Angiela
Nanggigigil kong tinutusok gamit ang tinidor ang pagkain ko habang nakatingin kay Lara na papalapit kay Jasper. Nandito kasi ako sa Restaurant para kumain ng Lunch. Gutom na gutom kasi ako ng magising kanina kaya agad akong pumunta dito. Nasa di kalayuan sa bandang dagat nakaupo si Jasper, jack, Andrew at Derek sa isang open counter bar kung saan pwede kang mag order ng mga drinks pero isa yung open bar kung saan pinapalibutan ng mga upuan at kitang kita yun dito.
Nanliit ang mata ko ng hinawakan niya yung braso ni Jasper tapos hinihimas himas. Aba! Ang haliparot talaga!
"Kawawa naman yung manok. Patay na nga, pinapatay pa." Napatingin ako sa umiiling iling na si Lillian.
"Huh?"
Nginuso niya yung plato ko kaya napatingin ako doon. "Wag mo naman kawawain ang manok." Natatawang sabi niya at umupo sa bakanteng upuan sa unahan ko. Nilapag niya yung dala niyang Strawberry Shake. Napatingin naman ako sa plato ko, damn! Pigang piga na yung manok!
Narinig kong tumawa si Lillian kaya napailing na lang ako. Kung si Lara lang sana to matutuwa pa ako! Hwahaha! K. Ang bad ko. Eh kasi naman! Tsk
"Girl! Wag mo ng pansinin yang si Lara. Ganyan talaga yang ugali niya!" Napatingin ako kay Lillian. She take a sip of her shake tapos ay pinagpatuloy ang sinabi niya. "For almost 15 years naming magkakaibigan nila Jasper ay kilalang kilala na namin yan. Bitch na pinaghalong slut, palibhasa nagiisang anak tapos spoiled brat pa."
Napatango na lang ako. Ahh. Kaya pala ganun siya kung umasta, kala mo kung sinong perpekto. Gusto niya lahat makukuha niya. LAHAT. Tsk.
"Know what, Angiela? Ngayon ko lang talaga nakitang mag-alala ulit si Jasper." Nakangiti niyang sabi. "Sayo lang ulit siya nag-alala." Napamaang ako. Tiningnan ko siya na parang hindi ako naniniwala sakanya. Kasi naman parang impossible naman yata ng pinagsasabi niya!
"Yes, kaibigan ko siya pero Angiela trust me. Totoo ang sinasabi ko dahil ang huli siyang mag-alala ay yung nadala yung mama niya sa Hospital dahil sa sakit nito sa puso nung 17 pa siya tapos nun ay wala na. He never care like this. Mahal na mahal ka nga ng mokong na yun!" Nag thumbs up pa siya. Namula naman ako sa huli niyang sinabi. Sana nga.. Sana nga mahal niya ako.
Ngumiti na lang ako ng pilit. Hindi niya kasi alam kung bakit ganun si Jasper. Ang tanga naman siguro ni jasper kung hahayaan niyang mamatay ang babaeng binili niya. Napabuntong hininga na lang ako. Nawalan na ako ng gana kumain. Tumingin ako sa pwesto nila Jasper. Nakikipag usap siya kay Lara! At aba ang gago, ngingiti ngiti pa!
Hindi ko alam sunod sunod na pala yung pagsubo ko ng kanin kaya ng pilitin kong ilunok nabulunan ako.
"*cough* *cough* t..tub.." Napapikit ako. Nagpanic si Lillian kaya imbes na tubig ko yung kunin ay kinuha niya yung Shake niya at pinainom agad saakin.
"Omo! Omo! Here! Inumin mo dali!" Napapikit ako ng mahirapan akong lunukin hanggang sa nakisabay na lahat. Hingal na hingal ako ng malunok ko lahat. Fvck! Nakakahiya ka Angiela!!
Tumayo si Lillian at hinilod ang likod ko. "Okay ka na? Angiela, tinakot mo ako!" She said in relief. Natawa na lang ako sa mukha niya. Ang epic!
"Hahaha! Sorry." Nag peace sign pa ako sakanya kaya napailing na lang siya at ngumiti.
"Parang kanina lang pinapatay mo na yung pagkain ah." Tapos ay tumawa ito, ngumuso na lang ako sa sinabi niya at natawa.
"Angiela, Narinig mo yung bagong bukas na bikini shop dun sa beach? Ang gaganda daw!" Tuwang tuwa niyang sabi.
"Naririnig ba yun?" Sumimangot siya saka nag pout.
"Angiela naman eh! Tara tingnan natin!" Hindi pa ako nakapagsalita ng hilain na niya ako patayo.