Chapter 1

311 7 0
                                    

"Hay salamat!" Singhal ko ng matapos na yung klase namin.

Lunes palang ngayon at ang haba pa ng linggo na 'to. 3rd year na ako as medicine student at grabehan na talaga. Nakakainis, andaming mga ipapasa tas sabay sabay pa silang nagbigay! Dalawang lang po ang kamay ko ha. Nakakaloka naman talaga kasi, feeling ko magiging si lasticman ako. Kulang nalang hatiin ko sa dalawa yung sarili ko.

Inayos ko na yung gamit ko para lumabas ng classroom namin at umuwi. Madaming bumabati saakin, syempre dahil friendly ako binabati ko din sila. Ganda ko kaya, wag na kayong umangal. Hindi naman ako kasing popular ng iba, mga kakilala ko lang sila. Na kahit ako, hindi ko alam kung paano ko sila nakilala.

Ganun naman talaga yung ugali ko, hindi ko nalang namamalayan na nagsasalita na ko. Pero sa mga secrets naman, ibang usapan yun. Mabait akong bata eh. Kaya ayun, minsan mapapatanong nalang ako sa sarili ko kung sino at paano nila ako nakilala.

Nasa labas na ako ng gate nang maramdaman kong magvibrate yung cellphone ko. Kinuha ko yun sa bulsa ko, tinignan ko kung sino yung nagchat.

From: Big brother.

Bata, walang tao sa bahay. Yung susi nasa may paso sa labas ng bahay.

Nagroll eyes ako, grabe para akong tuta ha. "Bwisit." Singhal ko.

Siya si Big brother ko, Ps. hindi siya yung may bahay na dilaw at may housemates. Siya si Lawrence, ang dakila kong kapatid. Na walang ginawa kundi asarin, buyuin at gawin akong alalay niya. Well, mabait naman siya... pag walang topak.

Sumakay ako ng jeep papunta sa subdivision namin. Dati sinusundo ako ng kapatid ko na yan, pero ngayon hindi na. Ewan ko ba, di ko alam kung matutuwa ako o hindi. Kasi naman, yung gandang 'to dapat hindi pinagjijeep!

Pagdating ko sa bahay namin, kinuha ko yung susi sa may paso gaya ng sabi ni Kuya. Binuksan ko yung pinto saka pumasok sa bahay.

"Saan naman kaya nagpunta si Mama?" Bulong ko sa sarili ko. Bumuntong hininga ako saka nagkibit-balikat. "Baka nagdeliver lang."

Si Mama kasi, nagbibake siya ng mga cookies, cupcakes o kung ano ano pang mga pastries yan. Yun kasi yung hobby niya kaya ayun yung ginawa niyang negosyo. Minsan tumutulong ako, pero pagtinamad hindi. Sabi sainyo eh, mabait talaga ako. Si Papa naman, nasa barko. Seaman kasi si Papa, at tatlong buwan nalang makakababa na uli siya.

Nilapag ko muna yung bag ko sa sofa bago ako magpunta sa may Kusina para kumuha ng tubig. Matapos nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagpahinga lang ako saglit bago ako naligo. Pagtapos ko maligo, kinuha ko yung planner ko at tinignan yung mga gagawin ko.

Wow, ready na ko maging si lasticman.

Kinuha ko yung gamit ko saka ako bumaba. Tutal, wala naman dito yung magaling kong kapatid at si Mama, dun nalang ako gagawa. Nang makarating ako sa baba, nilapag ko yung mga gamit ko sa may center table.

"Gutom na ko." Usal ko sa sarili ko. Naglakad ako papunta sa kusina para tignan kung anong meron dun, at ang nakuha ko lang ay chichirya at cookies. Nagtimpla din ako ng juice saka bumalik sa may center table.

Nilapag ko yung mga dala ko sa center table atsaka kinuha yung speaker ko. Da blutot debays iz konekted saksepuli. Pabuntong hininga akong ngumiti.

"Buti nalang at wala dito ang kapatid kong hari." Ani ko sa sarili ko atsaka umupo para makapagsimula na.

Habang gumagawa ako, syenpre linalatakan ko din yung chichirya'ng dala ko. Tumututog din yung kanta sa speaker, hindi naman ko nadidistract dun. This what you call chilling while stressing.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon