Angiela
Nagising na lang ako ng may yumakap saakin kaya agad akong napabangon wala sa oras, tiningnan ko ang paligid. Wala namang tao ah. Napalunok ako wala sa oras.
Kaninang hapon pa kami nakauwi ng bahay at dahil na rin siguro sa pagod ay agad akong nakatulog kanina sa sofa pero bat' nasa kwarto na ako? Siguro binuhat na nila ako.
Napalingon ako sa paligid. Sobrang tahimik nito kaya agad agad akong kumuha ng damit sa kabinet at nagtatakbong umalis sa kwarto. Naabutan kong nagluluto si lola Socoro sa kusina kaya agad akong lumapit at yumakap sakanya.
"Lola, may mumi sa taas!" Natatakot kong sabi.
"Ay sus ginoo!" Gulat na sigaw ni Lola bago hinarap ako. "Ikaw bata ka, wag ka ng mang gugulat ng ganun ha? Aatakihin ako sayo bata ka!" Nakahawak pa siya sa dibdib niya.
Nag pout lang ako, "Lola naman, kasi may mumu sa taas!" Nakakapit parin ako sa laylayan ng damit niya habang ino-off niya yung paglulutuan at tinakipan yung niluto niya.
"Nako bata ka, imahinasyon mo lang yan. Walang multo dito..." Sabi ni lola habang naglalakad papunta sa kwarto nila. "..pero ghost meron." Pananakot niya
"Lola! Lola naman eh!" Maiyak iyak kong sabi habang nagdadabog. Ngumiti lang siya at nag peace sign.
"Joke joke joke!"
Napa pout na lang ako, "Lola naman kasi!" Sumama ako kay lola sa kwarto niya at doon nagpalit ng pangtulog. Natatakot na ako bumalik sa taas. Baka mamaya hindi pa lumalabas yung multo, nahimatay na ako sa takot! Yan talaga ang isa sa mga weakness ko. Ang pagiging matakutin. Ewan ko ba. Noon kasi lagi akong nakakapanaginip ng mga karumaldumal na pangyayari kaya ganun ako kamatakutin. Hindi ko natatandaan yung mga panaginip ko pero pagkagising ko na lang, pawisan, umiiyak at takot na takot na ako. At dahil nga wala akong aasahan kay tatay ay itutulog ko na lang ang takot ko dahil ang dilim din ng kwarto ko.
"Apo, Wala ka bang balak bumalik sa kwarto mo?" Marahan na tanong ni lola. Nakahiga na kasi ako sa kama ni lola habang siya nakatayo at tinutupi twalya niya.
"Wala po la, natatakot ako sa mumu." Parang bata kong sabi. Gusto kong batukan ang sarili ko! Ang tanda tanda ko na para mag asal bata! Pero anong magagawa ko? Sadyang matakutin ako.
May sinabi pa si lola pero hindi ko na narinig dahil bumigat na yung mata ko kasabay ng pagdilim ng paligid pero bago pa man ako lamunin ng antok ay may tumapik tapik sa balikat ko ng marahan.
"Angel, Wake up." Agad akong napatingin kay jasper. Kakauwi niya lang ba? Napalingon ako para hanapin si lola pero hindi ko siya makita.
"Come on. Lets go to our room." Sabi niya ng marahan. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Tiningnan ko siya, "Saan si Lola?"
Kumunot ang noo niya. "Lola? Sinong lola?" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.
"Duuh! Si Lola Socoro." Walang gana kong sabi sakanya. Tiningnan naman niya ako na para akong nahihibang.
"Sinong lola socoro ang pinagsasabi mo? I can't understand you." Nakakunot noo niyang sabi.
"Wag mo nga akong pagtripan! Si lola socoro! Yung pinaka matanda na nagtratrabaho dito." Sabi ko sakanya. Tiningnan niya lang ako.
"Walang matandang nagtratrabaho dito." Tumindig lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Seryosong seryoso yung pagkasabi niya kaya napalunok ako.
"Jasper, wag mo nga akong pagtripan!" Naiinis kong sabi pero nagsisimula ng kumabog yung dibdib ko sa kaba.
Tiningnan niya ako ng seryoso, "Mukha ba akong nangti-trip?" Napakagat labi na lang ako.
"Ahh. O-okay." Nagsisimula na ako kabahan. I try to calm myself by breathing hard. Huminga ako ng malalim and act normal pero ganun na lang yung takot ko ng biglang nawalan ng ilaw.