NAKANGITING Umiling iling na lang si Jasper ng makapasok na siya sa kotse niya. He had a private meeting with one of his investors and a board meeting with the board members tapos ay meron pa siyang pupuntahang business party kaya paniguradong nakakapagod ang araw na ito.
Nakita niyang napatingin sakanya si Mang Paulo, ang family driver nila sa rear mirror.
"Ang lawak ata ng ngiti mo iho?" Nakangiting sabi nito kaya ngumiti na lang siya. "May nangyari bang maganda?" Tanong pa nito kaya umiling na lang siya, pero hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha niya.
"Halata po ba, Mang Paulo?" Tanong niya rito.
"Sa tagal ko ng naninilbihan sainyo, kilalang kilala na kita, Iho. Kaya masaya ako dahil pagkalipas ng maraming panahon, ngumiti ka na ulit ng tunay." Mahabang sabi niya habang nakangiting nagmamaneho.
Tumingin lang siya sa bintana at ngumiti, "All thanks to her."
**
AngielaNakatulala lang ako sa harapan ng pagkain, namumuni muni habang iniisip yung nangyari kagabi. Totoo kayang may multo dito? Pinalibot ko yung tingin ko sa buong bahay at napalunok. Possible! Sa laki ba naman ng bahay na to? Siguro kung ano anong engkanto na ang nakatira dito. Waaaah! Natatakot na ako sa pwedeng mangyari saakin! Baka.. Baka.. Baka bigla na lang magpaparamdam yung lola!
Sa takot, agad kong kinuha yung bag kong backpack at agad na umalis ng bahay. Mamamatay ako sa takot neto! Naka jersey lang ako na may nakalagay na 'Monteser' sa likod at 3/4 na maong pants habang dala dala ko yung backpack ko. Ewan ko ba pero hindi ako sanay sa dress dress chu chu na yan. Nangangati ako. Ka stress!
Nga naman, Anong ieexpect mo sa isang laking mahirap na tulad ko? Branded dress with some bling bling na may mahabang takong that matches with some signature things? Oh come on! Madadapa lang siguro ako, mangangati, trust me!
Napag-isip isip ko lang na bisitahin ulit ang dati kong school kesa naman na magkulong sa bahay magdamag nuh!
Tiningnan ko yung relo ko at 11:30 na. 11:50 ang lunch nila! Kaya pwede pa! Makakaabot pa ako!
Agad akong sumakay ng jeep ng may makita ako. Na mimiss ko na ang mga dati kong classmates! Lalo na yung mga close ko saka gusto ko din humingi ng tawad kay jeremy dahil sa nangyari nun sa bar. Hindi ko manlang siya nalapitan nung mga oras na yun.
Nagbayad na ako at bumaba ng maraanan ko na yung school namin. Siguro mga 15 minutes lang yung byahe kaya paniguradong papalabas na ng classroom yung mga yun!
Dahil sa hindi naman private ang school namin at kilala na din naman ako ng mga guard ay walang kapawis pawis na nakapasok ako.
Pagdating ko sa loob, pinagmasdan ko yung mga students dito. Parami na ng parami yung nagsisilabasan para mag lunch kaya pinaasdan ko yung school ko. Napangiti ako,
Dimosio City College, I'm back!
Naglakad lakad lang ako sa loob ng campus. Namiss ko rin dito! Ang daming masasayang nangyari dito nung nandidito pa ako pero meron din namang hinde, gaya na lang ng mga attention seeker at famewhore na galit na galit saamin dati at kung tanungin mo kung bakit? Well, kasi naman maganda kami at hindi na namin kailangan pang manguha ng attention. Di gaya nila. Pffft..
UMUPO ako sa isang upuan dito sa canteen ng Business Administration at pinagmasdan yung mga kaibigan ko sa di kalayuan. Mga apat na table siguro bago ang table nila. 6 kami dati pero ngayon, lima na lang sila. Si Jeremy, Keanna, JC, Sofia at Kaloy. Nakaupo sa table si Jeremy habang nakatayo naman si Jc at may kinukwento sakanila at sina Kaloy, sofia at keanna naman ay nakikinig sakanila. Napangiti na lang ako sakanila. First time ata at hindi sila maingay? Natawa na lang ako sa mga mukha nila. Kasi naman titig na titig sila kay JC habang nagkwe-kwento ito.