A/n: Read Chapter 7 then ito na para hindi kayo mahilo.
{Present}
Angiela
4 years na ang nakalipas and i still can't believe na makikita ko muli si Jasper, and worst ay business partner ko pa! 4 years had pass and i know myself na wala na akong ni katiting na nararamdaman sakanya. Him and his family! Damn them!
4 years na ang nakalipas and i never imagine myself working with jasper, gaya na lang ngayon. Nakasakay ako sa kotse ko and we are heading to Mr. Pitrakis' Empire na naka locate sa isang probinsya. He have 8 companies dito lang sa manila! He's that rich! What more na kaya sa buong pilipinas?
Napatingin ako sa kotse na nag overtake saakin, napakunot noo ako. Jasper!
Mula noong pumasok ako sa business world, puro Monteser ang naririnig, nababalitaan, and whatsoever na pumapasok na isip ko. Kaya ang ginawa ko, iniwasan ko na lang yun. I never thought na ganun sila kayaman! Oh edi sila na!
But i don't care! I'm rich as him now. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa sa pinaka mayaman ang pamilya ko. My father and mother is a multi-business tycoon! Ganun din sina tito simon. My grandfather owns 2000+ Hotels and Restaurant around the globe! Ganun sila kayaman!
When my father and mother died ay saakin ibinigay lahat ng ari-arian nilang dalawa, Nung una, hindi ko tanggap. Nahihirapan akong tanggapin ang ganun kalaking responsibilities! Pero ng tumagal ay natanggap ko na rin. So in an instant, I own more or less 50 companies in luzon. More or less 30 in visayas and five in mindanao.
And now, dahil sa patuloy na tumataas ang income na pumapasok at laging matataas ang ranking ay nagpatayo na rin ako ng companya sa states.
So i can tell now na kapantay ko na si Jasper. at sa ngayon ayoko siyang kapantay dahil ang gusto ko ay ang higitan siya!
"Lintik lang ang walang ganti!"
**
It's 6:00 in the evening ng makarating kami sa kompanya ni Mr. Pitrakis after 7 hours at ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang matulog pero pinili kong magising dahil it's so unprofessional of me kapag matutulog ako.
Sinalubong kami ng staffs.
"Good Morning Sir, Ma'am." Ngumiti na lang din ako sakanila at patuloy lang na naglakad.
"Iha, As i was saying. We are going to spend the night in Mr. Monteser's Villa. Is it okay with you Iha? Besides, pansamantala lang naman.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero agad din akong nakabawi.
"Sure." Napapikit na lang ako. May mas worst pa ba dito? Urgh! Gusto kong tumanggi pero
7:00 na ng makarating ako sa Villa ni Jasper. Yeah, mag-isa ko dahil may inaasikaso pa si Mr. Pitrakis sa kompanya niya. Just.. Just Urgh! Buong byahe kausap ko sa telepono ang secretary ko, instructing her on what should she should do habang nandito pa ako. I want her to call me two times a week at kapag urgent ay agad agad dapat itong tumawag.
"Ma'am, this way please.." Sabi ng isang babaeng may uniform pa ng isang katulong. Tumango lang ako sakanya at sumunod na din.
"..Just don't forget the things that i told you. Got it? good." Binaba ko na yung phone ko.
"Ma'am, ito po yung kwarto niyo. Mauna na po ako." Nag bow lang siya kaya ngumiti lang ako tapos ay pumasok na. Hindi ko na pinansin ang kwarto at agad na napahiga sa malaking kama.
Napapikit na lang ako. For 4 years iniiwasan, tinataguan, nililimot ko siya tapos ngayon, with just a snap of a hand nagkita na kami, and worst nakatapak nanaman ako sa teritoryo niya! Urgh!
What should i do? I never see this coming! Hindi ko naman aakalaing siya yung lalaking sinasabi ni Mr. Pitrakis. If only i know that, hindi na sana ako nakahiga sa kamang to. Urgh!
