Chapter 9

122K 1.6K 34
                                    

Dali dali akong lumabas sa Bar ng biglang nahirapan akong huminga. Para bang pinipiga ang puso ko. Ano bang nangyayari saakin? May sakit na ba ako sa puso?

Napahawak ako sa puso ko. Ngayon lang to. Ngayon ko pang to naramdaman. Feeling ko hindi ko ata kakayanin dahil iba yung feeling eh. Its like i can't breath at any time babagsak na lang yung luha ko dahil sa hindi maintindihang sakit.

"Angiela? Is that you?" Agad kong naalis ang kamay ko sa pagkahawak ko sa puso ko ng may nagsalita sa likod ko. Tumalikod ako para tingnan kung sino ang nagsalita.

"Jeremy?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Angiela ikaw nga!" Hindi pa ako nakareact ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Angiela, miss na kita! I mean, miss ka na namin!" Tuwang tuwa niyang sabi. Napangiti naman ako sa sinabi niya. He was my classmate. Classmate ko siya nung nagaaral pa ako ng 2nd year college sa Dimosio City College nung hindi pa ako pinagbenta ni tatay.

Speaking of tatay. Hindi ko parin siya nahahanap at hindi parin niya ako binibisita. Na mimiss ko na siya ng sobra pero parang wala naman sakanya. Hindi manlang siya gumawa ng paraan para makita manlang ako, ang anak niya. Napabuntong hininga na lang ako. I guess wala na nga talaga siyang pake saakin.

"Angiela, saan ka na ba nag-aaral ngayon? Ang alam lang namin, umalis na daw kayo ng tatay mo dun sa tinitirhan niyo. Saan ka na ngayon nakatira? Saang lugar? Malayo ba sa school yan?" Sunod sunod niyang tanong kaya natawa na lang ako. Para siya ewan! Hahaha Actually, he's one of my bestfriend na lalake kaya close kami.

"Well, titigil muna siguro ako dahil wala pa kaming pera pang gastos sa school. Alam mo naman diba? Walang trabaho ang tatay kaya ayun! Saka binenta na ni tatay yung bahay. Ahmm.. ano kasi.. Ahmm nakikitira na lang kami sa bahay ng auntie ko." Ngumiti ako sakanya. Wala akong ibang masabi. Alangan namang sabihin ko sakanyang 'Pinagbenta na ako ng sarili kong tatay.' O di kaya 'May nagmamay-ari na kasi saakin.' Ang sagwa naman nun kaya i need to tell him lies. Napabuntong hininga ako. Ano bang nangyayari sa mundo? Arghh'

"Ganun ba? Teka may cell phone ka ba? Pahinge ng number mo, Angiela. Na mimiss ka na namin. Bigla ka ba namang mawala? Akala naman kung ano ng nangyari sainyo." Sabi niya.

Umiling ako. "Wala eh. Hindi naman kami mayaman, jeremy. Ganito na lang, ibigay mo na lang saakin ang number mo para makamusta ko manlang kayo." Sabi ko sakanya. Nag agree naman siya at kinuha ang phone niya.

"Oh. Eto." Since wala naman akong dalang papel, kinabisa ko na lang yung number niya.

"Okay na. Kuha ko na." Nag thumbs up pa ako sakanya at ngumiti. Tumawa naman siya.

"The best ka talaga pres.!" Natatawang sabi niya. "Paano ba yan? Una muna ako. Hinahanap na siguro ako ng mga kasama ko." Tumango lang ako sakanya. Akala ko aalis na siya pero bago siya umalis niyakap niya muna ako kaya tumugon din ako.

"Send them my hugs, jeremy." Yun lang yung sinabi ko at kumalas na sa yakap but the next thing i knew isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni jeremy kaya nabigla ako and before i get the chance to react ay sinuntok nanaman niya ito sa pisnge.

"Jasper!" Sigaw ko. I wanted to stop them pero natatakot ako. And before i could shout for help dumating na yung tatlong kaibigan ni Jasper.

"Dude, tama na!" Sabi ni Derek habang pinipigilan siya. Hinawakan din siya ni Jack sa kabilang balikat.

Nagpupumiglas siya kaya sa sobrang takot ko agad akong yumakap sakanya. "T-Tama na jasper.." Naramdaman kong nanigas siya pero huminahon din.

"Tama na please.. Uwi na tayo. Ayoko na dito.." and before i knew it hinila na niya ako paalis doon.

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon