NAKAHINGA ng maluwag ang buong tropa ng umubo si Angiela at nilabas nito ang napakaraming tubig na nainom.
"Thank God you're okay!" Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Jasper ng umubo si Angiela. For a second thought akala niya ay huli na siya. Takot na takot siya! Akala niya mawawala ito sakanya. Agad na kinulong niya ito sa bisig niya ng umubo ito.
"I'm sorry.. Im sorry.. Im sorry.. Im sorry.." bulong niya sa tenga ng dalaga. Napapikit siya ng marahan siya nitong pinalo sa braso. Agad niyang binuhat ang dalaga at walang lingon lingon dinala sa kwarto nila.
Marahan niya itong hiniga sa sofa at agad na agad na tinawagan ang doctor nila. He don't care kahit na malayo sila! All he wants is Angiela to be okay! Its his fault! Feeling niya kasalanan niya ang lahat ng ito dahil hindi niya kinausap ang dalaga ng mabuti. He was too afraid to loose her. Ng makita niyang pabagsak na ito sa tubig, tila parang nabagsak din ang puso niya. Alam niyang hindi ito marunong lumangoy kaya ganun na lang ang takot niya ng makita itong hindi humihinga.
Lumapit siya sa dalaga at dahang dahang inalis ang damit nito. Baka magkasakit pa ito kung hindi niya agad na maialis ang damit and he can't afford that. Napalunok siya at sobra sobrang pagpipigil ang ginawa para alisin ang bra nito. Oh God.. Your torturing me. Sa isip isip niya.
Aalisin na sana niya ang bra nito ng hawakan ng dalaga ang kamay niyo, "W..what are y..you doi..ng?" Nanghihinang sabi nito habang bahagyang nakabukas ang mata. Hinang hina parin ito. Napasinghap siya.
"I'm removing your clothes. Baka magkasakit ka." Sabi niya ng hindi ito tinitingnan.
"W-wag.."
"Stop being stubborn, woman! I won't hurt or do something to you!" Mukhang hindi na kaya ng powers nito ang makipagsagutan kaya pinikit na lang niya ang mata.
He removed her clothes at dinamitan niya ito ng pantulog and damn! It was his first time na sumakit ang puson niya sa pagpipigil and it was all because of her!
Maingat niyang binuhat ulit ito at dinala na sa kama nila. Pinahiga niya ito sa kama at kinumutan. Napapikit siya ng hindi pa dumarating ang doctor.
Damn that doctor! I didn't pay him hundred thousand for being late!
Napaupo na lang siya sa gilid ng kama nila ng magsalita si Angiela.
"Thank you, Jasper." Nagulat siya sa sinabi ng dalaga. Tiningnan niya ito. Bahagya itong nakangiti tapos ay inabot ang kamay niya. Napalunok siya sa inaasta ni Angiela.
"Thank you.." ulit nito sa sinabi. Kumunot ang noo niya ng umusog ang dalaga. Tinap ni Angiela ang space sa gilid nito na para bang pinapapunta siya doon.
"Dito ka." Nanghihina parin ang boses nito. Napalunok siya. Hindi niya na alam kung ilang beses na siyang lumunok simula ng malunod si Angiela. She was so tempting!
Nagpatianod na lang siya ng hilain siya nito sa kama at mahigpit na niyakap ang braso niya. "Thank you.."
Nakatitig lang siya sa maamong mukha ni Angiela. She was beyond beautiful! Napabuntong hininga na lang siya sa problema nilang dalawa. Hindi niya maintindihan si Angiela. Ano ba kasing pinagsasabi nito kanina sakanya? But he sincerely wants to say sorry sa pananakit niya sa damdamin nito.
Tiningnan niya ang maamong mukha ni Angiela at saka hinalikan ito sa noo. "Im sorry, love.. I'm sorry.. I'm sorry."
**
Angiela
Nagising ako ng may maramdaman akong masarap na kung ano ang humahaplos sa buhok ko. It was so gentle at ang sarap lang sa pakiramdam. Feeling ko nabawasan ang sakit ng pagkauntog at nagkasabunot sa ulo ko ng maramdaman ko ang haplos na iyon.