Chapter 33

92.3K 1.5K 72
                                    


Angiela

Napahilot ako sa sentido ko habang nakatingin sa isang damakmak na iPhone dito sa kwarto ko. Nakakastress ka talaga jasper! Urgh! Like seriously? Ilang tenga ba ang nakikita niya saakin? Isang milyon?!

Maya maya hindi parin ako makaalis sa kinakatayuan ko ng mag ring yung isang iPhone na nasa gitna ng kama ko at sa pagbabakasakaling si jasper yun ay agad kong hinawi yung mga iPhone para makarating sa kama and i was right! Si jasper nga ang tumatawag!

I answer the call at hindi pa man siya nakapagsalita ng nagsalita na ako,

"Hoy lalake! Kapag hindi mo niligpit itong mga cellphone within one hour, PUPUTULIN KO YANG ANO MO! Anong tingin mo saakin ha?! Alien na may milyong tenga?! Alisin mo to ngayon na, kung hindi! Nakuuuu! LAGOT KA SAAKIN!" Naiinis kong sabi sakanya. Napatingin pa ako sa iPhone na nagsasalubong ang kilay. Halos manlaki yung mata ko ng makita ko yung picture na nasa Wallpaper.

It was me with him! Ito yung picture naming magkatabi sa kama nung gabing nalunod ako sa pool four years from now! Natutulog ako habang siya yung nagtatake ng picture, he was smiling. May picture pala kami.. Napatitig ako dun at napapikit, Nakakastress ka talaga Jasper!

Pagkadilim na pagkadilim ng screen ng iPhone ay may narinig akong kumatok sa pintuan. Nagulat pa ako pero bigla naman nakabawi at tinahak yung daan papuntang pinto.

I open the door. Hindi ko pa man nakikita kung sino yung nasa labas ng bigla na lang ako napaurong dahil tuloy tuloy na pumasok ang tatlong lalakeng naka black suit at black shades na may dalang tig iisang box.

Napamaang ako sa kanila, "H-hey!" Hindi nila ako pinansin at patuloy lang sa pagpasok sa apartment ko at walang sali salitang iniligpit lahat ng iPhone sa sahig. Halos matapos na sila sa pagliligpit ng nakabalik ako sa sarili ko.

"T-teka teka teka!" Pigil ko sakanila. Tumigil naman sila at tumingin sa gawi ko. Napamaywang ako, "And who told you na pwede kayong pumasok sa unit ko without my permission?!" Naiinis kong sabi. Tama bang pumasok na lang basta basta? Urghh! And to think na i don't even know who are this guys.

Magsasalita pa sana yung isang lalake ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ako." Napatingin ako sa likod ko na nasa may bandang pintuan. "I was the one who told them." Hindi ko mapigilang magpaikot ng mata sa sinabi niya. Pinapainit niya ang dugo ko! Arghh!

Magsasalita pa sana ako ng dumaan yung tatlong lalakeng naka suit sa gilid ko at huminto doon kaya nakataas ang kilay na tiningnan ko sila.

Nag salita yung nasa pinaka gilid, "Saan po namin ilalagay to' Maam?" Napapikit na lang ako ng mariin. Feeling ko tumaas na lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko dahil sa sobrang galit.

Ganun na lang yung gulat ko ng makita kong wala na yung tatlong lalake at nakangiting mukha lang ni Jasper ang nasa harap ko.

"Asan na yun?"

"Pinaalis ko na. Baka sasabog ka na diyan sa sobrang galit. Teka nga, bat ka ba galit na galit?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Wala!" Sigaw ko sakanya at walang sali salitang isinarado yung pintuan ng apartment ko not knowing na nandun pala yung kamay niya dahilan para mapasinghap ako sa sobrang gulat habang nakatingin sa namimilipit sa sakit na jasper.

"Urghhh.. Shit! Shit!" Kinabahan ako agad at nataranta sa nakikita. Napatakip ako sa bunganga ko ng makitang dumudugo ito.

"S-sorry!" Natataranta kong sabi at dali daling pumunta sa mga maleta ko at kinuha yung first aid kit na lagi kong dala. Nagmamadaling lumabas ako at nakita kong namimilipit parin ito sa sakit. Napakagat labi ako at umupo sa unahan niya, oo nandito kami sa labas ng apartment ko, Sa hallway exact.