Mabilis akong nagbihis ng pangtulog at kinuha ang laptop ko.
Mga ilang minuto lang akong tumingin ng iba't ibang lugar dito sa probinsya ng makaramdam ako ng gutom.
Ay oo nga pala, naiwan ko sa kotse ko yung mga chips na binili ko sa manila. Agad kong kinuha yung susi ko sa side table at tumungo sa baba. Wala namang tao dito kaya okay lang.
Sabi kasi ni Mr. Pitrakis ay may inaasikaso pa si Jasper at hindi ito makakauwi kaya pumayag na din akong dito muna dahil bukas na bukas ay aalis na din ako. Mag hohotel na lang ako or i can buy a house for myself, anything basta wag dito. No way!
Kinuha ko na yung cellophane at dinala sa taas. Kumuha ako ng isang Lays at lumabas na. Biglang nawala yung antok ko.
Lumapit ako sa terrace at mula dito kitang kita ang buong villa. Madilim ito kaya hondi ko maaninag, basta ang nakikita ko lang ay ang reflection ng buwan sa pool.
Halos mapatalon ako ng biglang magring yung iPhone ko. It was tito Simon.
"Hellow?"
[Mommy? Mommy! I knew it was you!] Halos magliwanag ang mukha ko ng marinig ko ang boses ng anak ko. My zach..
"Baby? Oh I miss you! How are you?" Masaya kong sabi. I really miss this boy!
[Mommy, I'm okay. I always follow all the things you said! Tinutulungan ko pa nga si Lola sa pag babake! Mommy, Big boy na po ako!] He said excitedly. Natawa na lang ako.
"Really? Then you need to prove it kapag dumating na ako. Baka naman binobola mo lang ako?" Natatawa kong sabi sakanya.
[What? No. No. No.] i can imagine him umiiling habang sinasabi yan. Cute..
[Totoo po yun, mommy! Kahit tanungin niyo pa po si Lola. I'm really a big boy now. I do what big boys do!] Masigla niyang sabi na nagpangiti saakin.
"Okay. okay. Naniniwala na ako. Zach, Sleep now okay? Gabi na oh. I love you, baby."
[I love you too, Mommy! Muah! Muah!] natawa na lang ako sa muah niya.
"Muah!" Sabi ko rin. Bago ko pa man mababa yung phone ko, bigla na lang may kumuha nito at walang salisalitang hinagis palabas ang phone ko. Nanlalaki ang matang sinundan ko yung phone ko at sakto sa pool ito nahulog.
Galit na galit kong nilingon ang kung sino mang nilalang ang gumawa nun, "WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!!"
"Watch your language, Angiela." Seryosong sabi nito pero hindi ako natinag. Galit na galit ako. Walang hiya! Basta basta na lang tinapon ang iPhone ko! Damn him!
"Ano bang problema mo, ha?! May sapak ka ba sa ulo? For pete's sake! You just throw my phone!" Galit kong sigaw sakanya. Huh! Kung inaakala niyang matatakot pa ako sakanya, well nagkakamali siya!
"I know what i did. Hindi mo na kailangan ulitin." Nakakunot noo niyang sabi.
Urghh! "Eh Alam mo naman pala eh! Why the hell did you just do that?! Jasper, that was iPhone 6 plus!" Ang sarap niyang patayin right at this moment! Damn!
"I can just buy you a million of that! Stop over reacting!" At talaga naman oo!
"Stop over reacting?! Eh kung tapunin ko kaya yung cellphone mo habang may kausap ka?!"
"It's okay." Simpleng sabi niya na nagpainit lalo ng ulo ko. Eh gago pala siya eh!
"It's okay! It's okay mo mukha mo! Ano ba talagang problema mo ha?!" Naiinis kong sabi. Sarap niyang jombagin! Urghh!
Tiningnan niya ako ng seryoso.
"No flirting inside my house."