Pagkapasok ko sa Hospital, nagpunta muna ako sa Clinic Room ko. Pagkatapos ko kunin yung mga dapat kong kunin ay ginawa ko na yung rounds ko. Daily namin 'to ginagawa, pero depende sa lala ng kaso or sakit ng bata. Atsaka halos lahat ng hawak kong batang pasyente, puro mga babies sila at newborn lang. Bilang lang yung mga bata talaga.
Minsan, isa din sa stress reliever ko yung mga batang nakikita ko dito sa Ospital. Lalo na yung mga makwentong bata atsaka mga babies. Ewan ko, ang cute lang talaga nila. Pero sa mga araw din na yun, di ko maiwasang maisip kung.. kamusta na kaya yung anak niya? Kamusta na silang magpamilya? Pero ang trabaho ay trabaho, ayoko na siyang isipin habang nagtratrabaho ako dito sa ospital. Nakakadagdag lang sa stress, ayoko namang magpasa ng bad vibes sa mga bata.
"Kamusta naman na po siya?" Tanong ko sa Mommy ng pasyente kong bata. Meron kasi siyang Dengue, ilang araw na din siyang nandito sa Ospital.
"Bumubuti naman na po, Doc." Nakangiting sabi nung Mommy niya.
Tinignan ko yung pasyente ko. "Wow, anggaling naman niyan." Nakangiting sabi ko at nagthumbs up pa sa kanya.
"Nako, Doc, sana nga ay magtuloy tuloy na po." Ani nung Mommy niya.
"Magtutuloy tuloy na po yan, lalaban kaya kami niyan. Diba?" Magiliw na tanong ko kay Annie, yung pasyente ko.
"Opo, Doc." Maliit na ngiting sabi ni Annie
"Oh sige, ichecheck ka muna ni Doc ha." Sabi ko at lumapit sa kanya.
Chineck ko yung temperature niya, mas bumaba naman kesa sa kahapon niyang temperature. Chineck ko dito yung eyelids at throat niya, pati na din yung pagkakakabit ng swero sa kamay niya. Maayos pa naman yung pagkakakabit nun, siguro pinaayos na sa nurse bago ako dumating. Nagbigay lang din ako ng iba pang mga kailangan at dapat gawin kay Quinnie. Pati yung mga gamot na dapat ipainom sa kanya in specific time.
"Una na po ako." Sabi ko at nilingon si Annie. "Fighting tayo ha, aja! Papakita mo pa kay Doc yung kanta mo kaya fight, fight, fight tayo."
Ngumiti lang siya at tumango saakin kaya nagpaalam lang uli ako saka lumabas na hospital room niya. Sa isang taon ko palang dito sa St. Francis Medical Hospital, medyo nahuli ko na yung kiliti ng mga batang pasyente dito. Buti nalang din at swak sa vibes ko, madaldal atsaka mabait. Wag na umangal, umangal sapak ng bente.
Bumalik na ako sa Clinic Room ko, siya na kasi yung panghuling pasyente sa rounds ko. Inayos ko din yung chart ko dun sa rounds na ginawa ko kanina. At dahil wala naman na akong gagawin nung matapos kung ayusin ang chart ko ay nagcellphone muna ako.
Bumungad saakin ang mga notification ng mga babaita sa GC namin. Sa taon na nagdaan, never namatay yung GC namin na ito. Mas matagal pa ata 'to sa relasyon niyo. Tinignan ko yung pinag-uusapan nila.
Patricia: Sanaol may pabulaklak, diba @Sabrina? Sweet niyo naman, minay-day pa.
Sabrina: Gusto mo alayan din kita ng bulaklak? Sabihin mo lang.
Briella: Pampatay ba yan? Sagot ko na kandila hehe.
Rhianne: Ako na bahala sa kape at kornik.
Sumali ako sa usapan nila. Aba, di pwedeng kayo lang 'no.
Larissa: Sagot ko na yung pa-tong-its, kung ayaw niyo ng tong-its, uno cards nalang.
Patricia: Mga bwisit kayo, pag ako nauna, dadalawin ko kayo gabi gabi.
Briella: Di ka welcome sa bahay namin, hanap ka nalang ng ibang bahay.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...