Chapter 33

144 4 0
                                    

Matapos ang araw na yun, medyo naging madalang na yung pagpunta niya sa Clinic ko. Well, di naman na ako nag-eexpect na bumalik pa siya dito mas gusto ko din na huwag muna para makapag-isip isip. Pero bukod dun, medyo naguilty din ako sa inasal ko nung araw na yun. Feeling ko ang sama sama ko dahil wala naman siyang ginagawa pero ganun ako makareact.

Attitude ka na niyan Larissa?

Hanggang ngayon, puro parin tanong yung isip ko. Di ko talaga alam kung paano ko sasagutin lahat ng yun. Gusto ko magtanong, pero ayoko namang masaktan. Feeling ko, mas madali pang kabisaduhin yung iba't ibang klase ng disease kesa sa pagsagot sa mga tanong ko na di ko alam kung paanong paraan masusolusyunan.

Nandito ako ngayon sa loob ng Clinic Room ko at naghahanda na para umuwi. Kakatapos lang ng duty ko at parang gusto ko nalang humilata sa kama ko para matulog dahil ubos na ubos ang ganda at enerhiya ko ngayong araw. Nang maya maya pa ay bumukas yung pinto at iluwa nun si Anthony. Magpapasama kasi ako sa kanya na bumili ng grocery para sa bahay. Feeling ko taghirap na yung bahay namin dahil wala ng makain.

"Tch, gagawin mo lang ata akong kargador ng mga gamit mo dun eh." Bungad niya agad saakin.

Nginiwian ko siya. "Ang eme mo, edi sana di ka na pumayag. Mukhang masama pa sa loob mo eh, nahiya naman ako."

"Di ka na mabiro ngayon ha, galit ka na agad." Sabi niya, nagroll eyes lang ako. "Tara na ba?"

"Hmm." Tatango tangong sagot ko nalang sa kanya.

Lumabas na kami ng Clinic Room ko at dumaan pa muna kami sa may hospital desk para ihabilin kay Rhoda yung Clinic. Matapos lahat ng eche-bureche kung paghahabilin ay tuluyan na kaming sumakay sa elevator at nagpunta sa basement. Sasakyan niya yung gagamitin namin, di ko din dala yung sasakyan ko dahil tinamad akong dalhin kaya nagpahatid ako kay Kuya Lawrence.

"Saan ba tayo?" Tanong niya nung makasakay na kami sa kotse niya.

"Saan lang, walang tayo." Biro ko.

Ngumiwi siya. "Ganyan ba talaga yung mga biro ng walang matinong tulog at kain?"

"Alam mo, peste ka. Napakasupportive mong kaibigan, tagos sa puso." Mataray kunong turan ko saka na nagseatbelt.

"Hahaha," Sarkastikong tawa niya saka inistart yung engine nung sasakyan. "Saya ka na ba dun? Tumawa na ko sa joke mo ha, ewan ko nalang kung may masabi ka pa."

"Edi shing, kwento mo sa pagong." Sabi ko nalang.

Nagdrive na siya papunta sa grocery na pinakamalapit dito sa ospital. At dahil nga ospital, syempre merong malapit na mga grocery dito para sa mga visitor na may bibilhin para sa necessities ng pasyente. Pumasok siya sa parking ng grocery saka naghanap ng paparkingan. Nang maka-maniobra na siya ng maayos, bumaba kami para pumasok sa loob. Kumuha pa siya ng push cart at siya na din yung nagtulak.

"Saan tayo una?" Tanong niya.

"Sa mga meats muna tayo, tas sunod natin yung mga dairies. Pagtapos sa dairies, dun naman tayo sa---"

"Alam mo, kalmahan mo lang yung buhay mo." Pagpuputol ni Anthony sa sasabihin ko. "Isa-isa lang."

"Tsh, nagtatanong ka eh, edi sinagot ko lang."

"Eh bat di mo ko sinagot noon?" Tanong niya saka tumawa, yung tawa na natural talaga.

Inirapan ko siya. "Eh kung ibenta kaya kita dito at gawing porkchop ng Monterey?" Asik ko.

"Luh, galit na agad amp." Sabi niya. "Pikunin niyo naman po, ate."

Di ko na siya sinagot at naglakad nalang uli. At gaya nga ng plano, bumili muna kami ng meats atsaka lumipat sa mga dairies. Nagtalo pa kami kung saan yung next naming punta, at ito namang si baliw naalala na meron ding bibilhin. Kaya ang naging plano, maghihiwalay muna kami tas puntahan niya nalang ako dun sa may mga neccesities. Bibili kasi ako ng mga sanitary pads at kung ano ano na ding makita ko dun, nakakahiya naman kung isama ko pa siya sa pagbili ng sanitary pads diba?!

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon