CHAPTER
SIXTEEN
Blood
Everything was a mess.
It was almost a week. Everyone was looking for someone. Hindi pa rin nakikita sina Sinco at Veronica. Hindi pa rin nagigising si Chad. His family was mad. Sinisisi nila si Veronica kaya naman hindi rin makalapit si Rosalinda sa lalaki para sana tuluyan na ang buhay nito. Hanggang ngayon, pinaghihinalaan pa rin ng mga lalaking kaibigan ni Sinco si Veronica. His family was going mad, too. Veronica's family was the most chaotic. Rosalinda already used every method she knew to find her, but it was no use. Even Susanna and Scott could not find her. Christina was very anxious, while Feliciah was doing nothing at all.
"Won't you do anything?" Rosalinda asked Feliciah, quite frustrated.
Hindi niya alam kung anong iniisip ng kapatid niya pero hindi na niya nagugustuhan ang pagsasawalang kibo nito. Sa loob ng isang linggo, parang normal lang ang lahat sa buhay nito. Katulad ngayon, nakuha pa nitong mag-hot chocolate na para bang relax na relax sa garden nila.
"What do you want me to do?" Mahinang tanong nito.
"Find Veronica," mariing wika niya.
Marahan itong uminom sa tasa habang nakatitig sa kawalan. Sometimes, Rosalinda thought Feliciah was out of her mind.
"She's fine.." mahina pa ring bigkas nito pagkababa ng tasa.
"What?" Gulat na usal ni Rosalinda. "What do you mean fine? You're saying that because you already found her?!"
Hindi na naman ito nagsalita.
"Feliciah!"
"You have to worry for nothing, my sister."
Rosalinda was really pissed. Parang gusto na niyang sabunutan ang kapatid pero pinigilan niya ang sarili. Inalalang madalas talaga ganito si Feliciah. Kailangan ng mas malalim na pag-intindi.
Natigil siya sa pag-iisip nang marinig ang doorbell. Parang ang tagal na nang huli niyang narinig na tumunog iyon kaya kumunot ang noo niya bago pumunta sa may kalayuan nilang gate.
Medyo inis pa nga siya nang buksan niya ang kanilang gate na agad naglaho. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at kitang-kita ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.
"Wha . . What . . Wha — " Ni hindi niya na maituloy ang sasabihin niya lalo na nang ngumiti nang matamis ang kaharap niya.
Parang nanikip ang dibdib niya. Kumunot ang kanyang noo at parang bigla siyang sasabog.
"Hi.." bati sa kanya nito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Her eyes turned gold.
"Anong ginagawa mo rito?" Puno ng diin na tanong niya habang masama ang tingin dito.
"Binibisita ka."
"Umalis ka na," sabi niya at isasarado na sana ito nang pigilan iyon ng lalaki. Lalong sumama ang tingin niya dito. "Sinabi nang umalis ka na!"
"Rosalinda.."
"Stop saying my name!" Umalpas ang isang patak ng luha sa kanyang mata. She couldn't stop it. "Ang lakas naman talaga ng loob mo na puntahan ako dito pagkatapos ng lahat ng ginawa mo!"
Hindi ito kumibo. Umasa pa naman si Rosalinda na baka hihingi ito ng tawad sa kanya. Kaya ito nagpapakita na sa kanya matapos ang napakaraming taon. Ngunit hindi nangyari iyon. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na tila na minememorya ang lahat ng tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasiaIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...
