Chapter 40

119K 1.9K 114
                                    

Angiela

I let out a small moan at mas hinigpitan yung pagkakayakap ko sa unan ko. Pinatong ko din yung kabilang paa ko sa unan at mas lalong sumiksik doon.

Hmm. Ang sarap ng tulog ko..

Napakunot noo ako when i smell something familiar. Suminghot singhot pa ako but still nakapikit. I tried to ignore the scent pero ang bango lang.

Hindi ko alam na singhot lang pala ako ng singhot at bahagyang napangiti.

"Anong amoy hmm?" A husky voice ask beside my ear.

"Hmm.. Amoy gwapo.." Wala sa sarili kong sabi at kinapakapa yung kumot ko pero kusang lumapit yung kumot dahil the next thing i knew ay may kumot na ako.

Napakunot noo ako. Okay. What was that? Matutulog pa sana ako at babalewalain lang yun when i feel someone kissed me on my forehead kaya automatikong napabukas yung mata ko.

What the heck?!

Marahas akong tumingala just to see jasper looking at me. I stare at him for a while at ganun din siya. Maya maya ay ngumiti siya dahilan para mabalik ako sa katinuan.

"What in the.." Agad kong inalis yung paa kong nakapatong sakanya at kamay kong nakayakap ng unahan na niya ako. Pinatong niya yung paa niya sa paa ko dahilan para hindi ako makagalaw at agad na hinawakan yung kamay kong nakayakap sakanya.

I look at him with wide eyes, "You!" Nagpumiglas ako at pilit na ginagalaw ang paa ko para makaalis pero wa epek. "Bitawan mo ako ano ba?!"

"Paano kung ayoko?" Ngumisi siya at hahampasin ko na sana siya ng isa kong kamay kaso, "Ahhhh!" nakuha niya din ito at mabilis na pinagbaliktad ang posisyon namin.

"Rape! Rape!" Sigaw ko at ginagalaw galaw yung dalawa kong paa pero agad niyang inipit yun gamit ang dalawa niyang paa.

Damn it! Hindi na ako makagalaw!

I glare at him, "Gago ka ba?! Pakawalan mo ako Jasper, Isa!"

Nagpupumiglas parin ako pero mas hinigpitan niya na yung pagkakahawak sa dalawa kong kamay,

"Isa pang salita makakatikim ka na talaga saakin!" Nakangisi niyang sabi.

"Ah ganun! So balak m--hmmmp!" Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"Basto---hmmp!" He kiss me again kaya agad kong tinikom yung bibig ko at umiwas ng tingin.

"Gusto mo lang ata mahalikan eh. Sinabi mo na sana agad Angel." Tumawa siya ng mahina. Sisinghalan ko na sana siya ng,

"Shhh.. Wag ka munang magsalita okay?" He said like he's talking to a 5 years old kid. The heck. Tsk. Tiningnan ko na lang siya ng nakakunot noo.

"Angel.." Tinaas ko lang yung isang kilay ko na parang nagsasabi ng 'what?'

Maya maya hinalikan niya yung ilong ko dahilan para mapapikit ako. He smile, "Good Morning."

Pagkasabi niya nun agad siyang humiga sa tabi ko at walang kahirap hirap na binuhat ako padagan sakanya kaya ang labas ay nasa taas ako habang siya yung nasa ilalim.

"Ang gaan gaan mo Angel." He said at niyakap ako kaya yung mukha ko nasa leeg niya. Urgh!

Tinaas ko yung ulo ko, "Jasper ba! Balak mo ba akong gawing unan?!" Naiinis kong sabi sakanya at napunta lang sa wala yung pagpupumiglas ko.

"Yun din naman yung ginawa mo diba?" Tumawa siya, "Kaya gumanti lang ako."

Nanlaki ang mata ko at mas tinago yung mukha ko sa leeg niya. Urgh. Namumula ako. Hindi ko naman kasi alam na siya yun. Akala ko unan.

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon