Chapter 24

73.4K 1K 73
                                    

Angiela

Napapikit ako habang pilit na kinukuha yung tamang formula para dun sa equation na binigay ni Professor Sam as an assignment at halos abutin na ako ng sampung minuto sa kakaisip pero wala paring pumapasok na ala-ala sa isip ko.

"Urghh! Sino ba kasing masamang nilalang ang nag imbento ng math! Like seriously? Ang sakit na ng ulo ko kakaisip kung paano hanapin si ganito! Si ganyan! Waaaah! Manang flores, Inday, Mang paulo, daday, tulungan niyo ako!" Sumusuko kong sigaw.

Napasandal ako sa upuan at ginalaw galaw yung ulo ko dahil nangangawit na sa pagkakayuko. Jusko! Bakit ang tanga, boba, stupida, eng-eng at napaka walang kwenta ko pagdating sa math?!

At sa kasamaang palad mas masahol pa saakin yung mga kabigan ko! Kapag ako nakakainitindi ng konti, well sila gumagawa ng sariling formula at equation na pati siguro si Einstein hindi makuha kuha!

Magaling na ako sa lahat ng subject pwera lang sa math. Believe it or not pero rest time ng utak ko kapag nakakakita ng math, hindi gumagana. Ayoko naman lumapit sa Top 1 namin kasi paniguradong hindi ako tuturuan nun. Eh selfish yun eh. Dapat siya lang ang mataas. Tss. Tapos sa top 2 naman namin ayoko din kasi kung makatingin, parang nanghuhubad na! Ihhh! Mabait daw yun sabi nila pero naiilang talaga ako sa mga titig niya.

Sa kahabaan ng pagkakatitig ko sa book ko, one person cross my mind.

Hmm.. "Marunong kaya si jasper?"

Hindi ko naitanong yung course niya. Ang alam ko lang kasi taga Kingdom College siya noon at kilala ko lang siya dahil siya lagi ang tinuturo ng mga kaklase ko ng makipag laban yung school nila dito tapos bigla na lang magtitilian yung mga kababaihan.

Napabaling ang ulo ko sa pintuan ng may kumatok, tapos ay bumukas ito ng konti. Sumilip ang ulo ng isa sa mga trabahador dito ni Jasper.

"Ma'am, may naghahanap po kay Sir."

"Sino daw?" Tanong ko habang hindi parin umaalis sa upuan ko.

"Ayaw pong sabihin ang pangalan ma'am, kung gusto niyo daw po malaman, kayo daw po ang pumunta. Sige po ma'am." Yun lang at umalis na siya. Naiwan akong nakanga-nga. Well.. that was rude.

Sa sobrang curious, agad akong lumabas ng kwarto namin at pumunta ng sala, just to see a girl with a red dress na nakaupo sa sofa.

Napatingin siya sa gawi ko ng maramdaman niya siguro yung pasensya ko. She look at me from head to toe dahilan para mapataas ang kilay ko. She looks familiar tho! Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang alam kung saan.

"Cheap." Sabi niya saka umirap. Cheap? Ako ba yung sinabihan niyang cheap? I was wearing a pajamas dahil gabi na while she? She looks like she'll be going to a bar. Para siyang party girl sa damit niya.

"Excuse me?" Sabi ko, trying to calm myself.

Umupo lang siya doon at tiningnan ako ng nakataas ang kilay. "I'm not here for you. Hindi ikaw ang ipinunta ko kaya pwede ba? I don't wanna see your face!" Sigaw niya kaya napaatras ako. I was about to shout back ng may magsalita.

"Brianna! Stop it!" Napatingin ako sa paparating na jasper. Agad siyang pumunta saakin at hinawakan ako sa braso kaya agad na tumigas ang mukha nung babae na Brianna yung pangalan.

"She started it! Pakialamera kasi!" Naiirita niyang sabi at habang tinititigan ko siya, naaalala ko na siya. Siya yung babae sa bar! Yung humila sa buhok ko! Damn! Kaano ano siya ni Jasper?

"Brianna!" Napahawak ako sa kamay ni Jasper ng sumigaw siya. Nakita kong natigilan yung brianna pero sandali lang dahil nagsalita na agad siya.

"Okay, fine! Aalis na ako! IKAW lang naman kasi ang pinunta ko dito para ibigay sayo to!" Sabi niya sabay lapit kay Jasper at ibinigay ang isang invitation.

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon