Nung gabing yun, di ako nakatulog buong magdamag kakaisip kung anong nangyari kay Noah. At ang mas malala pa dun, naggoodnight lang siya saakin kagabi at hindi na nasundan pa! Ewan ko kung tinotoyo ba siya o ano pero nakakapanibago talaga siya. Parang may mali sa kanya na parang wala na parang meron. Ganyan siya kagulo, sobra sobra! Ang sabi niya ay magpahinga ako pero yung utak ko hindi makapagpahinga dahil iniisip ko kung anong meron sa kaniya kagabi.
Kaya naisipan ko ngayong umaga na puntahan siya sa kanila. Wala akong pasok ngayon kaya okay na din na pumunta ako sa kanila. Nag-aayos na ako ng damit ko ngayon papunta sa kanila, 9AM na ng umaga. Nakasuot lang ako ng isang denim skirt, isang oversized shirt na nakatuck in at white shoes.
Bumaba ako ng kwarto ko, napabaling saakin sila Mama at Kuya na parehong nasa sala nang makita na nakapang-alis ako. Nangunot pa yung noo ng magaling kong kapatid.
"Saan ang gala mo? Galing ha, bihis muna bago paalam." Puna na naman niya saakin.
"Pupunta lang ako kila Noah, Ma." Paalam ko kay Mama.
"Ay anggaling. Oo, anggaling talaga." Sarkastikong sabi ng bakulaw kong kapatid nung balewalain
"Osige nak, Ingat ka ha." Sabi ni Mama.
Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Ma. Alis na po ako ha."
"Magpahatid ka na sa ku---"
Pinutol ni Kuya Lawrence yung sasabihin ni Mama. "Nako Ma, hindi. Marunong magjowa, di makaalis mag-isa para sa boyfriend niya? Bahala siya dyan."
Nagroll eyes nalang ako, andami talagang kuda ng kapatid ko na 'to palagi. Parang di nauubusan ng masasabi yung bibig. Kala mo sharinggan ang pocha. "Sige na Ma, Bye! At wag ka na din bitter big brother, magkakajowa ka din." Sabi ko at lumabas na ng bahay.
Nilakad ko lang yung bahay namin papunta sa gate ng subdivision namin, ganun naman ako palagi eh. Pagtapos sumakay ako ng jeep papunta sa subdivision nila Noah. Alam ko na kung saan yun pati narin yung bahay nila. Bumaba ako sa jeep nang marating ko yung subdivisio pero dahil medyo malayo yung bahay nila mula sa gate ng subdivision, nagtricycle nalang ako. Nang marating ko yung bahay nilang pagkalaki laki, bumaba ako dun. Nagdoorbell pa ako ng isang beses bago may lumbas na yaya.
"Ay Hello po, Ako po si Larissa, nandyan po ba si Noah?" Tanong ko sa babae.
"Kayo po ba yung girlfriend ni Sir Adriel?" Tanong ni Ate, tumango ako. "Nako tulog pa po si Sir eh, pero pasok po muna kayo."
Tumango nalang ako kay Ate, nilakihan niya yung bukas ng gate kaya pumasok na ako. Naglakad kami papunta sa bahay nila, nang marating namin yung sala nila ang tahimik lang at walang tao. Nilibot ko pa yung tingin ko sa buong sala pero wala talagang tao. Nilingon ko si Ate para magtanong kung bat walang tao.
"Ahmm, Ate. Bat parang antahimik po ngayon dito?" Tanong ko.
"Umalis po kasi si Maam Glydel at sila Sir Nero naman po nagpunta sa probinsya nila Maam Crizs kasama si Kiro. At si Maam Anyah naman po pumasok sa school." Paliwanag ni Ate.
Napatango tango nalang ako. "Eh si Noah po ba?"
"Nasa kwarto po, tulog pa po ata. Kung gusto niyo po puntahan niyo nalang po sa kwarto niya, kayo naman po yung papasok eh." Sabi ni Ate.
"Ahmm.." Nagdadalawang isip na ani ko. "Sige po, saan po ba?"
"Halika po at sasamahan ko na kayo." Saad ni Ate.
BINABASA MO ANG
Love to Attain (Squad Series#2)
Teen FictionLarissa Therese Hortaleza, ang pinakamadaldal sa barkada. Well, alam naman niya yun dahil obvious naman na. Akala mo ay hindi siya nauubusan ng storya sa sobrang pagka-chismosa. She was born extrovert, she'll talk when she wants to. Anywhere and any...