One week passed and hindi ko na uli nakita si Kuya Adriel. Well, malungkot ako syempre pero mas malungkot ako dahil tambak na tambak na ako ng mga gagawin ko. Kaya hindi ko muna siya inisip, kailangan ko munang gawin lahat ng mga kailangan kong tapusin.
Baka bukas wala na akong matirhan kung di ko gagawin lahat ng kailangan kong gawin.
Nandito ako ngayon sa may Siomai House sa labas ng campus. At syempre, kasama ko ang mga lokrita kong mga kaibigan. Actually, sa linggong lumipas ngayon nalang kami nagkita-kita ng buo.
"Mga bakla, kamusta naman ang buhay ninyo?" Pag-oopen ko ng topic sa kanila.
"Humihinga pa." Sagot ni Sabrina atsaka uminom ng iced tea niya.
"Pasalamat ka nga at humihinga ka pa eh, ayoko ng may dadalawin sa burol." Pamimilosopo ko, nakita ko siyang ngumiwi.
"Hindi mo na daw kailangan bumisita sa burol niya sis, siya na daw bibisita sayo gabi gabi." Biro ni Bri habang syempre, nagsusulat sa filler niya.
"Natakot ako huhuhu." Sarkastikong saad ko.
Nang bigla ay magsalita si Patricia. "Ano sa tingin niyo?" Tanong niya saamin at hinarap yung phone niya. Tinignan namin yung cellphone niya.
At talaga naman ang babaita, isang lalaki na naman po ang balak na biktimahin. Yung pinakita niya kasi saamin ay picture ng lalaki. At wait, there's more! Topless pa yung lalaki na yun, siguro yun yung profile pic.
Nagroll eyes ako, loyal ako pasensya na. "Ambot." Saad ko.
"Saimong lubot." Dugtong ni Sabrina.
"Ano yan, bagong biktima?" Tanong ni Briella saka kumain ng Siomai.
"Obvious naman sissy." Sagot ni Rhianne kay Bri.
"Ay oo nga, si Patricia nga pala yung kausap ko." Sabi uli ni Bri.
"Napakasama niyong mga kaibigan." Singhal ni Pat saka nagroll eyes
Sarkastiko akong tumawa. "Totoo naman kasi yun, obvious na obvious naman na kasi."
"Gusto sa may papandesal." Biro ni Bri, natawa tuloy kami.
"Maghunos-dili ka Briella Mayen at in progress naman na kayo ni Kairus." Tudyo ni Sab.
"Tsh, baka nireto ko yun!" Pagmamalaki ko, aba! Proud ako eh bakit ba.
"Proud ka pa niyan ha." Sabat ni Rhianne.
"Malamang, ibigay ba naman mga accounts ko." Singhal ni Bri, sumimangot ako. Concern lang naman ako na baka tumanda kayong dalaga.
"Anyways, gwapo ba sis?" Tanong uli ni Pat kaya napatingin kami sa kanya.
"Oks lang." Sagot ni Sab.
"Ewan." Sabi ni Rhianne
"Pwede na." Ani Briella.
"Siguro." Sagot ko, loyal ako eh sorry na.
"Grabe, antataas ng standards niyo ha!" Reklamo ni Pat, gagang 'to! Nahingi ng opinyon tas kami pa may kasalanan.
"Boang ampotek." Sabi ko saka sumubo.
"Eh kasi eh, nagdadalawang isip ako." Sabi ni Pat, para tuloy akong nabulunan sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...