CHAPTER
TWENTY
Night
Veronica was not sure if she wanted to go home. Alam niyang kukulitin na naman siya ni Rosalinda. Ngunit kailangan niyang umuwi.
"Ma'am, inayos ko na po 'yung schedule niyo for tomorrow."
"Thank you. Mauuna na ako sa'yo. Make sure to lock the shop, okay?"
"Opo, Ma'am. Ingat po kayo."
"Ikaw rin.." Ngumiti siya bago tuluyang lumabas.
Humampas agad ang malamig na simoy ng gabi sa kanyang mukha. Bumuntong-hininga siya bago pinatunog ang kanyang kotse. Ngunit hindi pa man siya nakakalingon sa kanyang kotse ay napansin na niya ang lalaking nakatayo sa kabilang kalye. He was still wearing the clothes he was wearing earlier.
For a second, Veronica forgot how he should treat him and felt her eyes stung. Then, she remembered the truth and immediately smiled.
Hindi naman ito ngumiti sa kanya. Tumawid ito para tuluyan siyang malapitan at wala sa sariling marahang umatras si Veronica. She wanted to run.
"Hi.." mababa ang tinig nito.
"Hi! May kailangan po ba kayo? You can ask my secretary. She's inside."
"Pauwi ka na?"
"Yes.."
After a very long pause and just staring at each other, Veronica smiled brightly before turning around. Sumakay siya sa kanyang kotse at walang ano-anong pinaandar iyon. Ni hindi man lang niya nagawang sumilip man lang sa side mirror ng kanyang kotse. She suddenly remembered the day when she left Sinco in the forest.
The day that he couldn't remember anymore. She smiled bitterly.
Sinco stared at the back of Veronica's car. Hindi niya alam kung bakit ba siya nandoon sa ganoong oras. Basta natagpuan niya na lamang ang sarili niyang papunta sa lugar na iyon.
Maybe it was a mistake. He was just imagining things. Veronica was not his Veronica. Kung magkaparehong tao nga mga ito, malamang hindi ito aarte na hindi siya kilala.
Dahil ayon sa kanyang alaala, ang Veronica niya ay mahal siya. She never showed it like how girls would should their love, ngunit ramdam niya iyon sa mga tingin nito at sa bawat pagsambit ng pangalan niya nito.
"Sir?"
Natigil siya sa iniisip nang may lumapit sa kanyang babae.
"Magsasarado na po kami."
"Ah, ganoon ba? Babalik na lang ako siguro bukas."
"Okay lang po ba kayo?"
"Ha?"
"Umiiyak po kasi kayo."
Nagulat siya roon at awtomatikong hinawakan niya ang kanyang pisngi na sa mga oras na iyon ay basa na nga ng kanyang luha. Mabilis niyang pinunasan iyon saka natawa nang kaunti.
Nagpaalam siya sa babae at bumalik sa kanyang kotse. He was just tired.
Nang tuluyang makarating ng kanilang bahay ay nanatili muna si Veronica sa kanyang kotse. Ilang minuto siyang nakapikit lamang doon. Hindi siya makapag-isip nang tama. She could still see Sinco's face. Hindi niya dapat iniisip ang lalaking iyon.
"Ikakasal na siya.." she told herself many times.
Bumuntong-hininga siya saka lumabas. Ipinaskil na niya ang kanyang maaliwalas na ngiti bago pa man pumasok ng kanilang bahay.
"Tita!" Si Ysabella agad ang bumungad sa kanya. Tumakbo ito at yinakap siya.
"Hi!" Natutuwang sabi siya.
"Tita Veronica's here!" Tumakbo ang batang babae papunta sa kusina na sinundan naman ng tingin ni Veronica.
Napangiti siya lalo nang pagbalik nito ay hila-hila na ang inang si Susanna.
"Kanina ka pa hinihintay nitong batang 'to."
"At bakit naman?" Tanong niya sa cute na pamangkin. "May gusto ka bang ipagawa kay Tita?"
