Chapter 6

126K 1.7K 33
                                    

Note: Kapag po {Past} ang nakasulat ibig sabihin, past. Kapag po {Present} ay babalik na sa present. :) Enjoy! xx

**

{Past}

Monteser? No, its Monster!

Naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Tumawag kasi si Manang na galit na galit daw si jasper ng maabutan nitong wala nanaman ako sa bahay niya. Ayoko dun. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng makita si tatay. Gusto ko ng normal na buhay. Gusto kong.. Gusto ko..

Hindi ko alam pumatak na pala yung luha ko..

Lutang parin ako. Hindi makapaniwala sa nangyayari saakin. Bakit ganito? Ano bang kasalanan ko at ito ang nangyayari saakin? I've been a good daughter kahit hindi ako gusto ni tatay. I've been a good student and friend. Wala naman akong kaaway. Pero bakit nagkagulo ang lahat?

Lutang na lutang ako habang umuuwi sa bahay kung saan kami nakatira ni tatay. Sa isang iskinita kami nakatira ni tatay pero kahit na ganito yun, mas gugustohin ko pa ring umuwi dito kesa dun sa bahay ng mga masasama.

Agad akong pumasok sa bahay namin ni tatay. "Tatay.." Tawag ko kay tatay. walang sumagot. tinawag ko pa ulit ito pero wala pa rin. Pinuntahan ko na ang lahat ng parte ng bahay kahit na maliit lang ito pero wala parin akong nakitang tatay.

"Nasaan ka na ba, tatay?" Sabi ko habang paupo sa upuan sa sala. Ang tahimik ng bahay. Sobrang tahimik.

"Sino ka?!" Agad akong napatingin sa babaeng dumating na may kasamang dalawang bata. Isang babae at isang lalake. May bitbit pa itong mga gulay.

"Kayo po? Sino po kayo?" Takang tanong ko pabalik. Nagulat naman ito dahil siguro nakita niyang pulang pula na ang mata ko sa kakaiyak at ilong ko.

"Ako ang bagong may-ari ng bahay na ito, ineng." Nagulat ako sa sinabi niya. S-Siya na? Ibig sabihin ba pinagbenta na ni tatay ang bahay na ito? Nanlumo ako sa nalaman.

Tatay asan ka na ba? Nag-iisa na lang ako ngayon tay. Bakit mo ba ako iniwan? Tay kaya naman kitang buhayin kung pinagtrabaho niyo na lang ako at hindi pinagbenta. Tay asan na ba kayo?

Nagpasalamat ako sa ale at umalis na ng bahay. Kaya pala.. Kaya pala wala na ang mga kagamitan ni tatay. Napabuntong hininga na lang ako at pinunasan na ang luha ko pero wala, tumulo pa rin.

I feel so alone. Walang wala na ako. Hindi ko alam kung saan ako uuwi. Hindi ko alam kung saan ako matutulog. Hindi ko na alam angmangyayari saakin. Ayoko ng ganito.. Tay asan na ba kayo? Tay bumalik na kayo. Tay kahit po anong utos niyo susundin ko, wag niyo lang ako iwan. Tatay bumalik na kayo oh..

Agad akong napahagulgol ng makaupo ako sa batuhan kung saan lagi akong tumatambay pagmay problema ako. Niyakap ko ang mga paa ko. Ayoko na dito.. Ayoko ng ganito.. Nay, sana sinama niyo na lang ako. Nay, hirap na hirap na po ako.. Iniwan na ako ni tatay at pinagbenta. Ayoko na nay.. Hindi ko na po kaya. Ano na pong gagawin ko? Walang wala na ako..

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa magdilim na ang mata ko.

**

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto. Bakit ako nasa isang kwarto? Nasa dalampasigan lang ako kagabi ah. Bakit...

"Gising na ang prinsesa." Ito nanaman ang nakakatakot na boses na nagpapanginig saakin. Ronaldo.. Siya ang lalaki na bumili saakin para sa pamangkin niyang si japer.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatiling tahimik ako. Natatakot ako sakanya.. Ano mang oras kayang kaya niya akong patayin.

Ganun na lang ang pamimilipit ko sa sakit ng hilain niya ang buhok ko patalikod, paharap sakanya. Tumulo na yung luha ko sa sakita na nararamdaman.

"Hindi ka ba tinuruan ng tatay mong hampas lupa na sumunod sa utos? Ha?" Mariin niyang sabi at maslalong hinila yung buhok ko kaya napasigaw na ako. "Ahhhhh! T-Tama na po!"

Isang malutong na sampal ang natanggap ko kaya napaiyak na ako. Sa sobrang lakas ng pagsampal niya ay halos hindi ko na maramdaman ang pisngi ko.

"Sa susunod na mahuhuli kitang tumatakas, hindi lang sampal ang aabutin mo! Naiintindihan mo?!" Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit sakit parin ng pisngi ko, sinabay pa ang ulo ko dahil sa pagkakahila niya.

"Sagot!" Nanginginig, agad akong napatango sakanya. "O-Opo.. Opo.."

Binitawan niya ang buhok ko kaya agad akong napahiga sa kama. Nandidilim ang paningin ko sa hilo sa sobrang sakit.

"Tandaan mo ito at itatak sa kokote mo!" Galit niyang sabi at dinuro duro pa ang ulo ko. Napaiyak na lang ako. "Ipinagbenta ka na ng tatay mo! Isa ka ng hayop ngayon na dapat sundin ang nagmamay-arisayo! Naiintindihan mo? Isa ka ng bayarang babae. Isang palamunin! Naiintindihan mo ba ha?" Tapos ay tumawa ito ng malademonyo na ikinapikit ko na lang. Ayokong tanggapin ang sinabi niya.. Hindi! Hindi ako ganun! Hindi maari! Hindi..

Isang malakas na pagsara ng pintuan ang narinig ko bago ako humagulgol at umiyak ng umiyak. Ang sama nila! Ang sama sama nila! Mga demonyo! Napahagulgol na lang ako dahil ito lang ang kaya ko, Ang umiyak.

Wala akong kalaban laban sakanila. Ang sama nila! Sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

**

May naramdaman akong humaplos sa mukha ko kaya agad akong napamulat. Halos maduling ako sa lapit ng mukha ni Jasper kaya napaatras ako.

Agad siyang nagpanic, "No.. Angel.. Shhh.. I won't hurt you. Wag kang matakot." Sabi niya habang hinihigpitan yung hawak niya sa balikat ko para hindi ako makalayo.

"P-Paalisin niyo na ako.." I beg. Ayoko na dito.. Gusto ko ng maging malaya..

Mas lumapit siya saakin. Nakaupo kasi siya sa gilid ko, sa kama. "No Angel.. You can't."

Nangingilid nanaman ang luha ko, "Maawa k-kayo please.. A-Ayoko na dito.."

Biglang nagiba yung mata niya, dumilim ito. "No! Can't you understand?! You're staying with me whether you like it or not!" Sigaw niya kaya napatahimik ako. Akala ko pa naman iba siya! Parepareho din silang lahat. Ang sasama nila!

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at napasuklay sa buhok niya. Naramdaman kong tumingin ito saakin pero deretso lang yung tingin ko. Hindi ko ata kayang tingnan siya.

Mayamaya biglang na-off yung ilaw kaya inalis ko yung pagkatakip ng comforter para tingnan si jasper pero ganun nalang ang gulat ko ng may pumatong saakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot nanaman ako.

"Relax.." He whisper.

Nanginginig na napapikit ako. Naramdaman kong umangat ang katawan niya. Akala ko aalis na siya pero mas kinagulat ko ang paghalik niya saakin sa noo. "This is mine." He said in a husky voice.

He kiss me on my nose. "Mine.."

He kiss my both close eyes. "Mine.."

He kiss my lips. "Definitely Mine.."

He svck my neck. "Mine.."

Dahil sa ginagawa niya hindi ko alam pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. I open my eyes ng inakala kong tumigil na siya pero the moment i open my eyes, a pair of blue eyes were staring at me.

"I'm sealing my property Angel.." He lean forward, whispering those word that makes me cry, "You're mine"

Walang nagmamayari saakin! Wala! But here, this man in front of me is sealing me as his property.

Naalala ko nanaman, oo nga pala bayad na ako. Buong ako. Pagkatao ko, Puso, katawan at lahat sa halagang limang milyon. Limang milyon..

Nakakatawa. Limang milyon lang pala ang halaga ko.. Ganun na ba ako ka mura? Kaya ba ako ang pinili nila dahil ang baba kong babae?

A tear escape my eyes.

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon