Angiela
Bandang alas kwatro na ng matapos kaming mag-usap ni Mr. Pitrakis at ni anino ni Jasper ay walang dumating. Tumayo na ako at akma na sanang tatalikod ng mag salita si Mr. Pitrakis.
"Iha, hindi makakarating si Jasper because of his older brother, Alexander Casper. Kakarating lang kasi nito galing states and the boy wants to surprise their parents kaya si Jaspi,er ang pinasundo." Bahagya pa akong nagulat sa sinabi niya. May kapatid si Jasper? Kailan pa? Sa tagal naming magkasama noon ay wala akong nabalitaang may kapatid siya..
Ehem.. Muling ibalik ang tam- Other part of my mind sing.
What the! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!
Agad kong binura iyon sa isip ko. Wag nang sumabat, naku!
"a-ahhh. Ganun po ba?" Tumango lang ako at nagpaalam na. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa sasakyan ko sa sobrang pag-iisip.
Akala ko ba nag-iisang anak si Jasper? Sino itong Alexander?
And then it hit me! Si Jasper lang ata ang kilala ko sakanilang lahat maliban sa dalawang mag ama na isa din sa mga sumira ng buhay ko noon.
Arthuro!
Ni isang kapamilya niya wala akong kilala. Si Jasper lang..
Paano mo makilala kung ayaw kang ipakilala?
I close my eyes, not able to think straight.
Damn!
**
Napagpasyahan kong pumunta muna ng bayan para bumili stock ng Milk at pati narin ng Spicy seafood noodles. Naubos na kasi kaninang umaga lahat.
Nagbayad na ako sa Cashier ng umalingawngaw sa buong Grocery store yung balita pagkatapos pakantahin yung isang kanta. Binabayaran ko yun pinamili ko ng may marinig akong nagpahinto saakin.
"...one of the Monteser is spotted earlier around 2a.m inside the MOA together with this little kid with a mask and a leather jacket that is covering 3/4 of his face. The kid's profile remain anonymous to the public but someone saw the kid! They look exactly the same! Could it possibly be na...." Hindi ko na narinig yung sinasabi sa FM ng magsalita yung cashier pati yung kabilang cashier.
"Nakuuu Sam! Alam mo bang nakita din sila ng kapit bahay namin? Possible kayang anak yun ng Bilyonaryong Monteser? Ano sa tingin mo?" Sabi ng Cashier na ito habang mabagal na iniiswipe yung binibili ko dahil nga nakikipag usap siya. Nice.
"Possible yan Eren! Sa gwapo ba naman niya? Malamang iba't ibang potahe na ang natikman niya." Kinikilig na sabi ng kabila. kuuu! Ang lalandi! Teka? Sinong Monteser ba ang pinaguusapan nila? Ay ewan!
Siguro naman hindi si Jasper, diba?
Paano ka naman nakakasigurado? Hmm? Other part of her mind said.
Of course i know it! I mean mukhang wala naman siyang binibisita or dinadalang anak sa firm eh. At wala naman akong nabalitaan na may anak siya... Yun na nga lang eh kung tinatago niya sa media dahil may inaalagaan siyang pangalan?
Eh anong tawag mo kay zach?
Zach is different! Tinatago ko siya para hindi siya gawing panakot, panlaban saakin ng mga monteser! Ayokong madamay siya. Urgh! Why am i even thinking this!
Wag ka ng mag-isip ng kung ano ano Angiela! Urgh.
Agad na akong lumabas ng Grocery Store ng makuha ko na yung pinamili ko.
"Diaryo! Diaryo! Dalawang piso lang!" Inilagay ko yung wallet ko sa bag ng mahagilap ng mata ko yung Diaryo. Napakunot noo ako when i saw Jasper face on the headline. tapos meron din na nakatayo siya na nakangiti tapos may batang nakayakap sa paanan niya pero yung kamay lang yung nakita dahil sa likod siya nakayakap.
I don't know pero bigla akong kinabahan sa nakita ko. Kamay palang kilalang kilala ko na siya pero.. Urgh..
Hindi naman siguro...
