Napagdesisyunan namin kumain ni Noah sa isang unli chicken wings na fastfood malapit lang din dito sa university. Nagkicrave din kasi ako sa chicken wings ngayon eh, buti nalang at pumayag siya. Luh bhie? Mahal mo na ko niyan? Umoorder pa siya ng pagkain naming dalawa kaya naghanap nalang ako ng seat naming dalawa. Ganun naman palagi, siya oorder at ako ang hahanap ng upuan. Nang makahanap ako ng upuan ay umupo ako dun.
Pero dahil pangatlo pa siya sa pila, naisip ko na magscroll na lang muna sa phone ko habang inaantay siya. Nagsscroll lang ako sa Facebook ko nang maglapag siya ng pagkain sa harap ko.
"Let's eat, mamaya na yan." Sabi niya saakin.
Pinatay ko na yung phone ko saka nilagay sa bulsa ng uniform ko. "Hehehe, thank you Noah."
Napataas ang kilay niya. "Hmm, anong meron? Thank you huh."
Napamaang ako. "Woi, napaka mo ha, kanina ka pa." Nakangusong sabi ko. "Parang bago lang sa pandinig mo na nagthank you ako ha, grabe. Kanina mo pa din ako inaasar, nako." Pagmamaktol ko.
Umupo siya saka inabot saakin yung plastic gloves. "I just missed you, di ba pwede yun?"
Nagroll eyes ako. "Miss din kita pero grabe ka ha, bawing bawi ka sa pang-aasar mo saakin ngayon. "
"Tch." Nakangiting singhal niya. "I love you."
Umangat ang gilid ng labi ko. "Yan, dyan ka magaling. Matapos akong asar asarin, mag-a I love you." Pabiro ko pa siyang sinamaan ng tingin, natawa lang siya saakin. "Anong akala mo, matitinag ako sa I love you mo? Aba...!"
Tinagilid niya yung ulo niya saka ngumisi. "Hindi ba?" Nanghahamon na ani niya.
"Aba...! I love you too din..." Pabebeng kunong sabi ko. "Di pa kasi tapos yung sasabihin ko eh, masyado ka kasing advance mag-isip eh."
"Whatever." Natatawang usal niya.
Nag-usap lang kaming dalawa, at gaya ng tipikal na tanong niya ay tinanong niya ako kung kamusta daw yung pasok ko at kung ano ano pang mga ganap sa araw ko. At gaya ko, tinatanong ko din siya kung kamusta siya this past few days, ang sagot niya lang ay nag-aaral parin siya para sa bar exam niya.
Talagang pursigido si Noah sa pagtake niya ng bar exam ngayong taon. Nung last na kuha niya, kitang kita ko na sobra siyang nanghinayang at kung ako man ang nasa posisyon niya ay ganun din ang mararamdaman ko kaya iniintindi ko siya. At isa pa, mahal ko siya, sobra.
"Hindi ganyan." Puna niya sa pagkain ko ng chicken wings ko.
"Okay na yan, parehas lang naman yun. Basta nangunguya at nalulunok." Sabi ko saka kumain lang ng chicken wings, malapit na akong matapos sa pang-una ko.
Oo, may second batch pa, angal?!
"Tch, ang dungis mo na." Pang-aasar niya uli saka pinunasan yung gilid ng labi ko.
"Okay lang yan, mahal mo parin naman ako eh." Confident na sabi ko at saka uminom ng iced tea.
"Tch, you got the ace." Sambit niya.
"Ako lang 'to Noah, ako lang 'to wag ka masyado mainlove saakin. Larissa lang 'to sis." Tudyo ko sa kanya at tumawa, nakangiti lang siyang umiling iling.
Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at talagang tinuro niya pa saakin kung paano talaga yung tamang pagkain ng chicken wings. Ni hindi ko nga alam na may tamang way pala sa pagkain ng manok. Ah basta, kahit anong way pa yun, basta nakakain mo, okay na yun.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Novela JuvenilLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...