Chapter 17

102K 1.2K 29
                                    

Angiela

Natigilan ako sa sinabi ni Jasper. Rinig na rinig ko nanaman yung mabilis na tibok ng puso ko.

"Ikaw lang naman kasi ang babae ko, maliban na lang kung mama ko ang tinutukoy mo."

"Ikaw lang naman kasi ang babae ko, maliban na lang kung mama ko ang tinutukoy mo."

"Ikaw lang naman kasi ang babae ko, maliban na lang kung mama ko ang tinutukoy mo."

Hindi ko maiwasang i replay sa utak ko yung mga sinabi niya. Gusto kong magtatalon talon sa sobrang kilig at the same time iuntog ang sarili ko dahil feeling ko mananalo na siya sa laro namin. Magmumukha nanaman akong tanga. Lagi na lang..

Ang galing niya mag laro. Nadala ako. Nauto. Malapit na siyang manalo. Napabuntong hininga ako. Konti na lang talaga jasper. Konting konti na lang mahuhulog na ako sayo.

Naiinis ako sa sarili ko dahil aware na aware akong playboy siya. Alam ko simula pa lang na babaero siya at marami na din ang dumaan sa kanya pero tang*na! Ano tong nararamdaman ko?

Yes, Kilalang kilala si Jasper sa School namin kahit hindi siya doon nag-aaral. Lahat silang magkakaibigan, In fact. Dati pa lang marami na siya napaiyak at marami na sa mga kaklase ko ang iniyakan siya, yung iba nga kinama pa niya. Ganun siya katindi! Ang dami na niyang pinaiyak at ngayon alam ko na kung gaano kasakit ang nararamdaman ng mga kaklase ko kapag niloloko niya dahil ngayon pati ako, isa na sa mga yun. Nahulog ako sa patibong niya at hindi ko na alam kung papaano lalabas o kung makakalabas pa ako.

Inaamin ko na nung araw na binili ako ng tito niya para sakanya, hindi ko siya nakilala dahil iba ang mukha niya sa malapitan. Hindi ko naman kasi siya kilala dati at dalawang beses ko lang nakita ang picture niya sa cellphone ng classmate ko noon tapos wala na.

He was the Famous Playboy of Kingdom College kaya hindi ako makapaniwalang binili ako ng tito niya. Nakakatakot ang tito niya. Halos manginig ako dati kapag nakikita ko siyang dumadalaw kay Jasper kaya para akong isang manika na hindi makagalaw kapag nandun siya. Halos ilang araw namin dito sa resort nila Andrew, para akong binunutan ng sampung karayom sa saya dahil hindi ko na siya makikita pero panandalian lang yun dahil bukas na bukas ay aalis na kami dito. Babalik na sa normal ang lahat.

Pinunasan ko yung luha ko ng maalala kong nakikipag usap sa telepono si Mr. Arturo ng minsan ay dumalaw siya sa bahay ni Jasper. Nasa kusina ako that time at paakyat na ng kwarto ng dumating si Mr.Arturo. Hindi na ako makaalis sa kusina dahil sa kaba kaya narinig ko yung usapan nila pati yung kasama niya na kaibigan niya ata o business partner. Dahil dun ay nalaman ko ang lahat kung bakit niya ako binili.

"Arturo, nasaan ba ang babaeng binili mo para sa pamangkin mo?" Tanong ng kasama niya.

Ngumisi ito, "Malamang ay nasakwarto yun ng pamangkin ko. Sarap na sarap." Tapos ay nagtawanan silang dalawa ng nakakatakot.

"Ang ganda ng babae Arturo! Ang kinis, Hubog na hubog ang katawan, Ang sexy!" Halos kilabutan ako sa sinabi ng lalake.

"Siya ang pinili ng pamangkin ko. Ano pa bang aasahan mo dun? Babaero yun. Mabuti na lang at nagkataon na may utang saakin ang tatay niya at napadali lang ang pagkuha sakanya." Tapos ay nagsindi ito ng sigarilyo.

"Walang hiyang Serito. Ipagpalit ang anak sa pera." Naiiling na sabi nung isa.

"Ano pang aasahan mo sa isang gunggong? Isa pa mamatay na lang siya eh hindi pa niya nababayaran ang dalawamput limang milyon na utang niya." Napasinghap ako sa sinabi nito noon. 25 Milyon? Ang laking pera ng utang ni tatay. Anong pinag gagawa niya?

Kaya pala desperadong desperado na si tatay na ipagbenta ako. Pero limang milyon lang yung narinig kong usapan nila dati.

"Ewan ko nga kay Jasper kung bakit sa dinami dami ng mayayaman, magaganda at mas sexy na babae ay yang anak anakan ni Serito ang napili niya. Eh mukhang walang alam yan eh." Aminin ko na nasaktan ako sa sinabi nila. Ang dali dali nilang manghusga! Dahil ba mayaman sila?! Oo mahirap lang kami pero nakapag-aral ako! Nagsikap ako mag-isa ng walang binibigay si tatay ni isang kusing. Nagtrabaho ako at nagsumikap kaya wala siyang karapatang husgahan ako! Natigil lang naman ako sa pagaaral ng ipagbenta ako ni tatay sakanila!

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon