Happy Valentine's Day, lovies! ❤️
Angiela
Days passed and it's monday. Nandito ako ngayon sa loob ng office ni Mr. Pitrakis together with his little daughter Shara. Pagkatapos kasi ng meeting namin ni Mr. Pitrakis ay nagmamadaling umalis ito dahil tumawag daw ang mother niya so i decided na bantayan ko muna si Shara habang wala pa ang daddy niya. Kanina pa nga kami dito and well, nagkasundo naman kami.
"Sorella, Sono annoiato.." Naka pout niyang sabi tapos ay tumayo na sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin tapos ay umakyat siya sa hita ko kaya naman tinulungan ko siyang makaupo sa hita ko, paharap saakin.
"Sorella, I'm Bored.." Sabi niya saakin sabay pout. Aww. I remember my zach.. Kung nandito lang siguro si Zach, for sure magkakasundo sila. They are both 4 years old and cute!
(Sorella means Older sister in italian)
I pinch her cheeks softly, "You're bored? What do you wanna do today huh? Little gal?" I ask her. Namiss ko tuloy si Zach. Napabuntong hininga na lang ako sa isip. Mamaya ko na siguro tatawagan si tito simon dahil paniguradong nasa school pa si Zach.
"Sorella, you look familiar.." Nakapout niyang sabi habang yung kamay niya nakalagay sa baba niya at tinitingnan ako na para bang sinusuri ang mukha ko. Maya maya hinawakan niya yung baba ko at pinaling sa kaliwa tapos sa kanan nanaman kaya natawa na lang ako.
"Seriously sorella, i think i saw you.. I just can't figure out where.." Seryoso niyang sabi habang sinusuri parin ako.. Nanlaki ang mata niya pagkakuwan, showing 2 perfect grayish eyes. Napakunot noo naman ako ng takpan niya yung bunganga niya habang nanlalaki ang mata. "I knew it!"
Naguguluhan akong tumingin sakanya. Okay. I can't understand her. I was just about to ask her when the door of the office open kaya napabaling na doon ang tingin ko.
Jasper..
Nagulat pa siya ng makita ako pero agad din yun nawala. Naalis ang tingin ko sakanya ng gumalaw si Shara ng mabilis pababa at nakangiting tumakbo papunta kay jasper.
Hinila niya yung tie ni Jasper dahilan para umupo ito, kapantay niya. Nakangiting bumulong si Shara sakanya tapos ay humagikhik. Napakunot noo si Jasper tapos ay bumulong ulit si Shara sakanya.
Nanlaki ang mata ni Jasper tapos ay medyo namula pa siya habang nakatingin saakin tapos ay tumingin ulit kay shara.
"How'd you know that?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Shara.
Humagikhik ulit si Shara at bumulong sakanya. Tuwang tuwa itong lumapit saakin at yumakap sa mga kamay ko. I look at her.
"Sorella, come!" Sabi niya at pilit akong hinihila. Nagpatianod na lang din ako.
"Wait. Where are we going?" Natatawa kong sabi. Kasi naman, nauuna siyang maglakad tapos kapag lumilingon siya saakin at nakitang malayo pa ako ay tatakbo siya papalapit saakin at hihilain nanaman ako.
"Sorella, just come! Hurry!" Sabi niya at hinihila parin ako kaya binilisan ko na yung paglakad. Napapailing na lang ako at ngumiti. Ang kulit niya kasi! Hahaha
Nasa ground floor na kami ng lumapit saamin ang iba sa mga body guard ni Mr. Pitrakis.
"Miss, Saan po kayo pupunta?" Tanong nito saamin.
"Mister Bill, We're just going to eat outside." Pag eexplain ni Shara dito. Nakayuko pa kami habang nakatingin sakanya kasi nga ang liit niya.
"But.." Hindi na siya natapos ng magsalita nanaman ito, ngayon naka crossed arms na. Natawa na lang tuloy ako.