Chapter 21

113 4 0
                                    

Limang araw ang lumipas at nagpunta na si Noah kasama si Ate Yvette dun sa resort kung saan gaganapin yung event. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya nung umalis sila kasi maaga daw silang babyahe, magtatatlong araw na sila dun. At sa lumipas na araw, tuloy parin ang pagsabi saakin ni Noah kung sigurado daw ba ako, Okay lang na mawala siya ng isang linggo at kung ano ano pa. Pero ang sagot ko parin, syempre oo. May tiwala ako sa kanyang di siya mambababae, kasi pagnagkataon eh pagbubuhulin ko sila ng babae niya.

Pero sa kabilang banda, mamimiss ko din si Noah. Isang linggo din yun pero kakayanin ko naman siguro. Uuwi din naman siya after nung isang linggo na yun, so magtatiyaga muna kami sa videocall at chat. Kala mo naman LDR, eh sa Pandi Bulacan lang naman, eme mo Larissa.

Nandito ako ngayon sa school at syempre, kasama si Briella ghorl na hanggang ngayon ay walang pinagbago, mas lumala pa yung pagiging studious niya. Atsaka... medyo tumamlay siya ngayon kesa dati. Ewan ko, siguro di pa nakakamove on ang gaga. Well, di rin naman yun ganun kadali.

"Kamusta ka naman ateng at ilang araw tayong di nagkita." Sabi ko saka kumuha ng fries niya, ubos na yung akin eh. Buraot sa umaga, buraot parin sa gabi.

Pero kukuha palang ako nung paluin niya na yung kamay ko. Napa-aray tuloy ako dahil dun. "Maayos ang lagay ko pero namimihasa yang kamay mo, bumili ka dun ng iyo."

Ngumuso ako. "Napakadamot mo, kala mo naman wala tayong pinagsamahan."

"Namimihasa ka eh, matuto kang gumastos uy." Sabi niya habang nagsusulat na naman sa planner niya na mas mahaba pa sa listahan ng mga naging flings ni Pat.

"Takte, kelan ka ba matatapos kakasulat sa planner mo?" Puna ko sa kanya, kanina pa kasi siya nagsusulat eh.

"Hanggang sa matapos ka na sa pagsasalita." Sagot niya.

"Nako, mapapagod ang kamay mo kung ganun. Baka mamaya maramdaman mo nalang na parang wala ka ng kamay dahil sa dami ng sinasabi ko, kabahan ka na sis." Sunod sunod na sabi ko.

Napahilot siya sa sentido niya. "Pat, Sab, at Rhianne, please bumalik na kayo dito. Nahihirapan akong patahimikin 'tong babaeng 'to."

"Sanaol bumabalik." Sabi ko saka tunawa.

Inirapan niya ako saka nagsulat. "Siraulo kang Tere ka, pag ako di ko nahabol 'tong mga dapat kong gawin, papahabol kita kay Coco."

"Sorry ka sis, friends kami ng aso mo. Nag-uusap na nga kami through viber eh." Biro ko.

Dahil nga bwisita ako, edi nagtuloy lang ako sa panggugulo sa kanya. Buti nga di ako nalintekan sa kanya ngayon eh. Ayaw pa naman ni Briella ng ginugulo sa tuwing seryoso at may ginagawa siya. Larissa lang malakas.

Pero kailangan ko ng pumunta sa klase ko kaya naiwan siya dun, mas ginhawa pa nga ata sa kanya yun dahil wala ng manggugulo sa kanya. Nagpunta ako sa next class ko at walang ginawa kundi makinig. Pero dahil naburyong ako, naisipan ko na ichat si Noah ng patago. Yari kasi ako at baka mahuli pa ako ng prof ko, medyo terror pero minsan hindi. Depende siguro sa trip ni maam, may schedule ata. Hehehe, batang pasaway ako eh.

To: Adriel

Good afternoon Sir! Jollibee delivery, what's your order Sir?

Pinatay ko din yung phone ko saka tumingin sa prof ko na nakaharap lang sa prompter niya. Pero maya maya pa, naramdaman ko na magvibrate yung cellphone ko sa bulsa ng uniform ko kaya tinignan ko uli yun.

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon