Sa bawat araw na dumaan, hindi ko aakalain na mas masakit pa pala. Hindi ko alam kung bakit ganito pa si tadhana saakin, nagmahal lang naman ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang pakawalan sa bagay na hindi ko naman kasalanan. Hindi ko alam kung bakit at sa anong dahilan niya nagawa yun, dahil ba talagang lasing siya?
Simula nung araw na yun, feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano ako babangon sa bawat araw na dumadaan. Nung mga panahon na yun, parang gusto ko nalang umiyak at humilata sa kama ko. Nung mga panahon na yun, gusto ko nalang magpahinga at kalimutan yung sakit na para saakin, hindi ko naman talaga deserve.
Potakteng pag-ibig na 'to.
"Larissa, Anak, may gustong kumausap sayo." Sabi ni Mama sa pagitan ng pinto ng kwarto ko.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko, halos isang linggo na ang lumipas simula nung araw na yun at hindi parin ako pumapasok sa school. Ewan ko, nakakawalang gana kasi eh. I'm not into suicidal, I will not kill myself because of the pain. Gusto ko lang muna magpahinga, napagod ako kakaiyak. Ang sabi naman ni Mama, dapat daw ay pumasok na ako next week. Well, yun naman ang plano ko, ayokong isa-alang-alang ang grades ko para sa kanya.
"Sino po 'yan Ma?" Tanong ko saka tumayo sa kama ko para buksan yung pinto.
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Bri at Mama duon. Ewan ko, pero bigla ay nag-init uli yung mata ko. Miss ko na yung mga lokrita. Lumapit siya saakin at niyakap ako, dun ay nagtuloy tuloy ang luha ko.
"Baliw kang babae ka, tanga ka talaga kahit kelan." Sabi ni Bri, pabiro. "Tinawagan ako ni Tita Clarisse dahil gabi gabi daw nilang naririnig yung hikbi mong gaga ka, nakakarindi na daw." Dagdag niya pa.
"Salamat sa comfort ha." Sarkastikong sabi ko habang umiiyak parin. "Alangan naman kasing tumawa ako habang umiiyak diba?"
Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin. "Ampanget mo magdrama, di bagay sayo. Kulanb ka sa acting experience." Biro pa ni Bri.
"Maiwan ko muna kayo ha." Sabi ni Mama saka nilingon si Bri. "Briella, ikaw muna bahala sa kanya ha."
"Sige po, Tita. Kakalbuhin ko po 'to pag di nagsalita." Sabi ni Bri, natawa lang kami ni Mama sa kanya.
Umalis na si Mama kaya pumasok na kami sa loob ng kwarto ko. May dala dala siyang supot, hulaan ko at canned beer ang dala nitong babaeng 'to. Nagmomove-on din eh. Napailing nalang ako sa kanya saka kami umupo sa kama ko.
"So yun na nga, magkwento ka nga saakin. Gaga ka, kung hindi pa magsasabi saakin si Tita Cla
na wasak din ang puso mo, hindi ko pa malalaman." Turan niya saka nilabas yung canned beer na nasa supot, di nga ako nagkamali."Saan ba ako magsisimula?" Tanong ko sa kanya saka huminga ng malalim bago magsalita. "Nagsimula yun nung... Nagpunta siya dun sa event ng Tito ni Ate Yvette. Si Ate Yvette, kaibigan siya ni Adriel.. sila nila Kuya Lawrence."
"Potakte, iwas talaga dapat tayo sa mga girl-bestfriend na yan eh, mga bwisit." Sabi niya, naalala ko na naman yung Erika na kinikwento niya. Mukhang kailangan nga natin iwasan yun, Bri.
Binigay niya saakin yung isang canned beer na binuksan niya, lumaghok kaagad ako dun. Hindi pa ako naglalunch, bahala na pag nasira mga lamang-loob ko. Uminom din siya sa canned beer niya at hindi nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...