Mabilis na lumipas yung mga araw, linggo, buwan at Bagong taon na ngayon! Ewan ko pero nakakatuwa lang dahil bago pa magbagong taon ay nakababa na ng barko si Papa. Kaso nakakalungkot lang dahil yun na nga, hindi ko man lang nakita si Noah nung nagpasko at kahit na ngayong bagong taon. Sa ibang bansa kasi sila nagpasko at dun din sila magbabagong taon. Syempre, nandun yung lola niya atsaka yearly naman na ata nila ginagawa yun. Talagang nakakalungkot lang na di ko man lang siya nabati ng personal.
Yun lang ba talaga? Eme ko.
January 3 na ngayon at bukas syempre may pasok na uli ako. Hanggang ngayon di pa rin sila umuuwi kaya mas nalulungkot lang ako. Pero nagvivideo call naman kami tuwing may free time siya atsaka ayoko din na sirain yung bonding niya kasama yung pamilya niya 'no.
"Ano bang pwedeng gawin?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Gumulong gulong ako sa kama ko dahil nababaliw na ako at wala akong magawa ngayon. Isa din 'to sa rason kung bakit ayokong nandito lang sa bahay eh. Si Papa at Mama kasi umalis dahil mamamalengke daw, sus magdidate lang yun. Yung bakulaw kong kapatid, nasa kwarto niya lang din at syempre ano pa ba? Naglalaro lang ng ML yun sa kwarto niya.
Pero bigla ay tumunog yung phone ko kaya tinignan ko iyon. Nakita ko na nagnotify sa Facebook ko yung...
Noah Adriel Azucena changed his profile picture.
Namilog ang bibig ko. "Wow, at kelan pa siya naging active sa Facebook ha?!"
Oo, sa huling stalk ko sa kanya, 2019 pa yung huling palit niya ng profile pic niya. Kaya tinigan ko kaagad kung ano yung picture niya, malay mo may kasama siyang babae sa pic na yun at malilintikan siya saakin pagbalik niya dito sa pinas. Atsaka syempre, supportive kaya akong girlfriend!
Nakita ko yung profile niya na anak naman talaga ng tupa, stolen shot daw. Eme niya, peyk naman na stolen yan. Nakasuot siya ng isang gray na hoddie at may hawak na Starbucks habang syempre nakatingin sa malayo dahil stolen nga daw. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magcomment.
Larissa Therese Hortaleza: Wow naman, sino kayang tinitignan at sino kayang nagpicture nito?🙄.
Ewan pero natatawa ako sa kabaliwan na pumasok sa isip ko. Nag-iintay ako ng icocoment niya nang magsnooze yung phone.
Noah Adriel Azucena: No way, I'm not looking for another woman, Therese.
Larissa Therese Hortaleza: Kthnxbye, masyadong defensive eh wala naman akong sinasabi.
Natatawa talaga ako sa ginagawa ko dito, ansarap niyang asarin ngayon. Sintomas na miss ko na siya. Wala na siyang nireply na comment dun sa tinext ko, instead sa messenger na siya nagchat ngayon!
From: Adriel
Hey, are you jealous?
Nabigla ako sa chat niya, di ko alam na seseryosohin niya yun! Napadapa tuloy ako sa kama ko at nagchat sa kanya.
To: Adriel
Luh bhie! Hindi totoo yun, joke lang yun. Wag mo seryosohin yun, miss lang kitang asarin.
Nakagat ko yung daliri ko nang hindi parin siya sumagot dun sa last chat ko. Ewan ko pero guilty'ng guilty ako ngayon, ang tanga ko sa part na yun. Pero feeling ko nagliwanag yung mukha ko na parang bumbilya nung nagchat uli siya.
From: Adriel
Miss you too, Therese.
To: Adriel
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...