"Yes! Yes!" Sagot nito agad. "I want an airplane toy! I actually want a bigger one than usual. It's for our assignment. Can you do that for me Tita?"
"Of course!" Sagot niya bago tiningnan ang kapatid. "Si Rose?"
"Kasama si Simon. Nasa garden na naman yata."
"Gabi na nasa garden pa."
"Ewan ko sa dalawang 'yun."
Sa dating bahay pa rin nila sila nakatira. Parang walang pinagbago. Iyon nga lamang ay hindi na roon nakatira si Christina dahil sa Council Mansion na ito nananatili bilang bagong pinuno ng Council. Samantala, hindi na rin doon nakatira si Feliciah. She didn't know the exact details pero isang araw galit na galit na lang si Rosalinda kay Feliciah kaya umalis na ito ng bahay.
Si Feliciah ang nakasama niya noon sa ibang bansa ngunit wala pa ngang dalawang buwan ay umuwi na ito sa hindi malamang dahilan. Iyon nga lang, hindi ito umuwi sa kanila. Isang beses na lamang sa isang buwan magparamdam ang babae para sabihing buhay pa ito. Ni hindi nila alam kung anong pinagkakakaabalahan nito ngayon.
Pumunta siya aa garden at hinanap sina Rose. Nang makita siya ng dalawa ay agad tumakbo papunta sa kanya si Simon.
"Mommy!" Sigaw nito sabay yakap sa kanya.
Anim na taon na si Simon, ang pinakamagadang regalo sa buhay ni Veronica.
"How was your day po?" Tanong nito kaya naman umakto siyang nag-iisip.
"Okay lang.." She smiled. "How about you? Nagpakabait ka ba buong araw?"
"Of course po!"
Veronica remembered the day that she was pregnant. She was already in California that time. She didn't exactly know what to feel that time. Basta ang nangibabaw roon ay takot. Hindi niya alam kung handa ba siya o kung may paraan man lang ba upang maging handa siya.
She cried the entire night thinking how she could do it without the father of her child.
Her family supported her. They were excited especially Susanna. Kahit kailan hindi na nila nabanggit pa ang tungkol sa ama ng kanyang anak.
Matagal nang hindi parte ng buhay ni Veronica si Sinco. Wala na ring pag-asa pang makabalik ito. He was already getting married.
"Why don't you get inside and help Tita Sue cook dinner?"
"Okay!" He kissed her cheek before leaving.
Sinundan naman ng tingin ni Veronica ito ng tingin.
"So kamusta siya?" Lumapit sa kanya si Rosalinda nang nakahalukipkip sabay taas ng kilay. "Sasabihin mo ba ang tungkol sa pamangkin ko?"
"I don't think kailangan pa 'yun."
"Hm.." Tinitigan siya ng kapatid kaya't napabuntong-hininga siya.
"Wala namang magbabago kung sakaling sabihin ko sa kanya ang tungkol kay Simon. As I told you earlier he's getting married."
"But that doesn't change the fact that he is his father."
"C'mon Rosalinda. Maayos naman lahat."
"Ayaw mo bang makilala ni Simon ang ama niya?"
"Ayoko," mariin niyang sagot. Nagsisimula na siyang mainis. "Bakit ba parang gustong-gusto mong papasukin ko ulit ang lalaking 'yun sa buhay natin?"
"Naaawa lang ako sa pamangkin ko." Natigilan si Veronica. "Kanina, tinanong niya ako kung sinong isasama niyong ama sa family day sa Biyernes. Alam kong ayaw mo nang bumalik ang lalaking 'yun sa buhay natin, pero isipin mo rin naman ang anak mo na naghahanap ng ama."
Veronica thought about it many times. Syempre naman gusto niya ring bigyan ang anak niya ng kumpletong pamilya, pero hindi iyon ganoon kadali.
Isinantabi niya ang tungkol sa isiping iyon noong gabing iyon. Natulog siyang mag-isa sa kanyang kama habang ang kanyang anak ay nasa kwarto nito. Everything was normal, and she didn't want any trouble again.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
