CHAPTER
THIRTY-FIVE
Home
Isang beses pang lumingon si Sinco sa kanyang likuran bago pumasok sa puting kotse kung saan nasa loob na ang kanyang mga magulang. His hands were trembling a little bit.
Pagkaupo niya ay agad siyang pumikit.
It was the day of their wedding. The weather was nice. Halos walang ulap sa asul na kalangitan. Hindi rin ganoon kasakit sa balat ang sikat ng araw. It was perfect, just like everything in their wedding. It was well-planned and organized.
He was nervous. Hindi siya sigurado kung dahil iyon sa kanilang kasal o dahil pa sa ibang bagay. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayaning tumayo sa harap ng napakaraming taong nag-iisip na masaya siya sa mangyayari.
Was he happy?
No.
He was numb. He was thinking if this was still the right decision to make. Was it worth it? Pero importante pa ba iyon? Hindi lang naman siya kay Tamara mangangako ng habang-buhay kundi sa magiging anak din nila. Thinking about it, naisip niya si Veronica at Simon.
Paano kung nalaman niya na noon pa na buntis si Veronica? Pananagutan niya ba ito. Pero iba naman kasi ang kanilang sitwasyon. Veronica was the one who chose to leave. He couldn't stop him. Isa pa, tao lang naman siya. Isang mahinang tao.
"Sinco.." his mother held her hand, and he opened his eyes to look at her.
Her mother was beautiful. Even with her age, her skin looked perfect almost not ageing. And for a moment, Sinco felt suspicious.
"Mom, do you know what is an Alchemist?" He blurted out unconsciously. Agad naman niyang pinagsisihan iyon.
His mother's brows raised a bit. She looked confused. Babawiin na lamang niya sana ang tanong nang tumugon ito. "What?"
Huminga siya nang malalim at umiling. Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang pinaghinalaan niya ang sariling ina. He was going crazy.
Nagtiim ang panga niya. Kung pipiliin niyang makasama si Veronica at Simon. Hindi tatanda ang babae. Kahit pa karaming taon ang lumipas ay mananatili itong mukhang bata, samantalang siya'y tatanda at mamamatay. Ganoon din si Simon.
Agad na natigilan siya.
Paano niya naiisip na makasama si Veronica gayong magpapakasal na siya ilang oras na lamang kay Tamara?
Nakaramdam siya ng galit sa sarili. He felt like cheating.
Everything was perfect. And here he was, thinking to ruin it.
He closed his eyes tightly, feeling frustrated. Ang sunod niyang ginawa ang maaaring hindi niya makakalimutang desisyon niya.
Pinatigil niya ang kotse. Bago niya buksan ang pintuan ng kotse ay tumingin pa siya sa kanyang ama na nasa unahan ng kotse katabi ng driver. Nagkatinginan sila sa salamin at kita niya kung gaano ito kaseryoso. Ganoon pa man, hindi ito nagsalita. Gustong humingi ng tawad ni Sinco ngunit hindi man lang niya naibuka ang kanyang mga labi para magsalita. Napayuko siya at tuluyang binuksan ang pinto ng kotse. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad na bumaba. Narinig niya ang kanyang ina na tinatawag siya, ngunit hindi na siya nagpapigil pa. Pumara siya ng taxi at agad na sinabi ang address na gusto niyang puntahan.
He was still trembling. But he was not nervous now. He could feel his excitement. Napangiti siya sa kanyang sarili. It was a selfish act and could be unfair to Tamara and their unborn child, but he was thinking about Veronica. They also had a child, and he loved her.
Gusto niyang piliin ngayon ang gusto niya. Maaaring hindi tama, ngunit gusto niya.
Pagkarating sa tapat ng bahay nina Veronica ay bumaba siya at agad na nagpunta sa gate. Parang sasabog ang dibdib niya sa kaba.
Pinatunog niya ang doorbell habang nakatanaw sa malamansyon sa laki na bahay. Naghintay siya at nagsimulang kumatok nang makailang beses na niyang napindot ang doorbell ngunit wala pa ring lumalabas na tao mula sa loob. Ilang beses pa siyang nag-doorbell at tumawag. Mas lalo siyang kinabahan dahil doon.
Veronica stopped the car she was driving and glanced at his son beside her. Tulog si Simon at bahagyang nakahilig ang ulo sa bintana ng kotse. Inabot niya ang buhok ng anak at marahan iyong hinawi. He really looked like his father, she thought and immediately regretted it.
Quietly, she opened the car's door and went outside. Iginala niya ang tingin sa paligid. Kulay luntian ang mga damo, kasama na ang inaapakan niya. Ilang metro ang layo ay ang mga naglalakihang mga puno na hindi siya masyadong pamilyar kung anong tawag. Naririnig din niya ang huni ng iba't ibang mga hayop mula sa kagubatan.
Naalala niya ang mga panahon noong doon pa siya nakatira. Doon siya ipinanganak at nagkaisip. Hindi niya lubos akalain na magkakaroon pa ng oportunidad na babalik siya sa dating tahanan.
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng kotse. Lumabas mula roon ang pupungas-pungas pang si Simon. Napangiti siya. Nilapitan niya ang anak na nakatingin na sa kanilang magiging bahay.
"Good morning, sleepy head.." she teased.
"It's already afternoon." He yawned.
"Edi good afternoon." Ngumisi siya. Humarap na rin siya sa bahay. "What do you think? You like it?"
Tumango naman si Simon bilang sagot.
They went inside. Looking around, Veronica remembered the times when she was a child. The happy memories with her family. She smiled sadly, thinking that they could not even meet Simon. But maybe, if they were still alive, things could be different. Maybe, whatever happened was meant to be. Because Simon was with her, and soon everything would be alright.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasíaIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