**
3rd Person
Sa kabilang banda, hindi maiwasang matawa ni Jasper sa bata. Eh paano ba naman kasi? Pagkarating na pagkarating nila ay agad siyang hinila nito papunta sa isang boutique doon.
"Teka, Bat ka ba nakayakap sa paanan ko?" Natatawang sabi niya habang pilit na nililingon ito na ngayon ay nakayakap nga sa likod niya, sa paanan.
"Shhh.. There are a lot of paparazzi." Sabi nito sa mahinang tono na nagpailing sakanya.
"Are you some kind of superstar para magkaroon ng paparazzi?" Natatawang sabi nito sakanya.
"How'd you know?!" Bulalas nito ng makapasok na sila sa isang boutique.
Nakakunot noong napatingin siya dito. "You are?!"
Inalis ng bata ang mask niya at humarap sa isang salamin doon. Inalis din nito ang hood at hinubad ang jacket.
"Kind of? But someday i'll be a superstar! But for now, Action Star na muna." Cool lang na sabi nito habang nakatingin lang sa salamin tapos ay inaayos pa yung buhok niya.
This kid is unbelievable!
Napatigil ito tapos ay tumingin sakanya through the mirror. Napakunot noo ito maya maya.
"Mister B.. Come here." Sabi nito habang nakakunot noo parin. Lumapit naman siya dito. "What now Little B?"
"What should i wear? The black leather jacket or the brown one?" Sabi nito habang tinuturo yung jacket. Napailing na lang siya. Ewan niya ba! But there is something about this kid na gusto niya pang makasama ng matagal.
"Woah! What do we have here? Para saan yan huh Little B? May pinipormahan ka ba ha?" Natatawang tukso nuya rito habang kinukuha yung Brown jacket dahil mas maganda ito kung titingnan. Maputi kasi ito na may medyo brown na buhok na bagay sa brown jacket.
Nakita pa niyang namula ito kasunod ang walang tigil na pag iling.
"One thing about me Mister B, I don't please others because others will please me." Cool na sabi nito. Why do he have this feeling na parang nakikita niya ang sarili niya sa batang ito?
Napailing na lang siya habang pinagmamasdan itong nagpapagwapo sa salamin habang suot na yung brown jacket tapos ay maya maya sinuot nito yung salamin na nakasabit kanina pa nakasabit sa damit nito.
"What do you think Mister B? Hindi na ba ako makikilala ng mga paparazzi?" Tanong nito.
"Nah. You look like a really Badass in that suit little B. So your avoiding paparazzi?" Tanong niya. Ewan niya ba kung anong klaseng paparazzi ang tinutukoy nito. Paparazzi ba sa media? O paparazzi na body guards? Dahil kapag media marami siya Paparazzi. Siya pa ba? Isang Monteser. Tsk.
"Yah. I hate my Paparazzi so much. They're the reason why i can't see my Mommy. Every time that i want to see her, lagi na lang silang humaharang sa daan ko." Bagsak ang balitang sabi nito. Parang may kung anong kamay ang humaplos sa puso ni Jasper ng marinig ang basag na boses nito.
"Why? Nasaan ba ang mommy mo? Ayaw ka ba niyang makita?" Tanong niya dito.
"No. No. My mommy is the best mommy ever! She gave me everything i need and everything i want. Lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya at kahit na may trabaho siya, She even stop it just for me but this time it's different.." Napabuntong hininga ito.
"What do you mean by different?" Naguguluhan niyang sabi.
"Someone propose a business proposal to her and i don't like the fact that she'll be away from me for 2 months. I wanted to say no but the proposal was huge! So we ended up being apart.."
Naaawang tiningnan niya ang bata tapos ay maya maya ginulo niya ang buhok nito sa binuhat paharap sakanya.
"Don't worry Little B. She's doing that for your own good. She don't want you to feel down so she's doing everything." Pag papagaan niya sa loob nito. "How about your Dad? Where's your Dad?" Curious na tanong niya dito.
Napaiwas naman ito ng tingin tapos ay matagal bago sumagot, "I.. i don't have one.."