang umagaw nito sa kanya. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan niya na lamang na nasa harapan na niya si Sinco. Hawak nito ang magkabila niyang balikat at marahas siyang inaalog.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Sigaw nito. Pulang pula ang mukha. Marahil dahil sa lumulubog na araw o dahil sa galit.

"Gusto ko nang mamatay.." wala sa sariling sambit niya.

Tumingin siya sa mga mata ni Sinco.

"Wala nang kwenta ang buhay kong 'to.."

"Huwag mong sabihin 'yan."

"Wala na akong kapangyarihan."

"Kahit na!" Sigaw ng binata kahit hindi siya maintindihan. "Hindi iyon sapat na dahilan para magpakamatay ka."

"Hindi mo naiintindihan.." umiiyak na sabi niya. Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng lalaki pero hindi siya hinayaan. "He did it to me."

"Sino?"

"Si Chad! Ang lalaking 'yun!" Galit na hiyaw niya. "Kinuha niya sa'kin lahat."

"We'll report him to the police."

"Hindi.." Umiling siya nang sunod-sunod. "Hindi. Hindi. Hindi. Hindi! I will kill him or my family would do that for me - "

"Walang mamamatay!" Galit na sigaw ni Sinco.

"No!" Mas malakas na sigaw niya bago tuluyang nakawala sa pagkakahawak nito. Umiling-iling siya saka gumuhit ang nakakapangilabot na ngiti nito. "May mamamatay."

"Veronica!"

Natigilan silang dalawa nang madinig ang tawag na iyon. Kumunot ang noo ni Sinco nang makita ang isang buntis na babaeng dumating pero mas kumunot ang noo niya nang ilibot niya ang tingin sa paligid ay wala na doon si Chad.

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon