Angiela
I close my eyes in defeat.
"A..Angel, P..Please don't kill me. Angiela h..hindi ko na kaya.." Wala akong ibang maramdaman kundi ang panginginig niya.
"Jas..per.." Sabi ko, habol ang hininga. Humigpit pa lalo ang yakap niya at siniksik ang ulo sa leeg ko.
We stayed like that for a few minutes at tanging panginginig lang niya ang nararamdaman ko at ang maliliit niyang hikbi.
I close my eyes once again and tried my best to get out of his embrace at ng lumuwag luwag ng konti ay akala ko makakaalis na ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap saakin and his sobs got louder. "No no no no.. Angiela p..please no.." he said in between his sobs.
Huminga ako ng malalim and tried my best to prevent myself from breaking. Halos madurog ang puso ko nga lumakas ang hikbi niya. Ramdam na ramdam ko na rin ang pamamasa ng balikat ko dahil sa iyak niya.
Bakit ba siya umiiyak? Jasper.. Alam mo na ba?
"Jasper.. Bitaw.." Huminga ako ng malalim at pinahiran ang mata kong namamasa saka inilagay ang kamay ko sa kamay niya para alisin ang pagkakayakap niya saakin.
"Jasper! Bitaw na!" Pero hindi parin siya nakinig at maslalong hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin.
"Ano ba Jasper! Sabi ng bitaw eh!" Buong lakas kong inalis ang kamay niya sa pagkakayakap saakin at ng medyo lumuwag ang pagkayakap niya ay mas binilisan ko ang pagkakawala sakanya at tiningnan siya ng masama. Pero pinagsisihan ko din na nilingon ko pa siya dahil bigla akong tumamlay at may kung anong matulis na bagay ang sumaksak sa puso ko ng makita ko ang mukha niya.
He's crying! Sh*t!
"A..Angiela, b..baby why are you doing this?" He ask in a low tone. Umiwas ako ng tingin sakanya. Ayokong maging mahina. Damn! Not now!
"W..Wala akong ginagawang masama." Tumalikod ako sakanya. I don't want him to see my face. Mabilis kong pinahiran ang luha ko. Sht! "Im leaving." Hindi pa ako nakakahakbang ng maramdaman kong hawakan niya ang braso ko at iniharap sakanya.
"No, you are not." He said helplessly. Tiningnan ko ang mga mata niya. Hurt. Nasasaktan siya. Fvck! Alam ko sa sarili ko kung anong dahilan niyan but i chose to ignore it.
"Jasper-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Alam ko na ang lahat, Angiela." Matigas niyang sabi. "Ang hindi ko lang alam ay kung bakit pilit mong nilalayo saakin si zach! Ang anak ko!"
"No.. He's not your s--" Pilit kong tanggi.
"Cut that crap! Angiela, Why are you doing this?! Enlighten me! Fvck! Nakakabaliw ka Angiela!" Nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi niya iyon. Ginulo niya pa ang buhok niya at frustrated na tumingin saakin.
"Don't fool me, Jasper.." Ngumisi ako. "Wag kang umasta na inosente ka." Mahina ngunit matigas kong sabi sakanya.Naguguluhan siyang tumingin saakin. Nakakunot noo pa ang noo niya na parang hindi ako naiintindihan.
"What are you talking about?" tila naguguluhan niyang tanong pero tiningnan ko lang siya. I remain silent at nakatitig lang sa mga mata niya. Clueless. Yan ang sinasabi ng mga mata niya. Try harder. Hindi na ako maniniwala sa mga matang yan. Umiling lang ako ng bahagya at huminga ng malalim saka tumalikod na sakanya.
"Hindi kita maintindihan! Sh*t! Sh*t!" Frustrated niyang sabi. "Ito na ba ang parusa sa kasalanang hindi ko alam kung ginawa ko ba o hindi?! Tangina! Fvck! Ano ba ang kasalanan ko?! Tangina please tell me!" He said in between his sobs.
No Angiela.. Wag kang magpadala.. Sh*t! Just leave Angiela! Pero hindi ko magalaw ang paa ko, May kung anong pumipigil saakin na lumakad.
"I don't understand why are you doing this.. Are you trying to bring me down? Balak mo bang wasakin ako?! Anong gusto mo? Ang gantihan ako? Angiela, Can't you see?! Im fvcking miserable! Hindi mo ba nakikita?! Wasak na wasak na ako! Tangina!" He sobs..
"Angiela, kung balak mo akong pahirapan... sana ako na lang. Ako na lang ang pahirapan mo, Ako na lang.." Narinig ko siyang huminga ng malalim at parang batang umiiyak. "Wag mo ng idamay si Zach. Wag mo ng idamay ang anak ko. Oo, s..sabihin na natin malaki ang kasalanan ko sayo pero p..paano naman ang a..anak ko? Fvck! Wala siyang kinalaman dito, Angiela.. Wag mo naman sanang hayaang pati siya ay nagdurusa. Ako na lang ang pahirapan mo.. Not my son, Angiela p..please." at tuluyan na siyang napahagulgol.
Napapikit ako sa mga narinig at ng buksan ko ang mga mata ko ay nagsiunahan na ang luha ko sa pag patak. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw sa sobrang inis sa sarili ko. Sh*t! Angiela, What have you done?!
You're a selfish mother! Sarili mo lang ang iniisip mo! A part of me shout.
Halos hindi ako makahinga ng tuloy tuloy ang pag hikbi ko lalo na't naalala ko ang mukha ni zach. Yung mukha niya habang tinatanong saakin kung kamukha ba niya ang daddy niya. How his happy face suddenly turn into sad one sa tuwing hindi ko siya sinasagot. The way he'll say sorry for mentioning about his dad and the way he'll act like nothing happen.
He was adjusting for you, Angiela. Siya ang nag aadjust sainyong dalawa! You are not doing this for zach! You are doing this for yourself! All this time ay si zach ang nasasaktan. Ang anak mo ang nasasaktan at dahil yun sayo! Because you are selfish! Kung sa una pa lang sana na pinagbigyan mo na siya, Mas makakasama mo siya ng matagal. Kung sa una pa lang sana mas inisip mo ang anak mo, walang masasaktan!
Napahawak ako sa pader ng maramdaman kong konting konti na lang ay bibigay na ang mga tuhod ko. Patuloy lang sa pagagos ang luha ko.
Zach.. I need to see zach. I badly want to see my zach..
Wala sa sariling nagmadali akong abutin ang pintuan at binuksan iyon saka nagmamadaling umalis. Nawala na sa isip ko ang meeting. All that matters right now is zach. Gusto kong mag explain. Gusto kong umiyak at mag sorry sakanya for dragging him into this mess. My Zach..
Halos hindi ko na makita ang daang tinatakbuhan ko sa sobrang blur ng paningin ko, may naramdaman pa akong nabunggo ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si Zach.
"Angiela?" Bahagyang napatigil pa ako ng sabihin niya ang pangalan ko. I know this voice. Kilalang kilala ko to. Pero mas pinili kong hindi siya lingonin. It's up to you now..
"Brianna."