CHAPTER
TWENTY-ONE
Face
Desidido na si Veronica sa kanyang desisyon, kaya naman pagpasok niya ng kanilang shop at bumungad sa kanya si Sinco ay parang gusto niyang tumalikod na lang at umuwi. Ngunit wala siyang nagawa kundi ang ngumiti sa lalaki nang lumingon ito sa kanya. Hindi naman nito naibalik ang ngiting iyon. Sarkastiko siyang natatawa sa isipan niya.
Naalala niya noong babago pa lamang silang nagkakakilala. Kung paanong ang mga ngiti niya ay hindi rin nito nasusuklian.
"Good morning Ma'am!" Bati sa kanya ni Kayla at lumapit sa kanya. "Kanina pa po naghihintay si sir. Gusto raw po kayo makausap."
"Okay. Thank you." Ngumiti siya. "Dalhan mo kami ng coffee sa opisina."
Binalingan niya ang lalaki bago niyaya ito sa opisina niya.
"No duty?" Tanong niya pagkaupo sa sofa sa kanyang opisina. Mukhang nagulat naman ang lalaki. "Upo ka doc."
"Thank you.." mahina nitong tugon.
"So, what brings you here? Tungkol ba 'to sa upuan ng fiance mo?" Tanong niya binigyang diin ang bawat salita.
Natigil si Sinco. He was not actually sure if what he was doing here. Ang alam niya ay mamaya pupunta rito si Tamara para sa upuan. Papasok na sana siya ng trabaho nang mapadaan siya rito. Noon niya naisip na gusto niya ulit makita ang babaeng kaharap.
Was he going crazy?
Ikakasal na siya pero ang iniisip niya ngayon ay ang kagustuhang makasama ang babaeng kapangalan lang ng babae sa alaala niya. He suddenly felt like a cheater.
Napatayo siya.
"I forgot that I have patients waiting for me. Tamara will be here later."
"Okay," mabilis na tugon ni Veronica.
Sandali pa silang nagtitigan bago tuluyang nakaalis si Sinco. Pagkasaradong-pagkasarado ng pinto ay bumaba ang magkabilang sulok ng mga labi ni Veronica. Naikuyom niya ang kanyang kamao.
Gusto niyang sumigaw.
"Coffee Ma'am.." Pumasok si Kayla at inilapag ang dalawang tasa ng kape. "Umalis na pala agad si Sir. Ang weird po talaga no'n."
Kinuha ni Veronica ang kanyang kape at hindi tumugon sa kumento ng kanyang assistant.
"Nakita ko po kasi siya kagabi dyan Ma'am sa labas, umiiyak. Siguro nag-away sila ni Miss Tamara."
"Umiiyak?"
"Opo." Tumango ang babae. "Bale nakatingin siya sa malayo tapos tuloy-tuloy lang luha niya. Hindi po ba ang weird?"
Tumango-tango si Veronica bilang pagsang-ayon. Umiiyak. Gusto niyang mapangisi sa hindi malamang dahilan.
"Malamang inaway 'yun ni Miss Tamara. 'Pag buntis pa naman ang moody."
Kumunot ang noo agad ni Veronica sa narinig. Parang nagpantig ang tainga niya. "Buntis?"
"Opo Ma'am! Ang alam ko po ha kaya tuloy na tuloy ang kasal nila dahil nga nabuntis si Miss Tamara. Saka siguro . . mahal talaga nila isa't isa."
Lumabas na si Kayla nang may pumasok na customer. Napatitig naman si Veronica sa isa pang tasa ng kape na nakapatong sa lamesa. Buntis? Napatanong siya sa kanyang isipan pagkatapos ay umiling. Wala na siyang pakialam sa bagay na iyon.
But the thought that her son would have a sibling without him knowing bugged her the whole day. Wala siya sa sarili niyang napapatulala. Buo na ang desisyon niyang hindi na ipakilala pa si Simon kay Sinco pero si Simon ay ang nag-iisang Domingo Simeon Tomford VI.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
