Chapter 28

128 3 0
                                    

Lumipas ang minuto at umalis na din si Anthony. Ang sabi niya ay may urgent meeting daw siya, tignan mo nga naman 'tong lalaking 'to, oo. At dahil wala pa naman akong gagawin, eh nagscroll scroll nalang uli ako sa phone ko. Pero nakakabagot din pala na magscroll dahil paulit-ulit nalang yung nakikita ko sa newsfeed ko. Kaya para hindi ako tuluyang mabaliw sa pagkabagot, tumayo ako at inayos yung Lab coat ko. Pero saktong palabas na ako ay papasok naman si Rhoda, napakagala nitong babaeng 'to. Char!

"Oh Doc, saan punta niyo?" Tanong niya saakin.

"Dyan lang sa may hospital desk, chika chika lang. Nakakabagot dito eh, natapos ko na lahat ng gagawin ko." Sabi ko sa kanya. Mga madaldal din kasi yung mga nandun sa hospital desk na nurses, kaya dun muna ako. Madaldal din naman si Rhoda, palagi lang gumagala.

"Ah, ganun ba Doc?" Sabi niya saka tumingin sa hawak niyang clipboard. "Nga pala Doc, meron pong nagpaschedule ng check up sainyo."

Nangunot ang noo ko. "Anong oras?"

"Mga 3PM daw po, bukas pa naman po Clinic niyo nun by that time." Sagot ni Rhoda.

Tinignan ko yung wristwatch ko, 2PM palang naman eh, mahaba haba pa yun. "Sige, babalik ako ng mga 2:30 dito sa Clinic Room ko." Ani ko.

"Sige po, Doc." Sabi niya.

Tumango nalang ako saka lumabas na ng Clinic Room ko. Habang naglalakad ako, merong mga bumabati saaking mga pasyente din na sinasagot ko naman ng ngiti at bati rin. Nung marating ko yung hospital desk ng 4th floor ay napatingin saakin yung mga nurse dun. Di ako pumasok sa loob, nandun lang ako sa may pasimano at pinatong yung braso ko dun.

"Si Doc pala, napadaan ata kayo Doc?" Tanong ni Jake, lalaking nurse dito sa floor namin. Apat lang silang nurse dito ngayon, siguro ay nagcheck din ng pasyente yung iba nilang kasama.

"Ah, nakakabagot kasi dun sa Clinic Room ko, wala naman na akong gagawin." Nakabusangot na sambit ko.

"Masyado naman kasi ata kayong masipag, Doc. Easyhan niyo lang kasi yung buhay, Doc hehehe." Sabi ni Jake, natawa lang ako.

"Pero, Doc ha, nakita ko na may dumalaw sainyo kanina! Gwapings, Doc, mukhang yayamanin ang galawan." Sabat naman ni Lanie, wow, lumilipad talaga ang balita.

"Naku, jowa yun ni Doc! Di niyo ba napapansin, napapadalas ang pagpunta nun dito! Nung nakaraang linggo, nung isang araw tas ngayon! Palagi din kasi siya nadaan dito sa hospital desk at tinatanong kung nandyan daw si Doc. Ayiieee, pumapag-ibig na si Doc." Tudyo naman ni Yna, nurse din.

At dahil nga napapadalas ang pagpunta punta ni Anthony dito saakin sa Ospital, napagkakamalan na siyang boyfriend ko. Tsh, boybestfriend lang kasi, mga assuming kayo ha. Well, nasasanay nalang din ako. Kahit na magkasama kami ni Anthony sa malls dahil nagpapasama siya, napagkakamalan din kaming magjowa. Minsan tinatawanan nalang naming dalawa.

"Hoy Yna, bat parang mas kinikilig ka pa kesa kay Doc? Grabe ha, easy ka lang." Biro ni Joyce.

"Bakit ba, Joyce? Makikishare na nga lang eh, nililimitahan mo pa ko." Sabi ni Yna saka nagroll eyes kay Joyce. Aso't pusa sila, ganyan talaga sila.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon