CHAPTER 15: Distraction

418 39 1
                                        

CHAPTER
FIFTEEN

Distraction

Veronica thought about dying many times. The fact that the only weapon that she made could kill her made her think that maybe she would not die. Hindi niya kailangang mag-alala. Walang anuman sa mundong ito ang makakapanakit sa kanya. Ngunit nagkamali siya.

She could not breath properly. Parang may bumabara sa kanyang baga na hindi niya maintindihan. Namamanhid na rin halos ang buo niyang katawan maliban sa likuran niya na tila ba paulit-ulit na sinasaksak ng punyal.

Naririnig niya ang sigaw ni Sinco. Galit na galit ito, maging si Chad. Nakarinig siya ng ilan pang mga putok bago iyon natigil. Nawawalan na siya ng malay tao pero alam niya pa ring si Sinco ang lumapit sa kanya.

He was calling her.

Sinco was shot too. Dalawang beses din siyang natamaan sa binti nang tuluyang magkalapit sila ni Chad. Nakipagbuno siya sa lalaki at sinubukang agawin ang baril nito hanggang sa maitulak niya na ito. Nagpagulong-gulong ito pababa.

Tila nasa bundok sila. Maraming puno at matarik ang lugar.

Bumibigay na rin ang binti niya nang tuluyan siyang makalapit kay Veronica. She was already unconscious.

Agad niya itong binuhat para makaalis na sila sa lugar na iyon. Marami na ring dugo ang nawawala sa kanya pero ang kapakanan ngayon ni Veronica ang importante.

Hindi niya alam kung kailan ba niya huling naramdaman ang ganitong kabigat na pakiramdam. Masakit ang binti niya. Nanlalamig ang buong katawan niya habang nagpapawis. Maging ang mga talukap niya ay bumibigat na.

"She's missing too!" Muntik pang madapa si Pitt nang tumakbo siya palapit sa kanyang mga kaibigan. "Ang sabi nila noong isang araw pa siya hindi umuuwi. Bale huling beses siyang nandito is noong nakita natin siya."

"Hindi naman kaya nagtatago siya?" Biglang tanong ni Lloyd.

"Nagtatago?" Kumunot ang noo ni Giselle. "At bakit naman aber?"

"Pwedeng kinabahan siya. Hindi ba tinanong natin siya kung nasaan si Sinco. Pwedeng tumakas siya bago pa natin siya mahuli!"

"Tama si Lloyd!" Pagsang-ayon agad ni Pitt.

Napailing naman si Giselle bago sila nagsisakay na sa van. Imposibleng totoo ang sinasabi ng mga lalaking ito. Hindi man niya ganoong kakilala si Veronica pero kilala niya ang mga Valdenim. Hindi sila gagalaw ng tao para lamang sa kung anong bagay. Paglabag iyon sa batas nila.

Giselle was in deep thought nang halos tumilapon silang lahat sa van nang biglang tumigil iyon. Napasigaw sila agad.

"Lloyd what the fuck!"

Ngunit nanlalaki lamang ang mga mata ng lalaki na nakapako sa harapan ng kotse. Napatingin din naman silang lahat. Papunta sila ngayon sa probinsya nina Sinco at kahit pa maggagabi na ay wala silang pakialam.

"M-Multo ba yan?" Takot na tanong ni Macy.

"Parang tao naman!" Si Giselle na ang naunang lumabas para tingnan ang kung ano mang nasa daan.

Nanlaki ang mga mata niya at dali-daling tumakbo nang makilala kung sino 'yun.

"It's Chad!" Sigaw niya sa mga kasamahan.

Agad na nagsilabas ang mga ito at lumapit sa kanilang dalawa. Hindi na sila nakadiretso sa probinsya at bumalik na lamang ulit sa syudad para madala ang sugatan at walang malay na si Chad. Kumunot ang noo ni Giselle at bumaling ng tingin sa dapat kalsadang tatahakin nila. How did Chad get here?

The AlchemistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon