Chapter 2

174 5 1
                                    

Wala akong nagawa kundi bumaba para tulungan si Mama. Feeling ko talaga bad idea 'to eh. Hindi ko alam pero wala pa man din kami sa may kusina, hindi na ako mapakali. Dire-diretso lang kami ng lakad ni Mama papunta sa may kusina, talagang hindi ko nilingon yung pwesto nila.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng marating na namin yung kusina. Mukhang busy naman sila kaya buti nalang at hindi nila ako tinignan. Ang awkward kaya nun.

"Oh ito, balatan at hiwain mo na yang mga patatas." Sabi ni Mama.

Hindi ako sumagot, kinuha ko nalang yung chopping board at yung kutsilyo pati yung patatas. Wow, princess Sarrah lang ang peg. Umupo ako sa may mesa namin saka dun nagbalat. Pero talaga nga naman! Kitang kita ko sa pwesto ko si Kuya Adriel.

Jusko, gabayan niyo ako.

Huminga ako ng malalim saka mariin na pumikit. Marahan kong pinakawalan yun saka dumilat. Pero takte talaga, nahuli kong nakatingin saakin si Kuya Adriel!

Pota, mga 7 seconds din yun!

"Nababaliw na ko..." Mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Di ka baliw anak, inlab ka lang." Bigla ay bulong saakin ni Mama dahilan para magulat ako.

"Ma naman eh!" Angil ko.

Tumawa si Mama. "Balatan mo na yan at maghahapunan na."

Ngumiwi ako saka ginawa nalang yung sinabi ni Mama. Tama nga naman si Mama, inlab lang ako. Ay potek hindi, tama si Mama na hindi ako baliw.

Nagbalat nalang ako ng mga patatas gaya ng sabi ni Mama. Kailangan ko muna mag-ala Princess Sarrah ngayon dahil baka magalit si Miss Minchin saakin. Hindi ko na sila tinignan pa uli, bahala sila. Feeling ko namumula ako kapag nakikita ko si Kiya Adriel na titingin.

Nang matapos na ako sa pagbabalat at paghihiwa, nagsaing naman ako. Layuan mo ako tutong na kanin. Pero habang hinuhugasan ko yung bigas na isasaing ko biglang may nagsalita.

"Painom po." Boses iyon ni Kuya Adriel! Huhuness, wag ka lilingon at paktay ka. Nagpatuloy nalang ako sa paghuhugas ng bigas, wala naman ding rason para tignan siya.

"Oh Adriel." Sabi ni Mama na nasa may kalan at tinitignan yung Caldereta'ng niluluto niya. "Wag ka na magpaalam, ano ka ba."

"Ahmm, thank you po." Usal ni Kuya Adriel.

Shuta nemen, beket ke be genyen?!

Pero nagulat ako ng nasa gilid ko na pala siya! Ngayon ko lang din naalala na dito sa tabi ko nakalagay yung lalagyanan namin ng baso! Omaygash, nanawagan ako ng tulong!

Palihim akong napakagat-labi saka nagpatuloy lang sa paghuhugas ng bigas. Kaso lintek talaga, nakita ko pa siya sa gilid ng mata ko na tumingin saakin!

Potakte, 6 second lang yung ngayon! Unfair!

Umalis na din siya pagkatapos kumuha ng baso, dun ko lang napakawalan yung hugot hugot kong hininga kanina pa. Pero maya maya pa, nagring yung cellphone ni Mama. Napatingin ako kay Mama, sinagot niya na yung tawag.

["Hello?.... Pa ikaw pala yan, musta ka dyan... Oo okay lang kami!..."] Sagot ni Mama sa kausap habang naghahalo ng niluluto niya. Kinalabit ako ni Mama. "Anak, tignan mo muna 'tong niluluto ko ha."

Love to Attain (Squad Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon