CHAPTER
TWENTY-TWOMischievousness
Veronica couldn't focus the whole day. Parang gusto niya na lamang umuwi at hindi na muling lumabas. Siguro magandang ideya na ibenta niya na lamang ang shop. Mas okay 'yun kaysa naman mapabayaan niya ito. O pwede ring ibigay na lamang niya kay Kayla. Tutal passionate naman ito sa pagdidisenyo at paggawa ng mga furnitures.
She grabbed her bag and was already ready to leave when someone knocked. Natigilan siya at agad na nabitawan ulit ang handle ng kanyang bag.
"Simon, anak.." gulat niyang bigkas nang makita ang anak na pumasok. Nakangiti ito sa kanya habang suot pa ang uniporme ng school na pinapasukan nito. Sa likod nito ay ang itim nitong bag. "How did you get here?"
Lumapit ito sa kanya at kinailangan pa niyang yumuko upang makahalik ito sa kanyang pisngi.
"I walked po."
"Walked?" Kumunot ang noo ni Veronica. "You shouldn't do that. Paano kung napahamak ka ha."
"I can protect myself po."
Hindi niya na alam ang sasabihin. Simon loved walking. She didn't know why but he said that he was enjoying to see different things while walking. And yes, he could protect himself.
Simon was not just an ordinary kid. Of course, he had the Alchemist blood in him. Ngunit hindi lamang iyon ang dahilan.
He was one of Veronica's saviors.
"And why did you go here? Is there any reason?"
"Tita Rose told me that it was great idea to make a visit here po."
"Tita Rose?" Napangibi siya. Minsan talaga hindi niya na alam kung anong tumatakbo sa isip ng kapatid niyang 'yun.
"Opo. And I'm with Tita Feliciah po."
At pumasok nga si Feliciah. She stared at her sister for seconds. Matagal silang hindi nagkita nito. Ang dating tuwid na tuwid na buhok ay nagkukulay ginto na ngayon at kulot. Nasa teenager din itong anyo. Marahil ay nasa labing-walong taong gulang. Her skin was still pale white. And her eyes . . were still Feliciah. Veronica would really recognize those eyes anywhere.
"Long time no see.." she said. Her voice was calm. Mas kalmado sa pagkakatanda ni Veronica.
"You look different," puna niya.
Nagkibit-balikat naman ito bago lumapit sa upuang naroroon. Tapos na iyon at pwede nang i-deliver ngayong araw.
"You know what.." Hinawakan ni Feliciah ang upuan at marahang hinaplos ito. "That woman is so lucky."
"Sino?"
"That woman." Nagulat siya nang ituro nito ang labas ng opisina at nakita niya si Tamara na nakikipag-usap kay Kayla. "And she can get luckier."
"Ano namang ibig mong sabihin?"
"Look at her laugh.." Napatingin nga naman si Veronica sa tumatawang babae. "And look at her eyes."
"Ano bang gusto mong sabihin?" Tiningnan niya ang kapatid. Hindi niya kasi maintindihan kung anong gusto nitong ipabatid.
Tumuwid naman ito sa pagkakatayo. "Wala naman."
"Feliciah.." may pagbabantang tawag niya rito ngunit tumalikod na ito na siya namang pagpasok ni Tamara.
"Ay sorry. I don't know that there's someone here."
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...