Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mata. Nagmulat ako at nakita ko si Kuya Lawrence na nakatayo sa harap ko at si Mama na hinahawi yung kurtina ng kwarto ko. Binalingan ko uli si Kuya Lawrence na nakataas na yung kilay saakin, panibagong serye ng dada na naman.
"Kamusta yung alak? Sarap ba ng hard drinks?" Sarkastikong saad niya, umupo ako sa kama ko pero napahawak ako sa ulo ko ng sumakit iyon, di ka na nadala noong dati.
"Nak, ayos ka lang ba?" Alalay agad saakin ni Mama at nagpunta pa sa gilid ko.
"A-Ayos lang ako Ma." Mahinang sabi ko.
"Inom pa sa susunod ha, mas damihan mo pa para mas malala pa diyan yung sakit." Bira na naman ni Kuya Lawrence.
"Hay nako Lawrence, mamaya mo na nga dakdakan yung kapatid mo." Saway ni Mama kay Kuya.
Si Mama talaga yung tagapagtanggol ko laban kay Kuya Lawrence. Kahit noong bata pa kami, pinagtatanggol ako ni Mama kay Kuya pero pag ako may mali, si Kuya naman ipagtatanggol niya.
"Ma naman eh, kinukunsinti niyo kasi yan si Tere eh, tignan niyo." Hindi parin nagtataas ng boses si Kuya, malumanay parin yung boses niya. Isa din yan sa bilib ako kay Kuya, never siyang nagtaas ng boses kay Mama.
"Anak.." Marahang tawag ni Mama kay Kuya.
"Ilang beses na yang hinatid ni Adriel, nakakahiya na dun sa tao." Sabi ni Kuya.
"Siya naghatid saakin?!" Nabibiglang tanong ko.
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi dito saamin kagabi. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari pagtapos nung... Shet?! Hinalikan niya ko?! Napahawak ako sa labi ko at pinisil yung pang-ibaba kong labi. Ngayon ko lang nalinaw sa isip ko yun, na totoo nga yun!
Hindi ba talaga ako nag-iilusyon?!
"Tignan mo na, Ma." Napabuntong hininga nalang si Kuya saakin tsaka inirapan. "Bahala ka sa buhay mo, ginusto mo yan." Saka naglakad palabas ng kwarto ko.
Hindi ako nagreact sa sinabi ni Kuya, lumilipad yung isip ko sa nangyari saamin kagabi! Sa Gagong Bryce na yun, sa nakita ko sa sinehan, tas ngayon ito! Yung halikan scene na yun!
"Hay nako Larissa, hayaan mo na yung Kuya mo na yun at may topak lang siya ngayon." Sabi ni Mama.
"Shet.." Mahinang bulong ko, hindi ko pinansin yung sinabi ni Mama.
"Minumura mo ako, Larissa?! Aba?!" Bigla ay nagtaas ng boses si Mama, dahilan para matigil ako sa pag-iisip at mapatingin sa kanya.
"Hala, Ma! Hindi! Sabi ko, Set! Yung Set ng... Liptint kasi Ma!" Sunod sunod na sabi ko. "May nakita kasi ako sa online, mukhang bagay saakin yung kulay. Mura pa ma."
Bigla ay nawala yung taray sa ichura ni Mama. "Ganun ba? Akala ko minumura mo na ko eh."
Feeling ko nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Mama. Takte, muntikan na ko dun! Pero bigla ay napatingin ako sa wall clock ko! 1PM na?! Potragis, may pasok ako ngayon!
"Hala Ma! Late na ko!" Naghihisteryang sahi ko at tumayo pero napahawak lang uli ako sa ulo ko nang sumakit na naman yun.
"Wag ka na pumasok ngayon, Larissa." Sabi ni Mama. "Masakit pa yung ulo mo, hindi mo lang kakayanin."
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...