Walang sali salitang kinuha ko yung kamay niya at tiningnan ito, hinawakan ko pa yung may sugat parte dahilan para mapa-aray siya sa sakit. "Argh! Dahan dahan lang naman."

"Sorry!" Sabi ko ng hindi parin inaalis ang tingin sa kamay niya. Bigla akong naguilty sa nakita ko. Paano ba naman kasi, yung apat na daliri niya yung dumudugo, maliban lang sa hinlalaki. Kahit naman naiinis ako sakanya ay hindi naman ako ganun kasama.

I massage the back of his hand para hindi sumakit lalo. Napasinghot ako ng feeling ko maiiyak na ako. Kasi naman once na nangyari saakin ang masaraduhan ng pinto and it was like a nightmare! Dahil feeling ko mababali na yung kamay ko that time.

"S-sorry.. Hindi ko sinasadya." Mahina kong sabi habang sa kamay niya nakatingin. I truly feel sorry dahil sa katangahan ko. Pinapairal ko kasi yung galit ko! Kainis! Ayan tuloy, nakasakit pa ako..

Wala akong narinig na sagot mula sakanya kaya naman tiningnan ko siya and there he is, staring at me again like I am the most beautiful girl in the world.

"What?" Maang ko.

Ngumisi siya, "Do you really hate me that much, Angel?" Ayan nanaman yang angel na yan.

"Huh?" Hindi ko siya maintindihan.

"So you really hate me that much na dito mo talaga ako gagamutin sa labas?" Namula naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa paligid. Napakamot na lang ako sa batok ko at nag-aalinlangang tumingin sakanya.

"So you really hate me huh?" Malumay niyang sabi at pilit na tumayo. Nakapikit pa yung mata niya na para bang nasasaktan talaga yung kamay niya. Nagaalinlangan pa akong tumingin sakanya na nakatingin din saakin ngayon. "Uuwi na ako.." Nasasaktan niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako ng pigilan niya ako, "Okay lang. Okay lang ito. Kaya ko naman kahit na sobrang sakit na ng kamay ko. Okay lang ito. Makakauwi naman siguro ako kahit na dumudugo tong kamay ko. Okay lang. Sige na uuwi na ako.." Napapikit na lang ako sa mga sinasabi niya. Damn! Nasasaktan ba talaga siya o nagpapaawa at sinisisi ako?

Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan yung isang kamay niyang walang sugat dahilan para mapatingin siya saakin, "Ok, fine! Gagamutin na kita sa loob." Nakakunot noo kong sabi. Nagliwanag naman ako mukha niya at walang sabi sabing pumasok sa loob ng Apartment ko.

Sumunod na lang ako matapos kong kunin yung first aid na nasa sahig dito sa labas.

Pagkasara ko ng pintuan ay tumingin ako sa nakaupong Jasper sa sala na may malawak na ngiti sa labi. Automatic na tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Wag kang masyadong matuwa diyan. Nakokonsensya lang ako kaya pinatuloy kita dito." Pairap kong sabi sakanya. Nakita ko pang nagpout siya sa peripheral vision ko pero hindi ko na lang pinansin at pumunta ng cr para kumuha ng tubig at towel.

Nagulat pa siya ng umupo ako sa tabi niya at walang salisalitang kinuha ang kamay niyang naipit kanina. "Masakit pa ba?" tanong ko ng hindi tumitingin sakanya. Hindi sinasadyang napadiin ko yung pagdiin ng paglilinis ko sa daliri niya.

"A-Aww! Angel naman! Masakit." Angal niya kaya tumingin ako sakanya.

"Mag tiis ka!" Pinandilatan ko siya at ginamot ulit yung kamay niya pero ngayon dinidiinan ko pa lalo, remembering what happend in the past.

"Ahh! A-Araay! Dahan dah--Aww!" Hindi ko na napigilan yung ngiti ko ng makita ko yung reaction niya. Para siyang batang pinapalo sa pwet. hahaha

Maya maya ngumiti din siya habang nakatingin saakin. Tinaasan ko siya ng kilay, "What?"

"You know what? I'll be forever in danger if that's what makes you happy."

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon