CHAPTER
TWENTY-SIXThreat
"Umuwi ka na."
Agad na napalingon si Veronica nang sa wakas ay dumating na ang kapatid niya. Bigla na lang itong nawala kanina. Ayos lang naman sa kanya sana kung may pagkain siya sa apartment kaso wala. Mabuti na lang talaga at may pera itong iniwan. Um-order na lang siya ng pagkain.
"Saan ka galing? Nag-dinner na ako. Meron pa sa fridge — "
"Umuwi ka na," putol nito sa sinasabi niya. "Hinahanap ka na niya."
"Ha?" Natigil siya at bahagyang kinabahan. "Nino?"
"Nino nga ba?"
Kumunot ang noo niya at agad siyang napatayo. Nagkuyom ang kanyang mga palad.
"Ano na namang ginawa mo?"
"Ang dapat." Humalukipkip ito.
"Feliciah!" Marahas na sigaw niya. Hindi siya makapaniwala. "I didn't tell you to do that!"
But she already knew that Feliciah never listened to anyone. Veronica was mad. Ang ayaw niya sa lahat ay pinakikialaman si Sinco.
Sinco was hurt. Iyon ang pinakadahilan bakit nito nagawang kalimutan ang mukha ni Veronica. Hindi na nito kailangan pa ng kahit anong mahika. Iyon ang dahilan kaya nagagalit siya ngayon. Pakiramdam niya inaalisan niya si Sinco ng karapatang pumili sa buhay. Na para bang dinidigtahan niya na lamang ito at ng kanyang pamilya. Plus the fact that she didn't want him to remember again the pain he suffered because of her.
Kung siya ang papapiliin, mas gugustuhin pa niyang huwag na itong makaalala pa. They could start over again. If that was the only solution left for them to be together again.
But that was beyond impossible.
She went home that night. Tulugan na ang mga tao at sinilip niya lamang ang kanyang anak sa kwarto nito. She wasn't really sure what to do now.
Now that he already remebered her, what would happen now?
Kinabukasan niya nalaman ang kasagutan.
Kagigising lamang niya at pababa ng hagdanan nang marinig niya ang kumosyon sa baba. She could hear Rosalinda's voice.
"Wala nga siya rito!" She yelled angrily.
Nang tuluyang makalapit sa mga ito ay sabay-sabay pa ang paglingon ng mga ito. Gulat na gulat sina Rosalinda at Susanna.
"What the hell are you doing here?"
"Good morning — " she greeted them all and instantly stopped speaking when she saw who was with them.
"Kailan ka pa nakabalik?" Gulat pa ring tanong ni Rosalinda.
"Let's talk," mariing wika ni Sinco na naglakad palayo na para bang sinasabing sumunod siya.
Iyon ang ginawa niya. Tila may sariling utak ang kanyang mga paa na sumunod kay Sinco. Bawat hakbang ay pabigat nang pabigat ang kanyang katawan. Nagsimula rin siyang pagpawisan nang malamig.
Tumigil sila sa ilalim ng puno sa kanilang hardin. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi niya alam kung anong reaksyon nito.
"How are you?" She immediately flinched when she heard his baritone voice.
"I — o - okay lang.." mahinang tugon niya.
"Good for you.." Nagulat siya sa lamig ng boses nito.
Lumingon ito sa kanya at halos mabuwal siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya ito matingnan nang diretso kaya bumaba ang tingin niya sa mga kamay nito nakakuyom ngayon. He was angry. That thought stabbed Veronica's heart.
BINABASA MO ANG
The Alchemist
FantasyIpinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she trusted would eventually betray her. Syempre tinatawanan niya lang 'yun at laging sinasabing hindi mang...