CHAPTER
TWENTY-THREE
Worth
Umuulan pa rin nang sumunod na araw. Nagising si Veronica sa tunog ng kanyang cellphone. She even forced herself to answer the call after seeing the caller's name. Kung bakit naka-register ang numero nito ay hindi niya rin maalala pa.
"Hello.." Her voice cracked. Tumikhim siya bago umupo nang maayos sa kama. "Hello."
"Where are you?"
"In my bed."
"What? Ang akala ko ba ay itutuloy mo ang project mo sa kasal nina Tamara!" Iritadong pasigaw na sabi ni Giselle. "Are you trying to sabotage their wedding?"
"Do you want them to get married?"
"What?"
"I am just curious," sabi niya. Natahimik naman ang babae sa kabilang linya bago niya narinig ang buntong hininga nito.
"Honestly, no," pag-amin nito. "Pero wala akong karapatang kwestyunin si Sinco. I am supposed his friend, not his critic."
"You sound like a human." Humiga muli siya sa kanyang kama at tumagilid, kaharap ng bintana ng kanyang kwarto. Galit na galit ang ulan sa labas.
"I am a human."
"Sana all," she murmured before ending the call.
Natulala na siya sa bumubuhos na malakas na ulan. Giselle started calling her again, and she didn't dare to answer it.
After almost half an hour, she got up and got her sketchpad. She started sketching the furnitures she thought Tamara would like for their wedding. Naisip niyang gumawa nang magugustuhan ni Sinco ngunit hindi niya naman nagawa. Napagtanto niyang hindi niya alam ang gusto nito.
Sa totoo lang, wala siyang gaanong alam tungkol sa lalaki. Wala silang gaanong memories na maituturing nilang perpekto o mga memories na babaunin hanggang sila'y tumanda. Ngayon, nagtataka na siya kung paano ba niya nasabing minahal niya ang lalaki. Paanong ang isang nilalang ay kayang magmahal ng isang tao sa ganoong kaikling panahon? She didn't know.
Maybe that was love. Or idiocy.
Bumaba na siya para sa almusal. Naabutan niya roon ang kanyang pamilya na halos kumpleto no. Umupo siya sa tabi ng anak na kasalakuyang kumakain ng sausage.
"Good morning po!" Bati nito sa kanya. Bahagya siyang yumuko para mahalikan nito ang pisngi niya.
"Morning.."
"You look tired," puna ni Rosalinda.
"I'm always tired," sabi niya sabay tusok sa sausage. "'Nak, do you want to go camping?"
"It's raining, Veronica," sita na naman ni Rosalinda. Sinamaan niya ito ng tingin. "What?"
"Simon, what about we go out of town? It's been a while since our last vacation — "
"Bakit ba gustong-gusto mong umalis?"
Huminga nang malalim si Veronica saka nagpaskil ng napakalaking ngiti. Tiningnan niya si Rosalinda na halos pinanlalakihan na ng mga mata.
"Just mind your own business."
"May tinataguan ka?" Ukit pa nito.
The utensils started to elevate.
"Tumigil na kayo," kalmadong saway sa kanila ni Susanna. "Para na naman kayong mga bata."
"Maybe you should try to have a child of your own," Veronica said to Rosalinda, stood up and left the table.
She felt like she was a ticking bomb ready to explode anytime. Naalala niya ang pakiramdam na iyon, that almost everything was out of hand. She was drowning.
"You shouldn't joke around Veronica about that man again.." Susanna said to Rosalinda.
Katatapos lang ng kanilang almusal. Sinadya mismo ni Susanna ang kapatid sa kanilang library kung saan hindi sila maririnig ng mga bata.
"I'm not joking aound — "
"Rose," mariing wika niya. "Alam mo naman kung anong pinagdaraanan ni Veronica. She was betrayed before by someone she cherished the most. She lost her power and had to give up another love just to get it back. She was broken. Siguro nga until now, she is not yet fully healed on what happened between her and Chad. Tapos dagdag mo pa ang Sinco na iyon."
"Sue, move on ka na kay Chad. Si Sinco na lang ang main topic dito," sabi ni Rosalinda. "No! Actually, this is not about any of those men. This is about her son, our niece, Simon. And of course, this is about her."
"Sana iyan ang iniisip sa tuwing inaasar mo siya."
"Tinutulungan ko lang siyang mapagtanto ang lahat."
"At ano naman ang ibig mong sabihin?"
"That everything . . is worth it." Rosalinda sighed. "Na hindi niya na kailangang tumakbo. That fighting for something or someone important to her is worth it."
Natahimik si Susanna. Naalala niya ang araw kung kailan nanganak si Veronica. She wasn't with her but could see the pain in her eyes that day. Nakita niya ang paulit-ulit nitong pag-iyak. At hindi siya makapaniwalang makikita niya ulit ang kapatid sa ganoong kalagayan. Sapagkat sanay siyang panay ngiti lamang ang babae.
That day, she lost a child.
Oo nga't nabuhay si Simon ngunit ang pagkamatay ni Sandra ang dumurog sa puso muli ng Alchemist. She was devastated. Sinisi nito ang sarili sa lahat. Lalo na noong namatay si Sandra ay siya namang pagbalik ng kapangyarihan ni Veronica.
Susanna knew that feeling. Alam niya kung paano mawalan ng anak dahil naranasan niya iyon sa unang pagbubuntis niya. Hindi niya iyon maikukumpara sa kahit na anong sakit na naranasan niya. But she chose to be strong. At iyon din ang kailangang gawin ng kapatid niya.
It was raining. Naglalakad lamang si Veronica kung saan. Naalala niya noong nakita niya si Sinco na basang-basa sa ulan. Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha. She felt powerless again.
Naalala niya ang mga anak niya. Nandyan si Simon, pero si Sandra ay nawala para sa kanya. Naalala niya unang beses na hinawakan niya ito. Hindi kumikibo o umiiyak. Malamig ang katawan at nangingitim na.
Gusto niyang sumigaw. Nanginginig ang buo niyang katawan hindi dahil sa lamig kundi sa galit. Lahat na lang ng para sa kanya ay sinisira ng mga tao. Marami nang nawala at hindi na siya makakapayag pa na umulit iyon.
She stopped walking, and for the very first time again — she teleported. She thought of home, and never did she imagine that she would be standing right in front of Sinco after a second.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasiaIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
