CHAPTER
SEVENGold
Veronica and Sin didn't talk that day. Para bang sinadya ng dalawa iyon dahil wala ni isa sa kanila na sumubok mag-approach. Kahit pa noong sumakay na siya ng van kasama sina Giselle at Denzel. Tahimik lamang siya at wala ni isang gamit na binitbit kundi mga bagong undies na binili ni Macy at Heather. Wala ang dalawa at panay ang tingin sa kanya ni Giselle na para bang may inaabangan ito.
Pero walang nangyari. Kita niya ang kunot ng noo nito pero hindi na lang siya nagkumento. Walang sinumang umiimik sa kanilang tatlo. Maging si Denzel ay hindi nagsasalita na nangangapa pa sa mood ng girlfriend.
"Kamustang nararamdaman mo?" Sa wakas ay tanong ni Giselle nang makarating sila sa dorm nito.
Nasa loob sila ng dorm unit ng dalaga. Dalawang kama lang ang naroon kahit pa apatan sa ibang mga kwarto. Pinaghalong baby pink at puti ang kulay ng pader. May bumbilya sa gitna ng kwarto at wala ni isang nakasabit sa pader. Air-conditioned din ang buong lugar. Sa kaliwa ay ang dalawang malaking cabinet at sa kanan naman ay ang pintuan papunta sa banyo. Kulay gray naman ang carpet sa ibaba. Malinis ang buong kwarto at mabango rin. Naaamoy pa ni Veronica ang mamahaling perfume ni Giselle.
"Ayos lang." Ngumiti siya nang hindi ito tinitingnan.
Lumapit siya sa puting magiging kama niya dito. Umupo siya doon bago dumungaw sa bintana malapit doon. Nasa second floor sila kaya naman tanaw niya mula roon ang kalsada maging ang ilang establisyemento sa tapat.
"Kukunin ko 'yung mga gamit na ipapahiram ko sa'yo. Kung nagugutom ka, sabihin mo lang kung anong gusto mong kainin."
Hindi siya sumagot. Hindi na siya nag-abala pang tumango man lang. Nanatili ang mga mata niya sa malaking gate sa malayo. Kita niya ang mga taong naglalabas-masok doon. Nagtiim ang panga niya. Iyon ang university kung saan sila nag-aaral. Kung saan nag-aaral si Chad. Hindi na siya makapaghintay na makita siya ng lalaki. Gusto niyang makita kung gaano ito matatakot sa kanya.
"G.."
Lumingon siya nang may pumasok sa loob ng kwarto. Sandaling natigilan ang babaeng pumasok doon pero agad ding ngumiti sa kanya. Ngumiti din naman siya. A normal response from her.
"Ikaw ba 'yung bagong lipat?" She asked and walked inside. "Ang cute mo naman. Mag-aaral ka din ba sa university?"
"Hindi," agad niyang sabi.
"I'm Yunissa, dating kasama dito ni G. Nagulat ako noong sinabi niyang lumipat na ako ng kwarto dahil may makakasama na siya. Well, don't worry okay lang naman sa'kin."
"I'm Veronica."
"Veronica?" Kumunot ang noo nito. "You know what you look familiar."
Nagulat siya doon. Bigla siyang kinabahan sa hindi malamang dahilan. Pinakatitigan niya ang babae. Pilit niyang inalala kung nakita na niya ito. But the fact that she probably met a million of people in her life was really something. Hindi niya matandaan ang babae.
"Yunissa.." Napawi ang ngiti niya nang lumingon ang babae sa bumalik nang si Giselle. "Oh, anong ginagawa mo dito?"
"Just want to inform you that I will be out tonight."
"Sana nag-text ka na lang."
"Ayoko nga.." Humarap sa kanya ang babae kaya't napangiti ulit si Veronica. "Gusto ko ring makita ang bago nating dorm mate."

BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...